NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

ANG KAMALAYANG PAMBANSA AT NASYONALISMO
Sa kalagitnaan ng pananakop ng kolonyal na pamahalaan,
unti-unting nabuo ang isang kamalayang pambansa o nasyonalismo.
Ang nasyonalismo ay ang pananaw na bahagi ka, hindi lamang ng isang
mallit na pamayanan, kundi ng isang mas malaking komunidad-ang bansa.

MGA PANGYAYARING NAGBUNSOD SA NASYONALISMO

Ang Monopolyo ng Tabako

Noong 1780, sa mungkahi ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas,
isang kautusan mula kay Haring Carlos III ng Espanya ang nagtalaga
sa monopolyo ng tabako sa Pilipinas. Ginawa ito upang mapalaki ang kita ng pamahalaan.
Sinimulan itong ipatupad noong 1782.
Sa bisa ng kautusan, pinili ang ilang probinsiya upang gawing taniman lamang ng tabako
at wala nang iba pang produkto. Una ay ang Gapan sa Nueva Ecija.
Sumunod ang Bulacan at ang Lambak ng Cagayan.
Nang tumagal. lumawak pa ito sa ibang bahagi ng Luzon.

Hinawakan ng pamahalaan ang buong proseso mula sa pagtatanim ng mga buto
hanggang sa ito ay makarating sa pamilihan at gawing sigarilyo at abano o tabako sa mga pagawaan sa Maynila.
Binantayan ang bawat hakbang. Hindi pinayagan ang mga magsasaka na magtago
ng kahit isang dahon para sa sarili at lahat ng ani ay kailangang ibenta sa pamahalaan sa
presyong itinakda nito. Ang mahuling magtago ng produkto o magtinda nito
sa ibang tao ay pinarurusahan.
Tumagal ang monopolyo ng tabako nang mahigit sa isandaang taon at nagtapos noong 1882.


Mga Pag-Aalsa sa Kolonya

Sa buong panahon ng pamamahalang Espanyol,
sumiklab ang pag-aalsa sa iba't ibang sinakop na lugar.
Lumaban ang mga tao dahil sa mga kahirapang dulot ng mga patakaran ng pamahalaan.
Ang pangongolekta ng tributo, ang polo y servicios, bandala, at
ang mga di makatarungang gawain ng mga prayle at alcalde mayor ay
lubhang nagpahirap sa mga katutubong mamamayan


Ang Kilusang Agraryo ng 1745

Ang pag-aalsa ng mga magsasaka noong 1745 ay nakatawag din ng pansin ng karamihan. Nagsimula ang kilusang agraryo sa Batangas, Laguna, at Cavite at lumaganap sa Morong (Rizal), Maynila, at Bulacan. Sa mga lugar na ito, malaki ang lupain ng mga prayle. Ayon sa pananaliksik ng isang manunulat ng kasaysayan na si Dennis M. Roth,

"pag-aari ng mga prayle ang halos 40% ng mga lalawigan sa Katagalugan (Bulacan, Maynila, Laguna, at Cavite). Noong 1898, pag-aari nila ang dalawampu't isang asyenda sa mga lugar na ito."

Ang mga lupaing ito ay ipinaupa sa mga magsasaka upang sila ang magtanim ng palay at iba pang produkto. Noong 1745 hanggang 1746. nag- alsa ang mga magsasaka dahil tinaasan ng mga prayle ang upa sa lupa. Ayon sa kanila, pinalawak din ng mga prayle ang lupa nila sa pamamagitan ng pagkamkam sa mga karatig na lupain na pag-aari ng mga magsasaka mula pa noong unang panahon. Ang mga nag-alsa ay pinaalis at sinira ang kanilang mga bahay na nakatirik sa lupain. Nagalit ang mga magsasaka. Nagsimula ang pag-aalsa sa bayan ng Dalayan sa Batangas. Sinalakay ang mga kumbento at simbahan at ang mga rantso ng mga misyonero.

