NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Ang Alibughang Anak
Ang parabulang “Ang Alibughang Anak” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 15 talata 11 hanggang 32 (Lucas 15:11-32).

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki.

Ang bunso ay hiningi na sa kanyang ama ang parte ng kanyang kayamanan.

Kaya naman hinati ng ama sa dalawa ang lahat ng kanyang yaman. Pagkalipas ng ilang araw ay umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong lupain dala ang lahat ng kanyang mana.

Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng kanyang yaman ay saka naman nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na kanyang pinuntahan.

Nakahanap siya ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy. Sa sobrang gutom ay pati ang kaning-baboy ay kanya na ring kinakain.

Nang makapag-isip-isip ang bunsong anak ay naalala niya na sa lugar ng kanyang ama ay maraming upahang mga utusan. Ang mga iyon ay sagana sa tinapay samantalang siya ay mamamatay na dahil sa gutom.

Naisip niyang bumalik sa kanyang ama kahit bilang utusan na lamang at siya’y hihingi umano ng tawad.

Tumayo siya sa kinauupuan at naglakbay pabalik sa kanyang ama.


Malayo pa’y natanawan na siya nito at naawa sa sinapit ng anak. Niyakap niya ang anak at hinagkan.

Sinabi ng bunsong anak, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.”

Gayunpaman ay tinawag ng ama ang kanyang mga utusan at sinabing, “Madali! Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”

Pag-uwi galing sa bukirin ay narinig ng panganay na anak ang kasiyahan sa kanilang bahay. Itinanong niya sa isa nilang alipin kung anong mayroon doon.

Anang alipin ay dumating na umano ang bunso niyang kapatid. Nagpapatay ng guya ang kanyang ama dahil umuwing malusog at walang sakit ang kapatid niya.

Nang marinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa kanilang bahay.

Dahil dito’y lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya.


Anang panganay, “Naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga masasamang babae.”

Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”

Aral:
Nagagalak ang Diyos sa tuwing nagbabalik-loob ang mga anak Niya sa kanya. Maging mapagpakumbaba, aminin ang mga kasalanan, at magbalik-loob sa Diyos.
Iwasan ang pagiging mainggitin. Ang nais ng Diyos ay matuwa ka sa tuwing may magandang nagyayari ito man ay sa iyong kapwa o sa sariling kapatid dahil ang disenyo ng Diyos sa tao ay ang magmahalan at hindi ang magsakitan.
Tunay nga na walang magulang na makatitiis sa anak. Gayundin naman, hindi kayang titiisin ng Diyos ang mga anak niya.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.