NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

DEATH PENALTY – HINDI SANG-AYON Isa sa mga kontrobersyal na isyu na minsang pinag-usapan at pinagtalunan ng mga mamamayang Pilipino ay ang death penalty. Ayon sa Republic Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa mga gumawa ng mga kagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis, nakaririmarim, kakilakilabot, at nakapopoot. Ilang halimbawa ng mga krimen na maaaring humantong sa kaparusan ng kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape, at drug pushing. Maraming may gustong ipatupad ang batas na ito dahil di umano’y mapipigilan nito ang pagtaas ng antas ng krimen. May nagsasabi namang bakit bibigyan ng pamahalaan ng tirahan at pagkain ang mga kriminal na gumawa ng mali sa kanilang kapwa tao. Ang argumento naman ng iba ay mas malaki ang gagastusin ng gobyerno kung ikukulong ng panghabang buhay ang isang tao kaysa kung tatapusin na lang ang buhay nito. Ang aking opinyon ay salungat sa kanilang paniniwala. Bakit? Marami kasing makabuluhang dahilan para hindi natin suportahan ang death penalty. Una sa lahat, hindi natin masasabing mapapababa ng death penalty ang antas ng krimen. Wala pang pagsasaliksik na nakapagpatunay rito. Sa katunayan nga, ang Estados Unidos na mayroong Death Penalty Law sa ilan nilang estado ay may mas mataas na antas ng krimen kaysa sa Britanya at Australya na walang ganitong parusa. Hindi mo rin naman masasabi na mas maraming tao ang lumalabag sa batas sa mga estado ng Estados Unidos na walang death penalty kaya mataas ang antas ng krimen ng kanilang bansa. Ayon sa mga pagsasaliksik, simula noong 1990 hanggang ngayon, ang mga estado ng US na may death penalty ay palaging may mas mataas na antas ng krimen kaysa sa mga estadong hindi nagpapatupad ng death penalty. Ikalawa, kung pera lang rin at kakulangan sa budget ng pamahalaan ang pag-uusapan, mas mabuti pa rin na hindi magkaroon ng death penalty. Totoo naman ang sinasabi nilang mas malaki ang malulustay kung pananatilihing buhay ang mga kriminal na gumawa ng isang karumaldumal na krimen kaysa sa presyo ng lethal injection. Pero hindi iyon ang basehan ng halagang magagastos sa death penalty. Ang presyo ng lethal injection ay parte pa lang ng sobrang laking magagastos para sa isang kriminal na ilalagay sa death row. Syempre mga ekspertong doctor ang magtutorok ng lethal injection sa papatawan ng death penalty.
Isama mo pa rito ang presyo ng mas istriktong kulungan kung saan ikukulong ang mga nasa death row. Sila rin ay babantayan ng masa maraming at mas eksperyensadong mga bantay. Mas mahaba ang ibibigay na oras para sa mga appeals ng nasasakdal. Mas marami at mas mahahaba rin ang mga pagdinig na gaganapin para malaman kung dapat ba talagang patawan ng parusa ng kamatayan ang isang kriminal. Sa mga hearings na ito, mas marami ang mga abogado na kinakailangan dahil nga sa sobrang senstitibo ng kasong dinidinig at pinagdedesisyunan. Karaniwan, dalawa ang abogado sa kada panig. Walang problema ito sa mayayaman ngunit kapag mahirap ang kliente, ang gobyerno ang magbabayad sa mga abogadong hahawak ng kaso. At kung may katarungan talaga sa bansang ito, karapatdapat lang na magaling at bihasa rin ang abogadong hahawak ng kaso ng isang mahirap na nasasakdal lalo na kung mayaman ang kabilang panig na nagdiriin sa suspect. Isa pang problema ang uusbong dahil dito. Sa “jusTIIS” na sistema natin dito sa Pilipinas, Kung walang pera ang isang tao, kahit sabihin mo pang inosente siya, malabong maipanalo niya ang isang kaso. Wala namang nakulong sa mga nagnakaw ng milyon o bilyon sa bulsa ng pamayanan samantalang yung mga nanghahablot ng bag sa mga mall at mga mandurukot ng cellphone ay nadun na sa kulungan. Ang parusang ito ay masasabing ko na “anti-poor” sa kadahilanang kayang-kayang bilhin ang hustisya dito sa ating bansa. At dahil mas mabigat ang parusa, ang mga may pera ay mas lalong maaakit bilhin ang hustisya para makatakas sa kamatayan. Pwede rin itong magamit ng mga mayayamang may galit sa isang taong ordinaryo o mahirap. Ipapalabas lang ng taong ito na ang may mabigat na kasalanang ginawa ang kanyang kahidwaan, gagamit ng pera, at maparurusahan ang kanyang kaaway ng kamatayan ng hindi nababahiran ng dugo ang kanyang mga
     
 
what is notes.io
 

Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.