NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Kesa & Morito

Papalubog na ang araw at ako'y patuloy na lumulubog sa hukay na ako na rin mismo ang gumawa. Ang aking mga braso ay unti unti nang hinahaplos ng hamog ng gabi. Magtatapos na ang Nobyembre, ang temperatura ay pababa na nang pababa, hudyat na magpapasko na naman. Magiging masaya na naman ang mga batang reregaluhan ng kani kanilang mga ninang at ninong at ako'y mauupo lamang sa aking silid habang nagbabasa ng mga tulang ginawa ng mga tao sa 'Mga Guhit', isang grupo sa internet na ginawa ng mga taong ang hilig ay magkubli sa dilim at gumawa o bumasa ng mga tula, mga taong wala ring mga kamag-anakan na mapupuntahan sa ganitong mga okasyon. Mga taong hindi ko naman kilala, ngunit natutunan ko na ring mahalin.

Nakaraang taon, sa parehong araw at oras, ako'y nasa kwarto ko rin, nagbabasa ng isang tula na gawa ng isang kaibigang hindi ko naman kilala. Ang tula ay nagngangalang 'Bangin', at ito'y tungkol sa isang batang nagpakamatay dahil sa kanyang mga magulang. Nakalulungkot ang wakas nito at muntik nang tumulo ang aking luha. Tuwing linggo'y nagsusumite kami ng aming mga tula upang basahin ng grupo, at sa susunod na linggo'y ako na ang nakatakdang magpasa. Sa katotohanan, mayroon na akong nakahandang tula, 'Salamin' ang pamagat nito at ito'y tungkol sa lalaking umiibig nang lubusan. Ngunit hindi ako gaanong nasiyahan sa ginawa kong iyon.

Habang ako'y nagbabasa, tumunog ang aking telepono. Si Laina. Tumayo ako at sinagot ang tawag.

"Uh, hello?"

"Greg, pwede mo ba akong puntahan?" sa bawat salita niya, may hikbi.

"Sige, papunta na ako," tugon ko. Sinusubukan kong maging banayad ang aking boses ngunit ang kanyang paghikbi ay nagpakaba rin sa akin kaya ang aking boses ay tila mababasag na rin sa kahit anong oras. Binaba ko na ang telepono. Agad agad akong nagpaalam sa mga tao sa 'Mga Guhit'at sinabi ko na may bagay lamang na kailangang gawin. Pinatay ko ang aking computer at tumakbo na. Muntik pang masabit sa aking mga paa ang mga kordon, buti na lamang ay nakatalon ako.

Pinaandar ko na ang aking kotse at nagmaneho patungo sa bahay ni Laina. Mabilis ang aking pag-andar ngunit sapat lamang upang hindi habulin ng mga pulis.

Pagdating ko sa kaniyang bahay, nakaupo lamang siya sa kanyang balkonahe, nakayuko, humihikbi kada limang segundo. Nilapitan ko siya at niyakap. Di siya umimik. Niyakap ko siya nang mahigpit at siya'y napaaray. Tiningnan ko ang kanyang mga braso at ito'y puno ng mga pasa. Tumingala siya at yumakap sa akin. sa pagkakataong ito, ang iyak niya'y isang iyak na hindi kayang pigilan.

Ganito lamang ang aming pwesto sa loob ng limang minuto.

Unti-unti ring nahimasmasan si Laina. Sinabi niya kung bakit siya umiiyak: binugb
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.