NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

NSTP

"Sino ang hindi pa nakukuha ang phone number ko?!"
"Okay na ang lahat ha? Kapag may problema, text niyo lang ako. Walang magrereklamo kung wala kayong mga load dahil sinabihan ko na kayo about dito nung isang Linggo pa!"
"Pwede niyo akong tawagan kung tinatamad kayong mag-text, pero wag niyong kakalimutan na laging busy ang phone ko kasi marami rin akong nakakausap! Busy na tao rin ang Mr. Ferny niyo."

Ayan ang ilan sa mga sinabi ni Sr. Ferny sa amin bago mag hiwalay ang buong klase para sa 3rd NSTP Activity na ito. Fifteen na estudyante ang involved dito. Ginroup kami ni Sir at sa bawat grupo, may limang mga miyembro. Ang assignment namin? Linisin ang gubat at dapat mapuno namin ang isang sako ng basura.

"Sir, paano po kapag naghiwa-hiwalay kami? Malalagot po kayo nun."

"Matagal ko na pinapagawa ito sa mga past students ko, walang incidents na nangyare except sa mga sugat na nakuha nila during this activity. May tiwala naman ako sa inyo eh, lalo ka na Mine"

"Hindi niyo naman po sinagot tanong ko eh."

"Ganun talaga, Pilipino tayo mga bata."
"Since late na tayong nakarating dito, simulan na natin ito. Disperse na, layas!"

Ayun, nag hiwalay na kami. Three group of students, one group naman for Sr. Ferny with his two guides. Wow ha, kung sino pa ang sanay mag-gala gala sa gubat na ito, siya pa ang may guide.

"Alam mo ba Joel, kung mag-nanarrate ka, hindi mo pwedeng isama ang ""Wow ha,"" ang baduy kasi eh."

"Eh ayaw ko namang maging masyadong pormal, tsak, nag-nanarrate lang naman ako para ma-practice ko ang speech skills ko."

"Speech skills amputs. Bahala ka na nga jan, mag-narrate ka na lang sa isip mo, wag ka na magsalita, maingay ka eh."

"Oo brad, nawiwierdan ako sayo eh. Tama rin naman si Lot, maingay ka."

"Edi, maingay na kung maingay."

Yung dalawang gago na yan ay sina Lot at Vince, sila ang mga "coaches" ko sa darating na "Kwentuhan Mo'ko" event sa school. Ako ang napiling representative ng BSIT kasi eh. Tina-try ko namang mag-praktis ngayon habang nagpupulot ng basura para pagdating sa stage, sure ako ang magiging the best pagdating sa narration.

"Pero wag ka muna mag-praktis! Naliligo na ako sa pawis tapos ang dami pang mga lamok dito! Wag ka na munang dumagdag!"

"Sige na nga boss Lo..."

"Hala nasan nga pala ang dalawa?"

*** BIGLANG TINAKPAN NG MGA MAIITIM NA ULAP ANG KALANGITAN ***

*** MAY NATANGGAP NA TEXT SI JOEL MULA KAY SR. FERNY ***

"Kung may makikita man kayong unusual na bagay, wag niyo na lang lapitan. - Sr. F"

"Guys, wag daw natin lapitan ang mga unusual na bagay sabi ni Sir."

"Ano daw? Si Sir naman may nalalaman pang unusual, ayaw pang direts..."

"Joel, Vince, tignan niyo yun oh!!!!"

*** BINATUKAN NI JOEL SI LOT **

"Gago wag kang maingay. Magkatabi lang tayo."

"Sornah"

"Anong ginagawa ng hagdanan sa gitna ng gubat?"

"Ang magandang itanong dapat jan ay kung bakit mukhang bagong gawa ang hagdanan na yan. Parang kanina nga lang ginawa, as in."

"Joel, tawagan mo si Sir, itanong mo kung may construction na nangyayare dito ngayon."

"Ayaw ko nga, bulag ka ba?"

