NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

BUOD NG FLORANTE AT LAURA

Maririnig ang pagtangis ng isang binatang nakatali sa puno ng Higuera sa
gitna ng isang gubat na halos di natatanglawan ng liwanag, sadyang napakasukal
at punong-puno ng mga mababagsik na hayop. Nasa labas ng bayang Albanya ang
gubat ay malapit sa isang ilog na makamandag. Ang binata ay si Florante, isang
binatang nagmula sa kaharian ng Albanya. Tumatangis ito sa dahil sa kataksilang
kinasapitan mula sa kasintahang si Laura at mahigpit na kalabang si Konde Adolfo. Nakadaragdag sa panglaw ng kagubatan ang kahabag-habang na kalagayan ni

Florante. Labis rin ang kaniyang kasawian sa pagkamatay ng ama at ang kalunos-
lunos na kinasadlakan ng kanyang bayang Albanya. Sa kabilang dako, may isang Moro ang napadpad sa kagubatan at narinig

ang pagtangis na ito ni Florante. Siya si Aladin. Mabilis niyang hinanap ang
pinagmumulan ng tinig sa labis na pagkaawa sa kaniyang mga narinig. Nang
makita ang binata, dalawang leon ang nakapaligid dito at handa nang sakmalin
ang binatang nawalan na ng malay. Agad na iniligtas ito ni Aladin na sanay sa
pakikipaglaban at napatay ang dalawang mabangis na hayon. Kaagad niyang
kinalagan ang binata at kinalinga hanggang sa magbalik ang lakas nito. Sa paggaling ng binata, isinalaysay ni Florante kay Aladin ang kaniyang
buhay mula pagkabata. Aniya, siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Maging ang kamuntik nang malagay sa panganib ang buhay mula sa isang buwitre
at pagkakaligtas ng pinsang si Menalipo ay nabanggit ni Florante. Ikinuwento rin
niya ang pagpapadala sa kaniya ng mga magulang sa Atenas upang magkaroon ng
magandang edukasyon. Doon niya nakilala si Adolfo. Sa una ay natuwa siya dahil
sila ay kapuwa taga-Albanya ngunit malayo ang loob nito sa kaniya. Hindi nga
naglaon, napagtanto niyang may lihim na galit sa kaniya ito dahil nalampasan niya ito sa kagalingan at popularidad. Nang minsang magtanghal siya, pinagtangkaan
nito ang kaniyang buhay, kundi lamang nailigtas ng kaklaseng si Menandro ay
nautas na ang kaniyang buhay. Kaya’t pinauwi si Adolfo kaagad sa Albanya. Lumipas ang isang taon pa sa Atenas, sa tulong at gabay ng kaniyang gurong
mapagkalingang si Antenor. Isang araw, nakatanggap siya ng liham mula sa
Albanya na nagsasabing namatay na ang kaniyang ina. Makalipas ang dalawang
buwan at muli siyang nakatanggap ng liham na pinauuwi na siya nito Albanya. Nagbilin naman sa kaniya si Anternor na mag-ingat kay Adolfo sa kaniyang pag- uwi dahil baka ito’y kaaway na lihim. Nang magbalik siya sa Albanya kasama ang kaibigang si Menandro, kaagad siyang sinalubong ng ama na nagdadalmhati. Saka sila nakatanggap ng
liham na ang bayan ng Krotona, ang kaharian ng kaniyang ina, ay nilusob ni
Heneral Osmalik ng Persya sa pangunguna ni Aladin. Pagkakita sa kay Florante ni
Haring Linceo, kaagad nitong ipinadala sa Krotona ang binata at ginawang Heneral
ng Hukbo. Napatay naman niya si Heneral Osmalik at nanalo pa sa iba pang
labanan. Nagwakas ang kaniyang pagsasalaysay sa ginawang pagtataksil sa kaniya
ni Adolfo matapos agawin ang Albanya at ang kasintahang si Laura. Nagpakilala ang naman si Aladin at sinabing siya ang mahigpit nakalaban
ng relihiyong Kristiyano dahil isa siyang Moro. Isinalaysay din nito na parehas ang
kanilang pinagdaanan. Siya ay pinagtaksilan rin ng ama, at inagaw ang
kasintahang si Flerida. At kaya siya nasa kagubatan ay upang lumayo. Pagkatapos mag-usap ng dalawa, nakarinig sila ng mga tinig na
nagmumula sa hindi kalayuan. Nang hanapin ito, nagmumula pala ito kay Laura
at Flerida. Nalaman nilang tumakas si Flerida mula kay Sultan Ali-Adad upang
hanapin si Aladin, doon niya nakita si Laura na tangkang pagsamantalahan ni
Adolfo. Pinana niya ito upang mailigtas si Laura. Isinalaysay ni Laura ang totoong
mga pangyayari mula sa panloloko nito sa hari na kaniyang ama hanggang sa
pagkakadakip kay Florante. Masayang nagtapos ang pagsasalaysay ng magkakatipan dahil sa
pagtatantong tapat sila sa pag-ibig sa bawat isa. Sa huli, matagumpay na naghari
sa Albanya si Florante, nagpabinyag naman si Flerida at Aladin at umuwi sa
Persya matapos mamatay ni Sultan Ali-Adab.

Pumili ng tatlong mahalagang pangyayari mula sa binasang teksto na
maiuugnay rin sa pa rin sa kasalukuyang panahon. Magbigay ka ng iyong
paghihinuha rito tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura. Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng tula.

ito ang aking tula "Sa kagubatan na maraming hayop, nakatali at nahihirapan ang binata na si Florante,
kasalanan ito ni Adolfo kung bakit ang pag ibig nila ni Laura ay nawaglit,
namatay ang kanyang ama kaya mas lalong nalungkot sya.

may isang moro na napadpad sa kagubatan, pangalan ay Aladin
tinulungan nya ang binata na muntikan na sakmalin ng dalawang leon,
nang gumaling ang bata ay nagkwento sya ng kanyang buhay simula pag ka bata,
ang buhay nya ay puno ng hirap.

Ikinuwento rin niya ang pagpapadala sa kaniya ng mga magulang sa Atenas upang magkaroon ng
magandang edukasyon, nakilala nya si Adolfo, sa simula ay natutuwa sya ngunit napagtanto niyang may lihim na galit ito sa kanya."

hindi pa tapos ang aking tula, maaari mobang tapusin at paggandahin ang aking tula? maraming salamat.

ito ang rubik
Rubrik sa Pagmamarka:

Pamantayan Laang
Puntos
Sariling
Puntos
Puntos
ng Guro

20
Nakapagbigay ng 3 mahalagang pangyayari sa binasang
buod
Naiugnay sa kasalukuyang panahon ang mga napiling
pangyayari
20
Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at
Laura batay sa pinakinggang mga pahiwatig sa akda. 25
Nailahad ang sagot sa malikhaing paraan. 25

KABUOAN 100 pts

tama ba ang aking isinulat na tula?
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.