NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

IBONG ADARNA
Si Haring Fernando ng Kahariang Berbanya ay napamahal sa kaniyang nasasakupan dahil sa kanyang matalino at mahusay na pamamahala. Siya ay may tatlong magigiting na anak. Si Don Pedro ang pinakamatanda sa lahat, si Don Diego ang pangalawa at ang bunso ay si Don Juan. Mahal na mahal ng hari ang bunso niyang anak.

Nagkasakit ang hari dahil sa masama niyang panaginip. Isang manggagamot ang nagsabi na ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor.

Inutusan ng hari si Don Pedro na hanapin ang ibong Adarna. Nang hindi nakabalik si Don Pedro, sumunod si Don Diego sa kanya. Nang hindi nakabalik ang dalawang nakatatandang kapatid ay humingi naman ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya na ang hahanap sa Ibong Adarna at sa kanyang dalawang kapatid. Bagama't labag sa kalooban, pinayagan ng hari si Don Juan.

Dahil sa matapat at malinis na kalooban ni Don Juan, nahuli niya ang Ibong Adarna. Ang dalawa niyang kapatid ay natuklasan niyang naging bato dahil naiputan ng Ibong Adarna. Parehong nakatulog sa ilalim ng puno ang magkapatid dahil sa nakakaantok na tinig ng Ibong Adarna. Subalit nabuhay ni Don Juan ang dalawang kapatid nang buhusan niya ng mahiwagang tubig na ipinakuha ng ermitanyo. Habang naglalakbay ang tatlo pabalik sa kanilang kaharian, nakaisip ng kataksilan si Don Pedro. Naisip niyang kahiya-hiya siya sa amang hari kung hindi siya ang makapag-uuwi ng Ibong Adarna kaya hinikayat si Don Diego na patayin ang kanilang kapatid. Sa pakiusap ni Don Diego na huwag patayin ang kapatid ay binugbog na lamang nila si Don Juan at iniwan sa kaparangan, Umuwi ang dalawang nakatatandang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego na dala ang Ibong Adarna ngunit matamlay ang ibon at ayaw umawit nang dumating ito sa palasyo. Sa tulong ng matandang ermitanyo ay gumaling si Don Juan hanggang sa siya ay makauwi sa kanilang kaharian. Pinatawad ng hari sina Don Pedro at Don Diego dahil na rin sa kahilingan ni Don Juan.

Mahigpit na pinabantayan ng hari ang Ibong Adarna sa kaniyang tatlong anak. Sa pagkakataong ito ay nakaisip na naman ng kabuktutan si Don Pedro. Binalak ni Don Pedro na pakawalan ang Ibong Adarna sa oras ng pagbabantay ni Don Juan. Nakatulog si Don Juan kaya't napakawalan ang Ibong Adarna. Sa takot ni Don Juan na mapagalitan ng hari umalis siya ng palasyo upang hanaping muli ang Ibong Adarna. Sa utos ng hari ay hinanap nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan, Nang magkita-kita ang magkakapatid, natagpuan nila ang isang balong malalim. Sa loob nito ay may kaharian. Nailigtas ni Don Juan ang magkapatid na sina Donya Leonora at Donya Juana sa kamay ng higante at ahas na may pitong ulo. Humanga ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa kagandahan ng dalawang prinsesa. Nang balikan ni Don Juan ang singsing na naiwan ni Leonora sa ilalim ng balon, may pumutol sa lubid na gamit ni Don Juan sa paglusong sa balon. Pinakawalan ni Leonora ang kanyang lobo na siyang gumamot at nag-ahon kay Don Juan.

Hindi malaman ni Don Juan kung siya ay uuwi o hahanap ng bagong kapalaran. Sa kaniyang pagod at hirap ay nakatulog siya sa ilalim ng isang punongkahoy. Nagising si Don Juan sa awit ng Ibong Adarna. Sinabi ng ibon na may magandang kapalarang naghihintay sa kanya sa Reyno ng de los Cristales. Doon daw niya makikita si Donya Maria, isa sa tatlong anak ni Haring Salermo.