"Paanong bulag? Bulag ba ako sa tingin mo?"

"Edi nagbubulag-bulagan! Tignan mo naman kasi yung hagdanan. Hagdanan lang siya. Nasaan ang building mismo? Nasaan ang mga pader, bintana, at pinto?"

"Vince, yung hagdanan mukhang tapos na rin eh, as in, yung parang hindi na siya under constr..."

"Lot, 'di ako bulag, nakikita at napapansin ko yun!"

"Ito na yata ang sinasabi ni Sir na unusual na bagay."

"Speaking of unusual, ano pala Tagalog nun?"

"Lot, nakakita ka ng bagong gawa na hagdanan sa gitna ng gubat at na-cucurious ka parin kung ano Tagalog ng unusual?"

"Why not? Napaka-judgemental na tao si Joel no Vince?"

"Agree, makapag sabi ng bulag kala mo kung sino eh."

*** ANG ISA SA NAWAWALANG MIYEMBRO NG GRUPO NI JOEL AY BIGLANG LUMABAS AT LUMAPIT SA HAGDANAN ***

"Guys, si Gie oh! "

"Gago, nilalapitan niya ang hagdanan."

"Hindi ba niya natanggap ang group message ni Sir?"

"Anong group message? Eh tayo ang nang-hingi ng number ni Sir, hindi siya."

"Oo nga pala, edi paano niya nalaman ang number ko?"

*** BIGLANG LUMABAS SI LOT SA TINATAGUAN NIYA PARA I-WARN SI GIE ***

*** BAGO PA MA-WARN NI GIE SI LOT, AGAD SIYANG NAPIGIL NI VINCE ***

"Baka mamatay siya uy, bitawan mo ako!"

"Hagdanan lang yan Lot, yaan natin siyang akyatan yan. Tignan natin ang mangyayare."

"Hagdanan na nasa gitna ng gubat. Kakaiba ito 'tol!"
"Joel, tulungan mo ako dito, kailangan nating makausap si Gie."

"Tama lang si Vince, wag na muna tayo mag-bidabida."

"Maging madamot ka muna ngayon Lot, kahit ngayon lang. Nakasalalay rin yata ang buhay mo dito."

*** PUMAYAG SI LOT AT BUMALIK SIYA SA PINAGTATAGUAN NIYA ***

*** HABANG SI GIE AY NAGLALAKAD PAPUNTA SA HAGDANAN, NAPANSIN NG TATLO ANG NAPAKA BAGAL NA PAGLALAKAD NI GIE. HINDI RIN SIYA NAGPAPAKITA NG EMOSYON AT ANG KANYANG MGA MATA AY PARATING NAKATUTOK SA HAGDANAN. ***

*** MAKALIPAS NG ILANG MINUTO NG PAGLALAKAD, NAKAAPAK NA SI GIE SA UNANG STEP NG HAGDANAN. BIGLANG LUMAKAS ANG HANGIN KASO KESA SA GINAW, INIT ANG NARAMDAMAN NG TATLO ***

*** PAGKAAPAK SA HULING STEP NG HAGDANAN, ITINAAS NI GIE ANG KANYANG KANANG KAMAY SA ITAAS NA PARANG MAYROON SIYANG INAABOT. BIGLANG-BIGLA SIYANG HINIMATAY AT NAHULOG SIYA PABABA NG HAGDANAN ***

*** HINDI AGAD TINULUNGAN NG TATLO SI GIE NUNG SIYA AY BUMAGSAK ***

"Ano, tulungan na natin."

"Joel, tol, kayo nalang, natatakot na ako."

"Sumama ka na, mas magandang may kasama ka kesa ikaw ang maiwan dito sa mga damuhan. Baka mamaya may dumampot pa sa'yo."

"Ay gago oo nga no. Game na ba? "

"Wag muna, nanjan pa ang hagdanan, antay nating mawala muna yan."