Namagitan ang hari ng Espanya, Nang hindi maipakita ng mga prayle ang titulo ng pagmamay-ari ng lupa, binawi sa kanila ang mga lupain at inilagay sa pangangasiwa ng pamahalaan. Sa huli, ibinigay muli sa mga prayle ang mga lupain. Tuluyang nawalan ng

Samantala, ang mga magsasaka at ang kanilang mga pamilya ay nagutom.. Dahil hindi nila nagamit ang lupain sa pagtatanim ng mga produktong pagkain. nawalan sila ng bigas at mga gulay na kailangan ng pamilya. Wala naman silang perang maibili dahil kakaunti ang kanilang kinita: Mababa ang presyong itinakda ng pamahalaan para sa kanilang aning tabako.

Naging mapanira din sa ugali ng mga tao ang monopolyo. Maraming magsasaka ang palihim na nagbenta ng produkto upang magkaroon ng karagdagang kita. Upang hindi mahuli ay sinuhulan nila ang mga ahente ng pamahalaan na nagbabantay sa pagtitimbang at pagdadala sa Maynila. Dahil dito, lumaganap ang korupsiyon.

Mga Pag-Aalsa sa Kolonya

Sa buong panahon ng pamamahalang Espanyol, sumiklab ang pag-aalsa sa iba't ibang sinakop na lugar. Lumaban ang mga tao dahil sa mga kahirapang dulot ng mga patakaran ng pamahalaan. Ang pangongolekta ng tributo, ang polo y servicios, bandala, at ang mga di makatarungang gawain ng mga prayle at alcalde-mayor ay lubhang nagpahirap sa mga katutubong mamamayan

Ang Kilusang Agraryo ng 1745

Ang pag-aalsa ng mga magsasaka noong 1745 ay nakatawag din ng pansin ng karamihan. Nagsimula ang kilusang agraryo sa Batangas, Laguna, at Cavite at lumaganap sa Morong (Rizal), Maynila, at Bulacan. Sa mga lugar na ite malaki ang lupain ng mga prayle. Ayon sa pananaliksik ng isang manunulat ng kasaysayan na si Dennis M. Roth.

"pag-aari ng mga prayle ang halos 40% ng mga lalawigan sa Katagalugan (Bulacan, Maynila, Laguna, at Cavite). Noong 1898, pag-aari nila ang dalawampu't isang asyenda sa mga lugar na ito.

Ang mga lupaing ito ay ipinaupa sa mga magsasaka upang sila ang magtanim ng palay at iba pang produkto. Noong 1745 hanggang 1746, nag- alsa ang mga magsasaka dahil tinaasan ng mga prayle ang upa sa lupa. Ayon sa kanila, pinalawak din ng mga prayle ang lupa nila sa pamamagitan ng pagkamkam sa mga karatig na lupain na pag-aari ng mga magsasaka mula pa noong unang panahon. Ang mga nag-alsa ay pinaalis at sinira ang kanilang mga bahay na nakatirik sa lupain. Nagalit ang mga magsasaka. Nagsimula ang pag-aalsa sa bayan ng Dalayan sa Batangas. Sinalakay ang mga kumbento at simbahan at ang mga rantso ng mga misyonero.

Namagitan ang hari ng Espanya. Nang hindi maipakita ng mga prayle ang titulo ng pagmamay-ari ng lupa, binawi sa kanila ang mga lupain at inilagay sa pangangasiwa ng pamahalaan. Sa hull. Ibinigay muli sa mga prayle ang mga lupain. Tuluyang hawalan ng lupa ang mga katutubong may-ari.
You sent
Alamin ang mga detalye ng kilusang Agraryo ng 1745 sa

Calamba, Laguna. Inilalarawan ito sa QR code na ito.

Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose Ang pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose na kilala rin sa tawag na Cofradia de San José ay nangyari noong 1840. Si Apolinario dela Cruz, na mas kilala bilang Hermano Pule. ay nagnais na pumasok sa seminaryo upang maging par. Ngunit tinanggihan siya dahil siya ay isang Pilipino. Bunga nito, nagtatag siya ng isang kapatiran na tinawag na Cofradia de San José sa Lucban at Tayabas (Lalawigan ng Quezon). Marami ang sumall sa kapatiran hindi lamang sa Tayabas kundi gayundin sa Batangas, at Laguna,

Hermano Pule

Dahil sa mabilis na paglaganap nito, Ipinagbawal ng mga Espanyol ang kapatiran dahil hindi raw ito sumusunod sa mga takdang ritwal at dasal ng mga Katoliko. Higit sa lahat, pinaghinalaan din na ito ay isang paraan ng pag-aalsa laban sa pamahalaan.