Nilakbay niya ang malayong lugar na patungo sa Cristales sa tulong ng mga ermitanyo Sa tulong ng isang malaking agila ay nakarating siya sa hardin nina Donya Maria, Naliligo noon ang tatlong prinsesa. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Donya Maria. Nauwi ito sa pagmamahalan nina Don Juan at Donya Maria.

Pinagbilinan ni Donya Maria si Don Juan na huwag haharap sa kanyang amang hari sakaling siya ay ipatawag sa palasyo. Ginagawang bato ng hari ang sinumang pangahas na pumasok sa kanilang kaharian. Sinunod ni Don Juan ang bilin ni Donya Maria. Sinabi ni Don Juan sa sugo na hindi siya makahaharap sa hari subalit handa siyang gumalang at sumunod sa ipag-uutos nito. Humanga ang hari kaya binigyan siya ng maraming pagsubok Si Donya Maria ang gumagawa sa lahat ng ipag-utos ng hari kay Don Juan. Mas malakas ang agimat o karunungan (mahika blanka) kaysa mahika negra ng hari. Nang hindi matalo ng hari si Don Juan, naisip ng hari na ipatapon o ipapatay siya. Subalit tumakas sina Donya Maria at Don Juan nang malaman nila ang balak ng hari.

Iniwan ni Don Juan si Donya Maria sa isang kubo na malayo-layo sa kanilang kaharian. Nalimutan ni Don Juan si Donya Maria nang dumating siya sa palasyo. Hindi kasi niya sinunod ang bilin ni Donya Maria. Nagalit si Donya Maria nang mabalitaang ikakasal sa Don Juan kay Donya Leonora. Dali-dali siyang nagpunta sa palasyo sakay ng isang magarang karwahe. Nakabihis si Donya Maria ng magarang damit na tulad ng isang emperatris.

Nagkaroon ng palabas si Donya Maria sa pamamagitan ng Negrita at Negrito sa loob ng isang parasko. Pagkatapos ng tugtog ng musiko ay magsasalita ang Negrita. Pinaalalahanan ng Negrita ang Negrito tungkol sa nakaraang buhay ni Don Juan kay Donya Maria. Papaluin ng Negrita ang Negrito kapag hindi naalala ng Negrito ang Negrita. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Sa galit ni Donya Maria ay babasagin na ang parasko ng tubig upang pabahain at palalimin ang tubig sa palasyo subalit pinigilan siya ni Don Juan at humingi ng tawad kay Donya Maria.

Ikinasal sina Donya Maria at Don Juan. Umuwi sila sa kaharian nina Donya Maria. Silang mag-asawa ang namahala sa kaharian nang malaman nilang patay na ang amang hari ni Donya Maria. Ikinasal si Don Pedro kay Donya Leonora. Ang mag-asawang Don Diego at Donya Juana ay naging maligaya rin sa kaharian.


BUOD:
Noong unang panahon sa kaharian ng Berbanya, may haring ngalan ay Fernando at kabiyak nitong Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak na prinsipe sina Don Pedro, Don Diego, Don Juan na pawang mga nakalinya na susunod na maging hari ng Berbanya.

Sa di malamang kadahilanan, nagkaroon ng malubhang karamdaman ang hari at napag-alaman na ang tanging lunas lamang ay ang awit ng mahiwagang ibong Adarna.

Hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna at narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato.

Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato.

Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog.

Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha at hinuli ang ibong Adarna. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Upang masolo ang kaharian, pinagtulungan ng dalawa si Don Juan.

Ang adarna ay malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si haring Fernando.

Iminungkahi ng adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil. Pinabantay ng hari ang adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna.

Pinahanap ng hari ang maysala. Doon sa Armenya, ang magkakapatid ay nagkita-kita. Hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang ipot sa balon at tinangka nilang marating ang ilalim ngunit tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay.

Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at doon ay nasilayan niya ang kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Leonora.

Sa tulong ni Leonora ay natalo ni Don Juan ang ahas gamit ang balsamo. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang kanyang singsing kaya nakiusap sya kay Don Juan na balikan ito ngunit nang babalikan na ito ay pinatid nang kayang dalawang kapatid ang tali.

Inaya ng dalawang magkapatid si Juana at Leonora na sumama na sila sa kaharian ng Berbanya. Nag alala si Leonora kay Don Juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang kaibigang lobo.

Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora. Sinabi nitong siya ay may panata na hindi muna magpapakasal sa loob ng 7 taon.

Sa halip ay sina Don Diego at Juana ang ipinakasal. Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-Hordan sa tulong ng lobo. Hinanap ni Don Juan ang ibong Adarna at natagpuan nya ito at sinabi sa kanyang kalimutan na si Leonora. At sa halip siya’y maglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Maria Blanka.

Hinintay naman ni Don Pedro si Leonora subalit si Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong De los Cristal.

Nahirapan si Don Juan bago marating ang kaharian ng De los Cristal. Doon ay nakilala at umibig sya kay prinsesa Maria. Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan. Sa kagustuhan ni Don Juan na pakasalan si Maria, si haring Salermo ay nagbigay ng mga pagsubok.

Napagtagumpayan ni Don Juan ang anim na pagubok subalit hindi pa rin pumayag ang hari na sila ay magpakasal. Kaya ang dalawa ay nagpasya na magtanan na lamang. Ito ay lubos na ikinalingkot ng hari at ito ay namatay.

Mag-isang bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian. Hiniling niya sa hari na magpaksal sila ni Leonora. Doon ay sinundan siya ni Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan,at naalala na niya na ang mahal niya ay si Maria. Nagpakasal sina Maria at Don Juan, at bumalik sila sa Reyno de los Cristal. Doon sila ay namuno at namuhay. Si Leonora naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan.



MGA TAUHAN DITO:
Don Juan – ang bunso at determinadong anak.
Don Pedro – ang panganay. May pag-inggit kay Don Juan
Don Diego – ang pangalawa
Haring Fernando – magiting na hari ng Berbanya
Donya Valeriana- Kabiyak ng Hari
Ermitanyo- Malaking nagging tulong kay Don Juan
Donya Leonora- nagging asawa ni Don Pedro
Donya Juana- naipakasal kay Don Diego
Maria Blanka- nangako na papakasalan ni Don Juan
Haring Salermo- Ama ni Maria Blanka







Don Fernando Si Don Fernando ang ama ni Don Juan , Don Pedro at DonDiego.Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay nagkasakit sa simla nang storya dahil napanaghinipan niya na pinatay ang kanyang bunso na si Don Juan. Ang magpapagaling lang sakanya ay ang Ibong Adarna na hahanapin nang tatlong magkakapatid.

Don Pedro Si Don Pedro ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Siya din ang pinakaunang naghanap sa Ibong Adarna ngunit hindi nagtagumpay. Si Don Pedro ay isang masamang kapatid. Noong iniligtas siya ni Don Juan , pinagtaksilan nila nito ni Don Diego. Binugbog nila at iniwan si Don Juan upang ipalabas sa hari na sila ang nakakuha nang Ibong Adarna. Si Don Pedro din ang nagplanong pakawalan ang Ibong Adarna habang si Don Juan ang nagbabantay. Siya din ang pumutol sa lubid ni Don Juan noong paakyat siya nang balon. Inagawa din niya ang babaing iniibig ni Don Juan na si Donya Leonora , ngunit siya ay tinangihan dahil si Don Juan ang tunay niyang mahal.

Donya Leonora Si Donya Leonora ang isa sa mga iniibig ni Don Juan. Siya ay iniligtas ni Don Juan sa kanilang palasyo pagkatapos niya sagipin ang kapatid ni Donya Leonara na sa si Donya Juana. Si Don Pedro din ay may gusto kay Donya Leonora , ngunit ang tunay niyang mahal ay si Don Juan kaya kahit anong pilit ni Don Pedro , hindi ito gumagana. Si Donya Leonara din ang ipinakasalan ni Don Juan noong nakalimutan niya si Donya Maria.

Arsobispo Siya ang nagkasal kay Don Juan at Donya Leonora. Tauhan: Don Juan

Don Juan Si Don Juan ang Pangunahing Tauhan sa Ibong Adarna, siya ay nakipagsama sa tatlong iba’t-ibang babae. Isang Prinsipe ng Berbanya at anak ni Don Fernando at Donya Valeriana, kapatid ni Don Diego at Pedro(Bunso).

