NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagpili ng Kurso. Ang katayuan sa lipunan ay karaniwan nang tumutukoy sa estadong pang-ekonomiya ng isang tao.
Sa pagpili ng kursong kukunin, hindi maiiwasang isa-alang-alang ang pinansiyal na estado ng isang tao o ang kakayahan ng kaniyang pamilya na pag-aralin siya sa isang tiyak na kurso.May mga kurso, gaya ng Medisina, na lubhang nangangailangan ng mahal na matrikula, at may kaakibat na iba’t-ibang bayarin at gugulin.
Dapat handa ang ‘bulsa’ ng mga magulang sa pagpapaaral sa anak sa ganitong uri ng mga kurso. Ganunpaman, may mga scholarship na maaaring subukang kunin ng mga kabataan.Sa pagpili ng karera, ang akademikong institusyon kung saan pumapasok ang isang indibidwal ay isa ring konsiderasyon.Isinasaalang-alang ang mga inaasahan ng mga magulang o ng pamilya sa paggawa ng mga desisyon gaya sa pagpili ng kurso o trabahong kukunin. Karaniwan sa kultura ng Pilipino na isinasaalang-alang ng mga anak ang kalooban ng kanilang mga magulang o ng mga nakatatandang kapatid lalo na nga at kung sila ang gugugol sa pagpapaaral.Hinuhubog ng kultura ang mga values o pinahahalagahan, paniniwala, at inaasahan ng mga tao. Hindi kataka-taka kung ganun na ang kultura ay salik din na nakaiimpluwensiya sa pagpili ng kurso o layunin sa buhay.
Ang mga pamantayan at inaasahan ng kultura sa isang lugar ay maaaring makaapekto sa mga tao sa dakong iyon kung paano sila pumipili ng mga karera.




ragos:
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinaaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa nakaraang modyul ay napagnilayan mo ang mga hakbang upang maisakatuparan at mapaunlad ang iyong mga talento at kakayahan ayon sa iyong hilig, mithiin, at sa mga lokal at global na demand. Napag-alaman mo rin ang tungkol sa mga hakbang sa pagpili ng track o kurso upang makamit ang tunay na layunin sa buhay. Sa modyul namang ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
Napapatunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikalbokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.