Notes
Notes - notes.io |
“Dudukdok lang ako saglit! Naduduling na ako kakasulat hahaha.”, ani ko sa kaibigan ko na tinanguan lang n’ya kaya’t dumukdok na ako.
Ng hindi ko namamalayan nakatulog na pala ako.
~Morning
“Oy gumising ka na! May pasok ka pa ngayon. Lalamig na din ‘yung pagkain.”, pag-gising sa akin ng pinsan ko.
Agad din naman akong bumangon kahit antok na antok. Hala! ‘Yung mga takdang aralin ko pala!
Nagtungo agad ako sa desk ko upang tignan kung nandoon pa ba ang mga gamit ko at ng makita ay inilagay ko na din agad ito sa bag ko.
‘Isa nalang naman kulang ko at hindi rin naman ‘yon ipapasa ngayon hahaha.’ isip ko habang naglalakad patungong hapag-kainan.
Pagkatapos ko naman kumain ay umuwi na ako sa bahay namin upang makaligo at dahil nandoon din ang aking mga damit. Pagkalipat ay inilatag ko na sa papag ang aking susuotin at naligo na pagkatapos no’n. Pagkaligo ko naman ay nag-suot na agad ako ng damit tsaka pinatuyo ang buhok para matalian. Buhaghag kasi kapag hindi tinatalian at mainit din sa eskwelahan. Pagkatuyo ay nagpatali ako ng buhok kay tita dahil hindi ako marunong mag-tali ng buhok hahaha.
“Bilisan n’yo na baka ma-late ka pa. Nasa bag mo na ba baon mo at mga dapat mo na dalhin? Baka may maiwan ka pa.”, tanong sa akin
“Oo, nailagay ko na sa bag ko ‘yung baon ko kagabi at naayos na ‘yung bag.”, sagot ko
“Mabuti naman! Sige na, umalis ka na! Ingat.”
Lumabas na ako agad ng bahay no’n at sumakay na sa tricycle. Tahimik lang ang biyahe papuntang eskwelahan kaya nakaidlip pa ako. Pagkadating ay agad na din ako lumabas dahil malapit na rin mag-ring ang bell no’n.
-
Pagkadating ko sa silid-aralan ay naupo na agad ako sa pwesto ko. Pagkababa ko ng mga gamit ko ay nakipagkwentuhan na ako sa mga kaibigan ko. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang aming guro.
“Magandang umaga sa inyong lahat! Nakatulog ba kayo ng maayos?”, bati sa amin ng aming guro.
“Magandang umaga din po teacher! Opo hahahahaha!”, sagot naman namin.
“Okay, sino mag-lilead ng prayer ngayon?”
“Si ano po!”
Turo sa akin. Agad naman akong nagpunta sa harap at nagdasal kami, buti nalang at nakabisado ko na ang dasal sa silid-aralan! Pagkatapos ay pinalabas na sa amin ang aming libro upang makapag-turo na.
-
Pagkatapos magturo ng guro namin ay mayroong pinasagutan siya sa amin na agad din chineckan pagkatapos. Kasabay no’n ay pinapasa na rin sa amin ang aming takdang aralin. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na siya sa amin at dumating naman ang sunod na guro namin na binati namin.
“Okay, dahil din naman na english ang subject na tinuturo ko… Mag-i-english kayo, ang mahuli ko mag-tagalog nako!”
‘Hala… huhuhuhuhu’
“Bring out your notebook, mag-spelling quiz tayo.”
Agad naman namin nilabas ang notebook at ballpen.
“First word, wrench!”
Isinulat ko naman agad sa notebook ko ‘yung spelling kahit hindi ako masyadong tiwala sa aking sinulat.
“Done na? Okay next!
Experience…
Disease…
Necessary…
Suffix…
Exchange notebooks!”
Nag-palit agad kami ng notebook ng katabi habang nagbubulungan na rin kung ano ‘yung mga sagot namin. Inispell ng guro namin isa-isa ‘yung mga sagot at may mali akong isa. Disease!!!
Pagkatapos no’n ay normal lang lahat ng nangyari, hanggang sa matapos ang klase at dumating naman ang susunod namin na guro. Ang paborito kong guro at subject!
‘Math!!’, isip ko habang nakangiti.
Binati namin ang aming guro at naupo na. Pagkatapos ay may binigay siya sa aming papel na tinignan ko agad pagkaabot sa akin ng isa.
“Sagutan n’yo muna ‘yan, pagtapos ay mag-simula na tayo ng ibang topic.”, sabi sa amin kaya’t ginawa ko na agad ‘yung akin.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko din agad kaya ipinasa ko na. Agad din namang chineckan ‘yung pinasa ko at pinaupo na ako.
‘Nice perfect!!’, isip ko at napangiti.
