NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

PANIMULA
Ang mundo ay sadyang mahiwaga, natutunghayan natin ang simpleng buhay mula sa simpleng pakikisalamuha sa ating kapuwa. Mula sa simpleng buhay na ito patungo sa masalimuot ngunit katanggap-tanggap na makabagong mundo, tayo ay sumusunod sa agos ng panahon.
Kaalinsabay ng mga pagbabagong ito, ang mga gawain sa larangan ng akademya ay nabago rin. Upang makasabay sa modernong panahon ng pagkatuto tayo ay nagsumikap na mapaunlad ang iba't ibang aspeto sa larangan ng edukasyon, mapapansin rin na tayo ay hindi pahuhuli sa ating mga karatig- bansa. Ayon kay Aban et al. (2007), ang daigdig ngayon ay ang daigdig ng iba't ibang limbag o printed words. Ito ay mula sa mga siyentipiko, eksplorers, teknokrats at matagumpay na mga lider ng bansa. Binanggit din na ito ay nagsisilbing salamin upang makita at masuri ng tao ang sarili, batay sa buhay ng ibang tao na nabasa na.
Ang pagbasa ay ang lundayan ng pag-iisip ng mga mambabasa. Nagsisilbi itong tuntungan ng kaniyang pananaw, pagkatuto at pagpapahalaga sa mga bagay-bagay sa paligid. Naihahambing ang mga kaalamang dati na niyang alam at muling sinusuri upang lalo itong pagyamanin sa isipan. Nagiging hakbang din ito upang matuto, makialam at makibahagi sa lipunang ginagalawan. Tunay na napakahalaga ng pagbabasa sa buhay ng tao. Subalit, nakalulungkot isipin, na ang pagbasa bilang isa sa makrong kasanayan ng komunikasyon ay nagtamo ng pinakamababang porsiyento ayon sa pag-aaral sapagkat hindi ito lubusang nalilinang sa mga mag-aaral. Bagama't hindi ito madaling matutunan bilang kasanayan magagawan naman ito ng paraan upang madebelop at mapaunlad pa.

Ang pagbasa ay isang gawaing hindi biro, sapagkat ito ay nangangailangan ng seryoso at puspusang pag-unawa upang matukoy ang nilalaman o pagpapakahulugan sa isang teksto. Ayon kay Tumangan et al. (1997), ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Nababatid ito ng mambabasa sapagkat natutukoy niya ang simbolong ginamit ng manunulat upang ito ay bigyan niya ng sariling pagpapakahulugan. Walang manunulat ang gumagamit ng simbolong hindi nababatid ng taong pag-aalayan ng kaniyang likha. Bagkus tinutulungan pa niya ito upang ganap na maynawaan ang bunga ng kaniyang pag-iisip.
Samakatuwid, ang mga simbolong ginagamit sa pakikipag-ugnayan ay ang puhunan upang maunawaan ang isang babasahin. Ang isang tao na marunong bumasa at umunawa sa mga simbolong ginamit ay mabilis na natututo. Ang mga hangarin at adhikain niya sa buhay ay tunay na matatamo.
Ang ganap na pagkatuto ay hindi dahil sa mga natutunang mga simbolo, bagkus kaalinsunod nito ay ang pag-unawa, pagsusuri at paglinang sa kasanayang pangkaisipan. Ayon kay Goodman, na binanggit ni Badayos (2008) sa kaniyang aklat, ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa.
     
 
what is notes.io
 

Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.