NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

“FLASHBACK”
Sa isang lugar sa Cordillera may isang mag-aaral na nagngangalang Diego. Siya ay isang
matalinong binata, may buong puso sa pag-aaral at may pangarap na maging isang
inhinyero at mahilig tumuklas at umalam ng mga bagay bagay sa paligid niya. Isang araw
sa paaralan,may nabanggit ang kanilang guro tungkol sa mga nakakabighaning mga
artifacts na matatagpuan sa liblib na kagubatan ng Cordillera.
Dahil sa kanyang kuryosidad at determinasyon, hindi nag-atubiling pumunta si
Diego dahil narin sa gusto at hilig nya ang pagtuklas.Naglakbay siya nang malayo sa
bayan, nilalakaran ang masukal na daan patungo sa misteryosong kagubatan. Habang
siya'y naglalakad, naririnig niya ang mga malalakas na huni ng ibon at kakaibang tunog
ng mga hayop na hindi siya pamilyar.Dumating siya sa isang lugar na hindi pa niya
narating noon, Ang kagubatan ay mas masukal at mas mapanganib. Sa gitna ng kagubatan,
nadatnan niya ang isang kakaibang kweba na puno ng mga di-kilalang simbolo . Sa
kakaunting pag-aalinlangan,takot na may kasamang kagalakan ay patuloy parin
siyang pumasok sa kweba at kanyang natagpuan ang mga antigong artifacts.Sa hindi
inaasahang pangyayari, natagpuan niya doon ang isang maliit at maalikabok na kahon.
Binuksan niya ito nang may pag aalinlangan na mayroong pananabik at biglang may
kakaibang liwanag na sumilip mula sa loob nito. Nang muling bumukas ang kanyang mga
mata, siya ay biglang napadpad sa ibang dimensyon kung saan ang lahat ng nakikita niya
ay puro kakaibang kulay at porma.napapaisip at naguguluhan si Diego sa kanyang
kapaligiran, biglang sumulpot sa tabi niya ang isang misteryosong babae na may
maamong mukha. "Ikaw ang napiling tagapagmana ng kahon Diego,ani ng misteryosong
babae. Hindi agad naintindihan ni Diego ang narinig, ngunit biglang naglaho ang babae
kasama ang kahon.Pakiramdam ni Diego ay tila siya'y nananaginip dahil sa bawat
pagpikit niya ay nasa iba't ibang dimensiyon siya, sa muling pagpikit niya siya'y nasa
isang ginagawang imprastraktura at maraming tao ang nakapaligid sakanya,biglang
bumuhos ng malakas na ulan at humampas ang malalakas na hangin. Sa muling pagpikit
niya sa kasamaang palad, napadpad siya sa isang liblib na bayan na kanyang hindi pa
naririnig o nakikita noon.Lahat sa bayang iyon ay tila may maitim na sikreto. Ang mg tao
doon ay may kakaibang mga pananamit at pagugali. Ang mga bahay ay puno ng maraming
mahiwagang simbolo at mga kulay. Dahil sa pagka mausida ni Diego, nagpasiya siyang
magtago at alamin ang tunay na pagkakakilanlan ng lugar na iyon.
Sa paglalakad sa liblib na kalye, napansin ni Diego na ang bawat tao sa bayang
iyon ay may kanya-kanyang mithiin at pakay. Isang araw, isang matandang lalaki ang
lumapit sa kanya at ibinahagi ang isang misteryosong kasabihan: "Ang pag-ibig ang susi
sa lahat ng ito." Hindi maintindihan ni Diego ang kahulugan ng kasabihan na iyon subalit
sa kanyang pagsasaliksik ay aksidente niyang natuklasan ang isang pamilyar na dalaga
na nagngangalang Isabela.Sa tuwing magkikita sila ni Isabela nararamdaman ni Diego
ang kakaibang init sa kanyang puso. Subalit unti-unti rin niyang nakikita ang mga
pangyayari sa bayan na nag-uugnay sa kanilang pagmamahalan. Naalala ni Diego ang
kasabihan at sinimulan niyang unawain ang mga pangyayari sa likod ng misteryosong
bayan at ang kanyang nadarama na pagmamahal para kay Isabela.Bawat araw ay
nagkikita at namamasyal sila na para bang hindi iniintindi ang nakapaligid sa kanila .sa
paglipas ng mga araw,buwan,at taon sila ay nabiyayaan nh dalawang anak isang babae at
isang lalaki na mas lalong nagpatibay sa kanilang relasyon.Ngunit sa hindi inaasahan
pagmulat ni Diego nang kanyang mga mata ay tila nasa ibang dimensyon na naman siya,
pinipilit nyang bumalik sa panahon na nakilala at nabighani siya kay Isabela ngunit kahit
anong gawin niya ay hindi na sya makabalik rito.
Sa muling Pagkisap ng kanyang mga mata ay nakita nya ang sarili na nakahiga
sa kama at tila ba parang kay tagal niyang nahimbing. Sa pagmulat niyang iyon may
tumakbong dalawang bata at sabay sabing "Daddy, sa wakas gising kana" at biglang
bigkas ng isang babae na tila ba namumukhaan at familiar sa kanya "Tagal naming
naghintay na magising ka mahal" sabay yakap sa sobrang galak at inabot ang isang kahon
sakanya at pagkabukas ay nakita ang litrato ng kanyang pamilya na bakas sa kanilang
mga ngiti at kagalakan,at doon nya napagtanto na sa pagkakahimbing nya na iyon ay para
bang lahat nang nakita niya ay ang mga masasaya at di mga di malilimutang pangyayari
sa buhay niya.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.