Notes![what is notes.io? What is notes.io?](/theme/images/whatisnotesio.png)
![]() ![]() Notes - notes.io |
Hi, mahal. (bawi, last naman na eh) Nakakainis, hindi ako makatulog kaya gising na gising pa rin ako kahit ala una na. HAHAHAHAHA. Ilalabas ko na lang lahat ng gusto kong sabihin dito, kasi hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng chance na sabihin 'to sa'yo, so eto na.
Noong sinabi ko sa'yo na naka-move on na ako, syempre hindi 'yun totoo. Hirap na hirap akong sabihin sa'yo na hindi na kita gusto, kasi ang totoo, gusto pa rin kita. Ang daming excuses na kesyo kasi akala ko may boyfriend ka na, e. May pa-letter pa sa'yo na gusto kong maging formal, na hindi na nga kita gusto, kahit alam ko sa sarili ko na kahit ilang bagong taon pa ang lumipas, ikaw pa rin naman.
Nung nakita kitang umiyak sa PID, gusto na kitang tanungin agad nun, kasi parang dinudurog ang puso ko, kahit hindi ko alam kung bakit ka umiiyak. Nung kinuwento mo na hindi ka lang sa PID umiyak, hindi na ako mapakali. Naiinis ako kasi bakit ka pinapaiyak? Anong karapatan nila?
Nung gabi na nag-usap tayo nun, sinabi ko sa'yo na concerned ako, pero as a friend na lang. HAHAHA. Ewan, natakot kasi ako nun na baka isipin mong kaya lang ako ganun sa'yo ay dahil gusto pa kita. Though totoo naman, lol. Pero kasi gusto ko nung time na 'yon, maramdaman mo ako as someone lang na ready makinig sa'yo. Gusto kong ma-feel mo na hindi ka nag-iisa nung time na 'yon. At nag-work naman, sabi mo gumaan ang loob mo, lalo na't naasar mo ako nun. So, sige, kahit mabilis akong mapikon, okay na rin 'yon kung masaya ka.
Naging ganun nga tayo—asar dito, asar d'yan. Ganun tayo nag-uusap. Pag seryoso ka na sa pagkukuwento, sobra akong kinakabahan kasi alam kong iiyak ka na naman. Kaya lahat ng pwede kong gawin, ginagawa ko para mabawasan kahit papaano. Kasi kahit gusto kong ilipat sa akin 'yung sakit na nararamdaman mo, hindi naman pwede. Kaya kung ano 'yung alam kong makakapagpagaan sa'yo, ginagawa ko. Nung nagsabi ka sa akin about sa family mo, alam mo bang pinalipat ako sa harapan ng kundoktor sa jeep kasi napansin niyang umiiyak ako? HAHAHA. Nakakainis kasi, bakit kailangan mong maranasan 'yon? Bakit ang hilig kang paiyakin ng mga tao? Nakakainis pa lalo kasi wala naman akong magawa. Kaya 'yon na 'yung mga panahon na sinabi ko sa sarili kong hindi ako aalis. Hindi kita iiwan, kahit hanggang kaibigan na lang.
You've been through a lot, pero napakabuti pa rin ng puso mo. So paano kita hindi mamahalin niyan? Putek, umiiyak na naman ako. 'Yung idea na 'to kasi, lagi akong pinapaiyak. Kasi alam ko na I will never get the chance para mahalin ka nang buong-buo. Hindi ko mapaparamdam at mapapakita sa'yo, kasi alam kong darating 'yung time na sa guy ka pa rin mag-e-end up. Pero paano? Kung 'yung mga lalaki na nakapaligid sa'yo, hindi naman mapagkakatiwalaan? Kung alam mo lang, 'yung mga kwento mo sa akin na ganun, gustong-gusto na lang kitang itago sa bag ko kasi natatakot ako at baka kung ano pang mangyari sa'yo. Pero kasi, hindi ka makakahinga sa bag ko. HAHAHA jk. Wag ka umiyak, kasi same tayo, sige ka. Haha.
Recently, halos patayin ako ng curiosity ko kung ano bang nangyayari sa'yo. Bakit ayaw mo akong ipamigay, e ayaw mo naman sa akin? Bakit ganun ka sa akin sa chats, e hindi mo naman ako pinapansin sa personal? You confused me. Hindi ko naiintindihan 'yung mga pa-thrill mo sa buhay, kaya 'yon, hindi ko na rin alam. Ang alam ko lang nun, natatakot na ako kasi hindi naman ako tanga para hindi ko pa mapansin na gusto mo rin ako. Natatakot ako kasi 'yung pinapakita mo sa akin parang gustong-gusto mo talaga ako, and ready kang i-give up lahat for me. Dun na ako natakot, kasi pag tumagal tayong ganito, paano 'yung religion mo? The least I want to happen is to keep you away from God. I’ve been there, and ayokong mangyari sa'yo 'yon. Hindi ko kakayanin. Kung alam mo lang, mahal kita... mahal na mahal. Pero hindi kasama sa pagmamahal ko 'yung ilayo ka sa magiging kakampi mo sa lahat.
Siguro nga tama ka, ito siguro talaga 'yung nagmulat sa atin na hanggang dito lang tayo. Na hindi talaga pwede. Kaya sorry. Sorry kasi ang hirap para sa akin, at alam kong mahirap din 'to para sa'yo. But one thing I promise you na I will still be your rant buddy. Rant ka lang, makikinig ako lagi. Let’s just, at least, keep it this way.
All the things we did together—yung pagsabay sa uwian, sana pala sinulit ko na. HAHAHA. Sana pala binagalan pa natin maglakad. Sana pala nag-picture na tayo. Sana pala hinawakan ko na 'yung kamay mo. At sana pala niyakap na kita. Hindi ko alam kung mangyayari pa 'to kasi sobrang labo na. HAHAHA. Wala eh, ganito ang buhay. Pero kahit ganun, ikaw pa rin. Ikaw lang. Kaya wag mo na akong ipilit sa iba. Sabi ko sa'yo, hindi ko iniisip na kinukulong mo ako kasi ako naman ang may gusto nito. Dahil sa isang taon na gusto kita, ni isa walang pumantay sa'yo.
Pag may kailangan ka—worried ka, kinakabahan ka, at feeling mo hindi ka enough—i-message mo ako. O kahit wala kang problema, lalabanan ko ang antok ko para sa'yo. At kung sakaling kailangan mo ng yakap, kalabitin mo ako. Kaya kong magpanggap. :>
Elaine Nicole, sana pag dumating 'yung time na may dumating na para sa'yo, never doubt yourself pagdating sa pagmamahal. Wag mo sanang maramdaman na mahirap kang mahalin, kasi hindi. Hindi ka mahirap mahalin. Mali na nila 'yon kung ganun sila sa'yo, okay? Para sa akin, hindi. deserve mo lahat ng klase ng pagmamahal na nabibigay mo sa mga tao, at swerte ako kasi kahit papaano, naramdaman ko 'yon sa'yo. Kaya salamat sa pagmamahal mo, binalik ako sa Diyos. At hangga’t nandito ako, ipapaalala ko sa'yo na mahal kita.
![]() |
Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...
With notes.io;
- * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
- * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
- * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
- * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
- * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.
Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.
Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!
Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )
Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.
You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;
Email: [email protected]
Twitter: http://twitter.com/notesio
Instagram: http://instagram.com/notes.io
Facebook: http://facebook.com/notesio
Regards;
Notes.io Team