*** MAHIGIT KALAHATING ORAS NA ANG LUMIPAS, HINDI PARIN NAWAWALA ANG HAGDANAN ***

*** BUMANGON NA RIN SI GIE AT BIGLA NA LAMANG SIYA'Y NAPASIGAW. DAHIL DITO, YUNG TATLO AY DUMIRETSO NA SA KANYA PARA SIYA'Y MATULUNGAN ***

"Gie, okay ka lang ba?!"

"Joel, sa tingin mo ba okay siya? Nahulog siya mula sa hagdanan!"

"Tangina naman Vince, wag ka nga muna mag-salita, ikaw ang maingay eh."

***NAUNANG TULUNGAN NI LOT SI GIE, AT LAKING GULAT NI LOT SA KANYANG NAKITA ***

"Guys, mas malala pa sa okay si Gie."

*** NAPANSIN NILANG LAHAT NA NAWALAN NA NG KANANG KAMAY SI GIE ***

"Twalya, sino ang may twalya?! Takpan natin yan, baka ma-infection oh Ewan."

"Lot, sa back pocket ko, may malinis na twalya ako."

*** KINUHA NI LOT ANG TWALYA SA BULSA NI GIE AT BINALOT NIYA ITO SA MALAKING SUGAT NA NATAMO NIYA ***

"Ang gagago niyong dalawa Joel, putol na pala ang kamay nito eh kung natulungan natin siya ng maaga, hindi na dapat siya naubusan ng maraming dugo!"

"Eh ano ba ang gusto mong gawin natin? Totoong buhay ito Lot! Ngayon lang ito nangyare sa atin. Hindi natin alam kung paano I-handle ang ganitong sitwasyon!"

*** MASUKASUKA ANG TATLO HABANG BINABALOT ANG TWALYA SA SUGAT NI GIE. SI JOEL AY HINDI MAKATINGIN NG DIRETSO ***

"Nasaan nga pala Pat, Gie? Paano kayo nag-hiwalay?"

"Nagpu... pulot... kaming basura kasama... ka.. kayo. Si Pat, umihi kaya medyo lu... mayo siya. Eh ang tagal niya... kaya hinanap ko... siya. Naligaw na ako..."

"Ay gago nalimutan ni Pat mag-tabi tabi nung umihi siya. Nagalit ang mga engkanto sa atin."

"Tol, ano ka ba, naniniwala ka parin sa mga engkanto?"
"Ewan ko sayo, mukhang malala pa ito lahat kesa sa mga engkanto. Pati bakit may alam si Sir about dito?"

"Sinabi lang naman niya na iwasan natin ang mga unusual na bagay eh."

"Yun nga ang point ko, nung tinext ako ni Sir, tsaka lumabas ang hagdanan."

"So ibig sabihin may kinalaman siya dito?"

"Tawagan niyo nga siya, sabihin niyong kailangan ni Gie ng first aid dito."

*** NILABAS NG DALAWA ANG KANILANG SELPON AT SINUBUKAN NILANG TAWAGAN ANG GURO NILA. YUN NGA LANG... ***

"Walang signal, fuck! Mayroon kang signal Vince?"

"Wala rin eh. Lot, paki-labas na muna ang phone mo."

"Sorry lobat guys."

"Yung power bank mo na lang."

"Lobat rin."

"Kinginang kaadikan mo sa Mobile Legends, pang emergency nga ang power bank eh!"

"Eh sorry naman! Sa tingin niyo ba ginusto ko ang mga nangyayari ngayon?"

*** BIGLANG HUMINGA NG MALALIM SI GIE ***

"Gie? Gie! Huy hindi na siya humihinga! "

*** MAY NATANGGAP NA TEXT SI JOEL ***

"LAYUAN NIYO NA ANG HAGDANAN!"

"Huy si Sir nag-text, alis na daw tayo dito!"

"Si Gie, hindi natin pwede siyang iwan dito! "

"Laking tao kasi ito eh, tulungan niyo akong buhatin siya!"

