Notes![what is notes.io? What is notes.io?](/theme/images/whatisnotesio.png)
![]() ![]() Notes - notes.io |
Dokumentasyon ng mga Wika at Kultura
Ang Dokumentasyon ng mga Wika at Kultura ay isang saliksik na gumagamit ng etnograpiko, historiko, at lingguwistikong dulog. Pangunahing sinasaliksik ang sitwasyong pangwika, estado ng panganganib o sigla ng wika, at pagtanaw ng pamayanan sa kalagayan ng wika. Sinisikap ding masinop ang mga karunungan hinggil sa siklo ng búhay, estruktura ng komunidad, sistema ng pamamahala, materyal at di-materyal na kultura, sistemang pangkabuhayan, at iba pang dominyo na pahihintulutan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng interbiyu, focus group discussion, pagmamasid, at/o pakikilahok sa gawain ay kinakalap ang mga datos/korpus at inirerekord sa anyo ng audio/video recording at pagkuha ng larawan. Ginagamit ito sa pagbuo ng dalawang awtput ng proyekto—ang metadata ng wika at manuskrito.
Ang manuskrito ay dumaraan sa proseso ng rebisyon at balidasyon sa komunidad. Pagkatapos ng dokumentasyon, pinagkakalooban ang komunidad, NCIP, at mga kasangkot ng kopya ng saliksik.
Halaga
o Maidodokumento ang wika at kultura ng mga katutubong pamayanang kultural, lalo na ang mga nanganganib nang maglaho
o Mababalida at matutukoy ang sitwasyong pangwika at pangkultura ng mga etnolingguwistikong pangkat sa buong bansa.
o Matutugunan ang kakulangan ng mga babasahín hinggil sa mga etnolingguwistikong pangkat.
Magkakaroon ng korpus ang mga wika na magiging batayan ng mga saliksik.
Programa sa Pagpapasigla ng Wika: Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP)
Imersiyon ng mga batà na 1–4 taóng gulang sa wika sa pamamagitan ng inter-aksiyon ng mga batà sa mga tagapagsalita ng katutubong wika, kadalasan ay mga elder.
Adapsiyon ito ng language nest program na may konsepto ng imersiyon sa wika at sa isang kapaligiran na kasáma ang pamilya at natural o likás na natutuhan ng isang batà ang wika. Kayâ pinangalanan itong Bahay-Wika sa Filipino (sa Magbukun ay tinatawag nila itong Amak-Uhap).
Ang diwa ng programang ito ay ang mabigyan ng intensive exposure sa iisang wika lámang ang kabataan na hindi lámang sa pamamagitan ng pagtuturò ng wika, kundi sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kapaligiran na likás na matutuhan (acquisition) ng batà ang wika. Itinuturing itong isa sa pinakamabisang modelo at paraan sa pagbuhay at pagpapalakas ng wika (Kirkness, 1998; McClutchie Mita 2007; FPCC 2014, p.7).
Ang MALLP ay isang programang pangwika na nakatuon sa isáhang pagtuturò ng wika (one-on-one) ng isang mahusay na tagapagsalita ng wika (master) sa isang mag-aaral ng wika na nása hustong gulang na (adult apprentice). Aplikable ang programang ito sa mga komunidad na may kakaunting tagapagsalita na lámang.
Hindi ito nangangailangan ng isang pormal na materyales pedagohiko upang maisagawa ang pagtuturò bagkus isang ganap na imersiyon din sa iisang wika lámang ang isinasagawa dito. Inaasahan na magbubunga ang MALLP ng mga bagong tagapagsalita ng wika na siyá ring magiging bagong tagapagturo ng wika, maaaring sa Bahay-Wika o sa MALLP.
Pasiglahing muli ang mga wikang nása kalagayang nanganganib nang mawala sa pamamagitan ng paglulunsad ng programang pangwika na tutulong upang maituro at maipása ang katutubong wika sa bagong henerasyon at sa susunod pa, upang mapanatili pa ang pag-iral nitó.
Repositoryo ng Wika at Kultura
Ang Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay online na imbákan ng mga impormasyon, saliksik, dokumentasyon, at iba pang mga kaugnay na pag-aaral sa wika at kultura ng mga pangkating etniko sa bansa. Ang mga impormasyong matatagpuan dito ay búnga ng mga saliksik ng KWF sa pakikipagtulungan sa mga iskolar ng wika, akademiko, institusyon, ahensiya ng pámahalaán, at mga pinunò at kasapì ng mga katutubong pamayanang kultural. Layunin nitóng madaling maipaabot sa publiko ang mga datos at pag-aaral hinggil sa mga katutubong wika ng bansa.
Isa sa mga tampok na impormasyon na makikíta sa repositoryo ay ang online na bersiyon ng Atlas ng mga Wika ng Filipinas na inilimbag ng KWF noong 2016. Naglalaman ito ng mga datos tungkol sa tinatáyang 130 wika ng bansa at mapa ng mga wika. Makikíta rin dito ang mga awtput ng dokumentasyon sa wika at kultura ng ilang pangkating etniko sa bansa na sinimulan ng KWF noong 2015 at ipinagpatúloy noong 2018 sa pamamagitan ng Lingguwistikong Etnograpiya ng Pilipinas. Mababása rito ang mga manuskrito na naglalaman ng mga komprehensibong impormasyon tungkol sa wikang sinaliksik, mga video at audio ng panayam, at mga larawan. Ang ibang datos ay may restriksiyon at hindi maaaring maakses online bílang proteksiyon sa mga informant at komunidad. Maaari lámang itong maakses sa tanggapan ng KWF. Makikíta rin dito ang sipì ng mga nabuong ortograpiya ng KWF, katuwang ang komunidad at iba pang institusyon.
Isa itong patuluyang proyekto ng KWF kayâ ang ilang mga wika ay hindi pa naidodokumento, may mga impormasyong maaaring magkaroon ng rebisyon, at patuloy pa itong idedevelop.
Sa kabuoan, ang tema ng Buwan ng Wika ay pagsasadambana sa dignidad ng mga katutubong wika at sa kultura ng mga komunidad na nagmamay-ari nitó. Ito ang dahilan kung nása pantay na estado ang mga wika sa bansa sa dihital na poster ng Buwan ng Wika kasáma ang Filipino Sign Language (FSL). Naniniwala ang KWF na mabisang paraan ito sa pagbibigay ng katuparan sa bisyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) 2017—2022 na Isang matatag, maginhawa, at panatag na búhay para sa lahat.
![]() |
Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...
With notes.io;
- * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
- * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
- * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
- * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
- * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.
Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.
Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!
Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )
Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.
You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;
Email: [email protected]
Twitter: http://twitter.com/notesio
Instagram: http://instagram.com/notes.io
Facebook: http://facebook.com/notesio
Regards;
Notes.io Team