Nagpadala ng mga sundalo ang pamahalaan upang buwagin ang pangkat. Napilitang lumaban ang mga kasapi. Nahuli sila sa may Bundok ng San Cristobal. Nag-alsa rin ang mga kakampi nila sa Maynila sa pamumuno ni Irineo Santiago at sandaling nakuha ang kuta ng Santiago (Fort Santiago). Sa hull, nagapi rin sila ng mga sundalo ng pamahalaan.

May karapatan ba si Hermano Pule na lumaban sa mga Espanyol? Ipaliwanag.

Ang Pagsakop ng mga Ingles sa Maynila

Noong 1761, tinulungan ng Espanya ang Pransiya sa paglaban sa mga Ingles sa Seven Years War. Nagalit ang mga Ingles sa Espanya. Mula sa Madras sa India sinalakay ng mga Ingles ang Maynila, Natalo ang mga Espanyol at sinakop ng mga Ingles ang Maynila nang dalawang taon (1762-1764).

Sa pangyayaring ito, nakita ng mga Pilipino na hindi pala ganoon katibay ang Espanya. Maaari pala itong matalo ng mas malakas na puwersa na maaari ding sumakop sa bansa. Dahil dito, lumakas ang loob ng mga katutubo na lumaban sa mga Espanyol. Ilan sa mga pag-aalsang nangyari kagaya ng pag-aalsa ni Diego Silang sa llocos at sa mga kalapit na lalawigan ay nangyari habang nilalabanan ng mga Espanyol ang mga Ingles sa Maynila.

Ang kahirapan at kawalan ng katarungang naranasan sa kamay ng mga dayuhan ang nagbunsod sa mga Pilipino upang humanap ng paraan na makalaya. Nagsimula sila sa simpleng pagtugon lamang sa kani-kanilang

mapait na karanasan sa sariling pamayanan. Ngunit nang malaman nilang pare- pareho palá ang mga pang-aabuso at katiwaliang nangyayari sa maraming lugar, unti-unting nabuo ang kamalayang pambansa o nasyonalismo at ang pagkakaisa laban sa kolonyal na pamahalaang Espanyol. Ang monopolyo ng tabako, kilusang agraryo, at pag-aalsa ng Cofradia de San Jose ay ilan lamang sa mga dahilan ng pagkagising ng mga Pilipino. Nadagdagan pa ito nang malaman nilang hindi pala ganoon kalakas ang pamahalaang Espanyol dahil natalo ito ng mga Ingles sa Maynila. Ang mga pangyayaring ito ang nagpasidhi sa kamalayang pambansa o nasyonalismo.

Buod ng Aralin

• May mga di makatarungang pangyayari sa loob ng bansa na nagtulak sa mga Pilipino upang makabuo ng kamalayang pambansa at lumaban

Ang monopolyo ng tabako ay nagpahirap sa buhay ng mga magsasaka dahil hindi sila makapagtatanim ng mga pagkain na kailangan ng pamilya.

Umabuso ang mga prayle sa pagsingil ng renta ng lupa at pagkamkam so mga kanugnog na lupain kaya nangyari ang kilusang agraryo.

Kawalang-katarungan at diskriminasyon sa lahil ang nagtulak sa pagbuo ng Cofradia de San Jose.

Nakita ng mga Pilipino ang kahinaan ng pamahalaang Espanyol nang sakupin ng mga Ingles ang Maynila at dahil dito lumakas ang loob nila na labanan ang mga Espanyol.