*** BINUHAT NILA SI GIE PERO AGAD-AGAD SILANG NAPAGOD AT HININGAL ***

"Ang bigat pucha!"

*** MAY NARINIG SILANG SIGAW NA, NANGGALING SA LANGIT ***

"MAG-SILAYAS NA KAYO!"

"Vince, yung sako! Tanggalin mo ang mga basura jan! Pasok natin si Gie sa loob at hilahin nalang natin siya. Gusto ko na umuwe!"

*** PINASOK NG TATLO ANG WALANG MALAY NA GIE SA LOOB NG SAKO AT HINILA NILA ITO PALAYO NG HAGDANAN ***

*** MAKALIPAS NG ILANG MINUTO NG PAGTATAKBO ***

"Sandali, tama na. Hinihingal na ako. Nakalayo naman tayo sa hagdanan na iyon eh."

"Check niyo si Gie kung gising na siya."

*** PAG-KASILIP NILA SA LOOB NG SAKO, NAPANSIN NILANG HINDI PA RIN HUMIHINGA SI GIE ***

"Hala, gago gago gago gago. Lagot tayo dito. Joel paano na ito?! Wala na siyang pulso!"

"Mataba lang siya, check niyo ulit! Nakatago lang ang pulso niyan! "

*** DINOBOL CHECK NG DALAWA KUNG MAY PULSO PARIN SIYA ***

"Wala talaga, Joel!"

"Ba't kayo nakatingin sa akin?!"

"Eh ideya mong lagay natin siya sa sako at hilahin natin siya eh!"

"Kesa naman sa iwan natin siya diba?!"
"Gawin natin yung ginagawa nila sa TV, yung CPR at yung mouth to mouth recitation ba yun...? Basta buhayin natin siya ulit!"

*** ISA-ISA NILANG GINAWA ITO KAY GIE KASO... ***

"Wala na talaga... "

*** IDINEKLARA NI VINCE NA PATAY NA SIYA ***

*** SI JOEL HINDI MAKA-PANIWALA ***

"Ngayon ko lang naranasan na may namatay na tao sa tabi ko."

*** SI LOT, MAIYAK-IYAK, SINIGURADUHAN NIYA KUNG PATAY NA TALAGA SIYA ***

*** KUMUHA SIYA NG GUNTING GALING SA BAG NIYA, AT GINUPITAN NIYA NG BALAT ANG "BANGKAY" ***

*** PAGKAGUPIT, WALANG NANG-YARE. SI GIE AY NAKAPIKIT, AT HINDI PARIN HUMIHINGA.***

"Tangina mo bakit mo ginawa yan!"

"Mas okay ito, kesa sa sumuko tayo sa kanya diba?"

"Patay na nga siya!"

"Na-ninigurado lang ako!"

"Oh, paano na tayo makakauwe niyan? Isasama pa ba natin si Gie?"

"Oo Vince, kailangang makita siya ng pamilya niya. Yun na lang ang magagawa natin para sa kanya."

"Tangina niyo kasing dalawa eh! Sana hindi niyo na ako pinigilan para na-warn ko agad si Gie tungkol sa mga nang-yayare!"

"Lot, tama na. Pasalamat na lang tayo na ligtas tayo..."

*** TINUTUKAN NI LOT SI JOEL NG GUNTING ***

"Lot! Tama na!"

"Kumalma ka lang Lot! Sa tingin mo ba gugustuhin ito ni Gie kapag nabubuhay pa siya?!"

*** NAPA-HINGA NG MALALIM SI LOT AT HUMINGI SIYA NA PAUMANHIN HABANG SIYA'Y MAIYAK-IYAK***

"Sorry mga tol, sana panaginip lang ito lahat."

"Naiintindihan ka namin Lot."

"Joel, wala kang signal kanina diba? Paano ka nga pala nakatanggap ng text kay Sir kanina?"

"Oo nga pala, yung text!"

