NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Ang Hirap ng Pagiging Babae

Kababaihan mahinhin, may angkin na kagandahan,
Ngunit sa paningin ng iba sila ay mahihina lamang.
Ginawang manika, tinuring na laruan kung saan konrtolado ang kanilang katauhan.

Tila isang isyu na ang pagiging babae,
Sa kanilang bawat paghakbang animo’y isa silang kakaibang imahe.
Tila nag-iisang hayop sa kuwarto na maraming halaman,
Na sa kanila ay ipinagkakait ang mga kaalaman.

Sa kanilang paglingon sa paligid,
Marahil ay puro lalaki nga ang kanilang namamasid.
Kababaiha’y nalito, nagtaka, at nanaghoy,
Ang dami pa nilang nais ilangoy.

Gusto rin nilang sumisid sa mga bagong gawain,
Na hindi lang lalaki ang may kakayahang maghain.
Ano nga ba ang depinisyon ng karapatan?
Kung sa kanila ay tila ‘di nabibigyang-daan?

“Babae ka?” Isang natatawang tono ang madalas nilang marinig,
Na tila nagpatikom nalang sa kanilang bibig.
Sakit sa loob ay kanilang binalewala,
Dahil tinig nila’y wala ring napapala.

Hindi rin sila laruan para kontrolin ang kanilang pagkatao,
Hindi sila laruan para paglaruan at pagpyestahan.

Bakit hanggang ngayon ay ‘di pa rin magawang makamit,
Ang patas na pagtingin na animo’y sa inyo ay isang yagit?

“Pagbabago!” Sigaw ng mga tao,
At hinagis sa hangin ang kanilang mga kamao.
Ngunit ang sigaw ay tila kinakain,
At ang kamao’y hindi naging isang adhikain.

Sumigaw ang mga kababaihan ukol sa pantay-pantay na pagtingin,
Na sainyo nama’y isang mahinang bulong lang sa hangin.

Paano maririnig ang kanilang mga tinig?
Kung kayo’y nakapokus lamang sainyong sariling ibig?

Wala na tayo sa panahon ng kamusmusan ng Pilipinas,
Kung saan lalaki lamang ang ipinamamalas.
Tugon ninyo sa kanila ay hindi nila ninanais,
Dahil hindi rin naman nakakatulong sa kanilang paghihinagpis.

Ngunit ang mga babae ay hindi nagpapatinag,
Dahil sarili nilang barko ay kaya rin nilang ilayag.
Mababa man sa tingin ng iba,
Pero kakayahan nila ay kakaiba.

Sa ngayon mananatili silang maghihintay,
Sa inyong pagtingin na totoong pantay.
Tuluyan na nilang tatanggalin ang kandado,
At aalis na ang ulo ay naka-elebado.

Bago ako magtapos sa tula kong ito
at umalis sa puwestong kinatatayuan ko,
may isa lamang akong paalala,para sa mga nakikinig ngayon,
Tandaan ninyo, hindi lang ang mga kalalakihan, pati rin ang buong kabataan na tayo ay magkaiba lang ng kasarian pero pare-pareho tayo ng mga kakayahan.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.