NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

KALAYAAN
-Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa’t tao, kung mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Malaya kang lumikha, humimok, magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan. Wala kang magiging anuman na agam-agam o inaala-ala, maging maliit o malaki man, sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan.
-Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang "katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito" Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.
-Ang Kalayaan ng tao ay nagtatapos sa pagsisimula ng Kalayaan ng iba.

URI NG KALAYAAN
1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:
kalayaang gumusto (freedom of exercise) - ito ang kalayaang magnais o hindi magnais
kalayaang tumukoy (freedom of specification) - ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan.

Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.
Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan?
› Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang kalayaan upang malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng ating pagkatao. Ang maging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga din ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.
-Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan ng pasya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali.
-Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya'y likhain. Nakasaad sa mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
MGA URI NG KALAYAAN:
1. Kalayaang Pansarili (Fundamental Freedom)-sakop nito ang buong pagkatao, may kinalaman sa pagyakap sa kaniyang paniniwala, hilig at pagmamahal.
2. Kalayaang Pangkaisipan (Psychological Freedom)-kakayahang magpasya ng tao na gawin o hindi gawin ang isang bagay.
3. Kalayaang Moral ( Moral Freedom)-kalayaang magpasyang tao ayon sa mga isyung moral sa kanyang buhay.
4. Kalayaang Pampulitikal (Political Freedom)-ang gampanin ng lipunan upang magbigay ng pagkakataon sa tao upang siya ay umunlad at maging produktibo.

ASPEKTO NG KALAYAAN:
1. Kalayaan mula sa (Freedom from)- Karaniwang binibigyang katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kanyang ninanais.
2. Kalayaan para sa (Freedom for)- Ang tunay na kalayaan ayon kay Robert Johann ay ang makita ang kapuwa at malagay siyang una bago ang sarili.

DALAWANG URI NG KALAYAAN:
1. Malayang Pagpili (Free Choice o Horizontal Freedom)-tumutukoy sa pagpili sa kung ano sa tingin ng tao ang makabubuti sa kanya.
2. Vertical freedom o fundamental Option-ito ay nakasalalay sa kasalukuyang istilo ng pamumuhay.

TANDAAN NATIN:
"...MAAARING MAKUHA ANG LAHAT SA TAO MALIBAN SA ISA...ANG KANIYANG KALAYAAN ANG PILIIN ANG MAGIGING KILOS O UGALI SA ANUMANG URI NG KALAGAYAN O SITWASYON NG BUHAY."
-VIKTOR FRANKL
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.