*** TINIGNAN NI JOEL ANG PHONE NIYA AT MAY NATANGGAP SIYANG TEXT MULA KAY SIR ***

"Iwan niyo na ang bangkay."

*** UMINIT ANG ULO NI JOEL AT NAPASIGAW SIYA... ***

"SIR! KUNG NASAAN KA MAN LUMABAS KA NA!

"Joel! Wag kang maingay!"

"AYAW KO NANG MAKIPAG-LOKOHAN SA INYO!"
"SIR TAMA NA PO! GUSTO NA NAMIMG UMUWE!"

*** HABANG SUMISIGAW SI JOEL, SI VINCE AY NAKATANGGAP NG TEXT MULA KAY SIR ***

"Takpan mo ang mga mata ni Joel. Takpan mo na!"

*** BIGLANG TUMAKBO SI VINCE PAPUNTA KAY JOEL UPANG SUNDAN ANG NATANGGAP NIYANG TEXT ***

"Bitawan mo ako ako Vince!"

"Takpan ko daw ang mga mata mo Joel, sabi ni Sir!"

"Huwag ka nang makikinig sa kanya, siya ang may pakana ng lahat!"

*** NAUWE SA SUNTUKAN ANG DALAWA ***

"Vince, Joel, tama na! Hindi dapat tayo nag-aaway away!"

*** HABANG NAGSUSUNTUKAN ANG DALAWA, NAKAKITA SI JOEL NG ISANG TAO NA MAY MAHABANG BUHOK AT NAKA POLO SHIRT NA GREEN ***

*** ITO'Y TUMATAGO SA LIKOD NG DALAWANG MATATAAS NA PUNO ***

*** NAPA-TIGIL ANG DALAWA SA SUNTIKAN ***

"Vince, si Sir oh!"

"Saan?!"

*** TINURO NI JOEL KAY VINCE ANG TAONG NAKITA NIYA ***

"Ay oo nga!"

*** BIGLANG HINABOL NI JOEL ANG TAO NA HINIHINALA NIYANG SI SIR FERNY ***

"Joel, sandali!"

*** HINABOL NI VINCE SI JOEL UPANG SIYA'Y PIGILAN ***

*** NAPANSIN NI SIR FERNY NA PAPUNTA NA ANG DALAWA SA KANYA KAYA AGAD SIYANG... ***

"Gumapang!"

"Gumapang ang ano?!"

"Si Sir, gumapang palayo!"

"Ay shet ano na ba nangyayare sa gubat na ito. Pati ba naman si Sir naging Sadako na!"

*** HINABOL ULIT NI JOEL SI SIR***

"Joel! Sabi ko iwan mo na siya!"

*** HINABOL NI VINCE SI JOEL ***

"Hoy! Wag niyo akong iwan!"
"Sandali lang Gie ha?"

*** HINABOL NI LOT ANG DALAWA ***
*** ILANG MINUTO NA ANG NAKALIPAS, ANG TATLO AY NAPAD PAD NANAMAN SA ISANG HAGDANAN. SA ITONG PAGKAKATAON, ANG HAGDANAN AY NASA GITNA NG LAWA***

"May panibago nanaman!"

"Si Sir, nakita niyo ba?"

"Si Sir ba talaga yun? Eh bakit gumagapang yun?"

"Oo si Sir yun, mahaba ang buhok, naka polo shirt na green!"

"Naka-pants ba siya?"

"Hindi ko napansin..."

"Pero bakit siya'y gumapang?"

"Feeling ko may kinalaman nanaman ang hagdanan about dito."

*** MAY NAKITANG LUMULUTANG NA KATAWAN SI LOT SA TABI NG HAGDANAN ***

"Hala mukhang may patay na tao nanaman! Vince, bangkay ba yun sa tabi ng hagdanan?"

"Kung lumulutang yun, baka bangkay nga!"

"Halika, kunin natin!"