Don Diego Si Don Diego ang ikalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Asawa ni Donya Juana, pinakatahimik sa magkakapatid.

Donya Maria Si Maria ang anak ni Salermo at nakatira sa de losCristales.Asawa ni Don Juan. Marunong gumamit ng Mahika

Ibong Adarna Isang Ibon na may mahika na makakapaggaling ng mga tao pero ang dumi nito ay ginagawang bato ang mga tao

Donya Juana Si Donya Juana ang kapatid ni Donya Leonora, unang iniligtas ni Don Juan sa balon pero naging asawa ni Don Pedro.

Donya Valeriana Si Donya Valeriana ang asawa ni Don Fernando at ina nina Pedro, Diego at Juan.

Haring Salermo Siya naman ang hari ng Reyno de los Cristales. Ayaw niya ibigay ang anak niya, si Donya Maria sa mga lalaki. Nakakapaggamit din ng mahika

Ermitanyo sa Bundok Tabor Ermitanyo na nagtulong kay Don Juan hulihin ang Ibong Adarna at gawin normal ang kanyang mga kapatid

Ermitanyo 2 Nagtulong kay Don Juan para makausap ang pangatlong Ermitanyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng baro ni Jesus

Ermitanyo 3 Pangatlong Ermitanyo na marunong magkausap ng mga hayop sa dugat. Nagtulong kay Don Juan hanapin ang agila na alam kung saan ang Reyno De los Cristales

Leproso sa Bundok Tabor Leproso na tinulungan ni Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay ng tinapay. Tinulungan din niya si Don Juan sa pamamagitan ng pagsabi kung saan ang Ermitanyo ng Bundok Tabor. Pareho silang tao ng Ermitanyo ng Bundok Tabor.

Matanda 1 Matanda na nagsabi kung ano ang lunas sa sakit ni Haring Fernando(Ibong Adarna)

Higante Ang higante ay ang nagbantay kay Donya Juana sa ilalim ng balon.

Serpyente Ang Serpyente ay ang isa sa dalawang taga-bantay ni Donya Leonora sa palasyong nakatago sa ilalim ng balon.

Matanda 2 Itong matanda ang tumulong kay Don Juan noong siya ay pinagtaksilan ng mga kapatid at iniwan lamang nang bugbog at walang makain. Mahalaga itong matandang ito dahilkung hindi dahil sa kanya ay namatay na kaagad si Juan.

Mediko Mediko ng Berbanya na hindi alam kung ano ang sakit ni Haring Fernando

Juana Siya ang isang kapatid ni Donya Maria at ang isa pang anak ni Haring Salermo na naninirahan din sa Renyo de los Cristales.

Isabella Siya ang isa sa mga kapatid ni Donya Maria.

Mga Tao sa Berbanya Ang mga tao sa Berbanya ay napakamasunurin. Tahimik ang kaharian ng Berbanya dahil lahat ng utos ng hari ay sinusunod nila. Kapag masaya ang hari, masaya rin sila katulad noong kasal ni Diego at kapag malungkot ang hari, malungkot na rin sila katulad noong umalis si Juan sa Berbanya upang hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.

Mga Tao sa de los Cristales Ang mga tao sa de los Cristales ay naging masaya noong bumalik na ang prinsesang si Maria at naging reyna na ng kaharian na iyon habang si Juan naman ang hari ng kaharian.

Lobo Ito ang kasama ni Doya Leonora sa ilalim ng balon at ito rina ang tumulong kay Don Juan nang nahulog siya sa balon.

Agila Ang Agila ang nag-dala kay Don Juan papuntang Renyo de los Cristales. Ito ay nag-pangako na dadalin niya si Don Juan sa Renyo de los Cristales nang hindi nasasaktan.

Olikornyo Ito ang nagdala kay Juan sa pangatlong ermitanyo sa kanyang paghahanap sa de los Cristales.

Negrito Ito ay ang nagkaroon ng palabas noong kasal at kapag pinapalo siya, si Juan ang nasasaktan.

Negrita Ang negrita ay kasama ng negrito sa laro ibinigay ni Maria Blanca sa kasalan ni Juan at Leonara. Nag-uulat ang negrita ng mga pinaghirapan ni Juan kasama ni Maria Blanca.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.