PAGLIPAS NG MERKANTILISMO

Ang eksplorasyon at pananakop ng mga bansang Kanluranin sa mga bagong lupain ay ginawa dahil sa maraming kadahilanan. Isa ang paniniwala ng mga taga-Europa sa teorya ng merkantilismo. Ang merkantilismo ay ang paniniwalang mas magiging makapangyarihan ang isang bansa kung mahahawakan nito ang ekonomiya. Batay sa teoryang ito, kailangang mag- ipon ng kayamanang ginto at pilak ang bansa. Kailangan ito upang makabuo at makapagpanatili ng isang malakas na sandatahang lakas. Ang militar ang

Inaasahang magtataguyod sa kapangyarihan ng namumuno. Ang kayamanan ang pambayad sa mga sundalong bubuo sa sandatahang lakas.
Upang magkamal ng kayamanan, isa sa mga paraan ay ang pagsakop ng mga kolonya. Ang kolonya ang pagkukunan ng mga produkto para sa kalakalan. Dito rin galing ang mga manggagawa na magtatanim ng mga halamang paninda at kukuha ng mga mina. Maaaring hindi sila bayaran nang tama ng pamahalaan sa pagtatrabaho sapagkat sila ay mistulang alipin ng sumakop na bansa..

Ngunit sa pagdaan ng panahon, nagbago ang pananaw sa Europa. Dumami ang mga mangangalakal. Unti-unting nawala ang paniniwala sa merkantilismo at napalitan ito ng kapitalismo. Ang kapitalismo ay ang pribadong pag-aarting kapital na pera, lupa, negosyo, at iba pang katulad. Ito ang gagamitin upang yumaman at maging makapangyarihan ang isang tao.


PANAHON NG PAGKAMULAT AT KAISIPANG LA ILUSTRACION

Halos kasabay ng pag-usbong ng kapitalismo sa ika-16 at ika-17 dantaon (1700-1800) ang pagbabago sa kaisipan na dala ng Panahon ng Pagkamulat (Age of Reason o Enlightenment). Sa panahong ito. lumitaw ang mga bagong ideya tungkol sa iba't ibang larang. Kabilang dito ang mga isinulat ni Thomas Hobbes (Leviathan) ukol sa kahalagahan ng pamahalaan, ang Ideya ni John Locke (Iwo Treatises of Government) ukol sa. mga karapatan ng mamamayan, at ang isinulat ni Jean Jacques Rousseau (The Social Contract) ukol sa mga tungkulin ng namamahala at ng mga mamamayan. Marami ring pilosopo ang nagsulat ukol sa kalayaan ng tao, sa paraan ng pamamahala, batas, at iba pa.

www.ep.utm.edu

John Locke

Lumaganap ang mga ganitong pananaw sa ibang bahagi ng mundo. Sa pagbubukas ng Suez Canal noong 1869, napabilis ang paglaganap ng mga Ideya sa Asya. Naimpluwensiyahan nito ang pag-iisip ng mga tao sa mga kolonya. Lumawak ang kaisipan ng mga sinakop na mamamayan, Nalaman nila ang kanilang mga karapatan bilang mga mamamayan at bansa at lalong sumidhi ang pagnanais na makalaya mula sa dayuhang kolonista.
www.ep.utm.edu
You sent
Malaki ang impluwensiya ng Rebolusyong Pranses sa mga mamamayang Pilipino. Halos pareho ang kalagayan ng mga Pilipino sa kalagayan noon ng mga manggagawang Pranses. Inalipin ng mga namumuno sa pamahalaan ang mga manggagawa upang sila ay yumaman at maging makapangyarihan. Marami ring pang-aabusong ginawa ang mga taong simbahan. Naging inspirasyon ito ng ilang bayaning Pilipino tulad nina Rizal at Bonifacio at mga kapanalig upang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino para sa katarungan at kalayaan.


Lumala ang kaguluhan at napilitang gumawa ng mga pagbabago ang pamahalaan. Ginawa ang Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao. Nabago rin ang mga patakaran ng pamahalaan ukol sa pag-aari ng lupa, ukol sa katayuan ng mga pari, at sa negosyo. Noong 1791, ginawa ang konstitusyon na bumuo ng batasan ng mga kinatawan ng mamamayan. Matagumpay na nakamit ng mga Pranses ang mga pagbabagong hinihingi nila.