"Ayaw ko nga! Baka tayo'y malunod naman jan!"

"Vince, yung lumulutang na iyon ay naka NSTP uniform! Baka kilala natin yun! Baka si Pat na yun!"

"Hays, sige sige, ano ba dapat ang gawin natin?"

"Mukhang hindi naman malalim ang lawa eh."

"Kung hindi yan malalim, edi sana hindi nalunod ang tao na yan!"

"Alam ba nating nalunod siya?"

"Okay, sige, halika na."

*** NAG HUBAD ANG TATLO AT SABAY SABAY NILANG NILAPITAN ANG BANGKAY ***

*** LAKING GULAT NILA NANG MAPANSIN NILANG NAWAWALAN NG ULO ANG BANGKAY ***

"PUTANGINA!"

*** BIGLANG TUMAAS ANG TUBIG SA LAWA ***

"Hala, tumataas ang tubig!"

"Pucha, sana swimming na lang yung PE 1 natin, hindi puro sayawan!"

*** HABANG DALA DALA ANG BANGKAY, WALA SILANG IBANG DESISYON KUNDI AKYATIN ANG HAGDANAN SA TABI NILA UPANG DI SILA MALUNOD ***

*** PAG-KA APAK SA FIRST STEP, BIGLANG LUMAKAS ANG HANGIN AT KASAMA NITO ANG INIT ***

"Mali ito, maling mali ito! Dapat hindi tayo naka-apak dito!"

*** SA SOBRANG TAKOT NI VINCE, NAG-DECIDE SIYANG IWAN ANG DALAWA AT LUMANGOY NA LANG PAPUNTANG BAYBAYIN ***

"Vince! Bumalik ka dito!

*** NAPANSIN NG DALAWA NA HINDI LUMALAYO SI VINCE SA KANILA ***

*** KAHIT ANONG LANGOY ANG GAWIN NIYA, LALONG NAWAWALAN SIYA NG PAG-ASA NA MAKAKARATING PA SIYA SA BAYBAYIN ***

*** BIGLA NA LANG NALUNOD SI VINCE AS IF NA MAY HUMILA SA KANYA PABABA ***

*** PATULOY PARING TUMATAAS ANG TUBIG HANGGANG SA MAPUNTA NA ANG DALAWA SA HULING STEP NG HAGDANAN ***

"Tangina Lot, tayong dalawa na lang ang nandito!"

"Joel, si Sir. Nanduon sa baybayin, dala-dala si Vince."

"Talaga?! Malabo na ang mga mata ko, Lot, tinulungan ni Sir si Vince?"

*** NAPANSIN NI LOT NA SI VINCE AY HUMIHINGA PA PERO... *

"Joel, si Sir, wala siyang paa."

"Paanong walang paa?"

"Gumagapang parin siya, habang dala dala si Vince."

"Diretsuhin mo na ako Lot!"

"Para siyang manananggal..."

*** HINILA NI SIR ANG KATAWAN NI VINCE HANGGANG MAHATI ITO SA DALAWA. ANG TOP BODY AT ANG LOWER BODY. ***

"Vinccceeeeee!"

*** KINABIT NI SIR ANG LOWER BODY NI VINCE SA KATAWAN NIYA ***

"Nakakalakad na siya. Nakakalakad na si Sir..."

*** SI JOEL AY HINDI PA RIN MAKAPANIWALA SA KANYANG NARIRINIG. HINDI PA RIN SIYA MAKAPAG-SALITA. ***

*** SI SIR NA NAKAKAPAGLAKAD NA, INIWAN ANG NATITIRANG KATAWAN NI VINCE SA TABI NG ISANG PUNO ***

*** BIGLANG BUMABA NA RIN ANG TUBIG SA LAWA ***

"Halika na Joel! Habulin na natin si Sir!"

*** ANG DALAWA AY BUMABA NG HAGDANAN AT SILA'Y TUMUNGO SA BAYBAYIN ***
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.