Nang matapos ang lahat ay nag-turo na sa amin ang aming guro. Pagkatapos ay recess na namin kaya’t nag-tungo na kami sa canteen kahit wala naman akong bibilhin. Para lang tignan kung anong pagkain ang tinda ngayon. Minsan ay sopas o lugaw o spaghetti o pansit o champorado, ang binibili ko lang doon ay spaghetti hahaha. Nakatambay kami sa mga lamesa iniintay matapos ang iba kumain habang nagkkwntuhan. Pagkatapos namin kumain ng meryenda ay bumili sila ng maiinom sa tubig habang iniintay ko lang sila. Pagtapos no’n ay bumalik na kami sa silid-aralan dahil baka maunahan pa kami ng aming guro.
-
“Okay mag-lunch na kayo.”, pinaalis na kami ng aming guro upang makapag-tanghalian kaya’t bumaba na agad ako at hinanap si tita dahil siya ang nagdadala ng lunch namin. Pagkakita ay nagpunta agad ako kay tita at naupo sa tabi niya.
-
Pagkatapos ko kumain ay nag-toothbrush ako saka bumalik na sa silid-aralan. Pagkadating ay may ibang naglalaro, ang iba naman ay nagkkwentuhan mayroon ding mga nakatutok lang sa electricfan namin. Nagpunta agad ako sa pwesto kung nasaan ang mga kaibigan ko at naupo. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang aming susunod na guro. Binati namin siya at pinalabas naman na sa amin ang aming dala para sa arts.
“Mag-ddrawing kayo ng inyong gusto makuha o makamit pagkatapos ay kulayan gamit ang mga kulay sa primary, secondary, at tertiary colors.”
Agad naman kami pumwesto sa sahig para mas komportable ang iba ay nasa desk pa rin nila.
-
Nakailang bura na ako at wala pa din ako maisip kung ano pwede i-guhit! Tumigil muna ako sa kakaguhit at nag-isip ng pwedeng i-guhit.
Pagkatapos ng ilang minuto ay may naisip na ako kaya iginuhit ko na agad. Pagtapos ko i-guhit ay kinulayan ko na din agad. Habang abala ako mag-kulay ay may kumalabit sa akin kaya nilingon ko siya.
“Ano, pwede ba pahiram ng lapis?”, tanong niya sa akin kaya nilahad ko agad sa kaniya ‘yung isa ko na lapis. Nag-thank you naman siya sa akin bago bumalik sa pwesto niya. Nagpatuloy naman agad ako sa aking pagkulay.
Pagtapos ng ilang minuto ay pinapasa na ang aming mga gawa dahil overtime na daw at naubos na namin ang oras ng sunod na subject. Pinag-recess nalang na kami agad kaya nagsi-babaan na kami. Mayroong hotdog at french fries kaya’t bumili ako ng tig-limang piso.
-
Uwian na namin at naiinis naman ako dahil iniwan nila ako dito. Hindi lang ako ‘yung cleaners, ang duga nila!! Padabog naman akong nag-ayos ng upuan ng biglang may nag-salita na ikinagulat ko naman.
“Ikaw lang cleaners?”, tanong nito sa akin kaya umiling ako. Naglakad naman siya patungo sa may trashcan at kinuha ang tambo tsaka dustpan. Nagkwentuhan kami habang naglilinis ng classroom. Pagtapos namin mag-linis ay nagpaalam na siya dahil nandoon na ang sundo niya at nginitian ako.
‘HALA ANG GANDA NG NGITI N’YA!!!!’, panic ko sa aking utak.
Isa sa pinakamagandang ngiti na nakita ko. Para akong na-starstruck! Kung paano nawala mata niya sa pag-ngi-
“HOY! Akala ko ba dudukdok ka lang!!!”, biglang bulyaw ng kaibigan ko kaya’t napa-angat agad ako ng aking ulo.
“Ha?”, tanong ko
“Sabi mo dudukdok ka lang tas nakatulog ka na pala! Kanina pa kita kinakausap!! Akala ko pa na gising ka dahil nagsasalita ka! Humahagikgik pa. Nananaginip ka ba? O baka nag-ddaydream tas hindi mo lang ako pinapansin? Pero mukang clueless ka edi ibig sabihin natulog ka nga. Sino napanaginipan mo? Ikaw ha!!”
“Wala! Hindi ko na maalala panaginip ko, maganda pa naman.”
Hindi namin natapos ang aming gawain dahil sa biglang nagkwentuhan nalang kami at napagisipan din na bukas nalang ituloy ang ginagawa. -Thea
|
Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...
With notes.io;
- * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
- * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
- * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
- * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
- * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.
Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.
Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!
Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )
Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.
You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;
Email: [email protected]
Twitter: http://twitter.com/notesio
Instagram: http://instagram.com/notes.io
Facebook: http://facebook.com/notesio
Regards;
Notes.io Team