Basahin ang ukol sa Rebolusyong Pranses ng 1789. Pumunta sa

Ang Rebolusyong Pranses ay sumiklab noong 1789 laban sa pamahalaan ni Haring Louis XVI at mga namumunong uri. Nakita ng mga tao ang maluhong pamumuhay ng palasyo sa gitna ng kakulangan sa pagkain at trabaho ng nakararaming mamamayan, at mataas na presyo ng bilihin. Nag-alsa ang mga manggagawa at nagkagulo sa Paris at iba pang lugar sa Pransya. Sumiklab ang rebolusyon. Ipinaglaban ng mga manggagawa ang "kalayaan

pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran (liberty, equality, and fraternity)

ANG REBOLUSYONG PRANSES

ANG PAPEL NG MGA ILUSTRADO

Nagmula sa mga nakaririwasang pamilya sa Pilipinas ang mga ilustradong Pilipino. Ilustrado ang tawag sa mga taong nakaabot sa mataas na antas ng pog-aaral. Dumami ang mga nakaririwasang pamilya sa Pilipinas na nakayang magpaaral ng anak sa mga kolehiyo o unibersidad dito sa bansa at sa Europa. Kasama rito ang mga paring sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora, at ang mga estudyanteng Pilipino na nakapag-aral sa Madrid tulad nina Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Marcelo H. del Pilar, at iba pa.

Marcelo del Pilar

Jose Rizal

Graciano Lopez Jaena

Ang mga ilustrado ang namuno sa mga kilusan upang labanan ang mga pang-aabuso at katiwalian sa pamahalaang kolonyal. Dahil mas malawak ang kaalaman ukol sa mga nangyayari sa Europa at mga bagong ideya at pananaw, sila ang malakas na nag-udyok sa mga tao upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga Pilipino at ang kalayaan. Ang mga paring Pilipinong Ilustrado ang namuno sa kilusan para sa pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga paring Pilipino. Ang mga estudyanteng ilustrado na nasa Madrid sa Espanya ang namuno ng Kilusan sa Reporma.

Ang malawak na kaalaman at pananaw ukol sa mga pangyayari sa daigdig ay mahalaga. Paano mo pinalalawak ang iyong pagkaunawa at pananaw?

Malaki ang naging papel ng mga pagbabago sa pananaw ng mga tao sa daigdig at sa pag-usbong ng kamalayang makabayan o nasyonalismo sa Pilipinas. Naimpluwensiyahan ng mga bagong ideya sa Panahon ng Kaliwanagan ang mga Pilipino. Nakatulong dito ang mas madaling paglalakbay sa pagitan ng Pilipinas at Europa, at ang pagdami ng mga Pilipinong nakapag- aral sa mataas na antas ng edukasyon. Ngunit higit sa lahat, ang matinding paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng kolonyal na pamahalaan ang malakas na nagtulak sa pakikibaka ng bayan.

Buod ng Aralin

•Ang paghina ng merkantilismo ay nakatulong sa pagbuo ng mga Pilipino ng kamalayang makabansa.

• Sa Panahon ng Kaliwanagan ay lumutang ang mga bagong pilosopiya ukol sa pamamahala, karapatan ng tao, edukasyon, ugnayan ng pamahalaan, at mga mamamayan, at iba pa.

•Malaki ang impluwensiya ng Rebolusyong Pranses sa pagkamulat ng mga Pilipino sa kanilang kalagayan dahil pareho ang katayuan ng mga Pranses at Pilipino noong panahong iyon.

•Ang pagbubukas ng Suez Canal at pagdami ng mga ilustradong Pilipino ay nagpabilis sa paglaganap ng mga bagong ideya at nagpamulat sa mga Pilipino sa kanilang mga karapatan at mga katanungan.

•Napakahalaga ng edukasyon sa pagmumulat sa mga tao sa tunay nilang kalagayan.
Dapat ugaliin ang pag-alam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran saloob at labas ng bansa.


     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.