NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado Macapagal na dating pangulo.Naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan.Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksyon, nahalal muli si Marcos noongm 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.

Sa ikalawang termino ng kanyang pamumuno, maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw.
Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa.
Naging dahilan ito sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army (NPA) at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.

Taong 1973, hindi na pwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos.Dahil dito, noong Setyembre 21,1972, nilagay ni Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar sa pamamagitan ng proklamasyon 1081.
Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno.Ang tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2,na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez.Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.

Noong 1981, lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad.Ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhan makabalik sa Pilipinas noong 1983 kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.

Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang sya ay papalabas ng isang eroplano sa Manila International Airport na ngayon ay pinangalan sa kanya. Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos.Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.

Inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino, noong 1984.At ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang.

Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan, minabuting minungkahi ng Amerika kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa.Tumakbo muli si Marcos sa halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan.Naganap ang halalan noong 7 Pebrero 1986.

Ang eleksiyon na ito ang isa sa mga pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang dayaan na naganap.Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan si Marcos bilang nagwagi.Nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang diumano ng 9,291,761 boto.Hindi matanggap ng mga Pilipino ang resulta, at sa halip naniwala sila na si Aquino ang tunay na nanalo.Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos.Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo.

Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo.Nagpatawag ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito." Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radyo Veritas na pinapatakbo ng Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila.

Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao.Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa nitong transmisor na mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre.Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.

Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang hatinggabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radyo Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.

Noong madaling araw ng Pebrero 24, Lunes, naganap ang unang matinding bakbakan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo.Noong araw ding iyon inatasan mula sa Sangley Point sa Cavite ang mga helikopter sa pamumuno ni Major General Antonio Sotelo upang pumunta sa Kampo Krame. Lihim na palang bumaligtad ang nasabing grupo at sa halip na atakihin ang Kampo Crame ay lumapag sila doon. Maraming mga tao ang bumati sa mga sundalo na papalabas ng mga helikopter. Dahil sa pangyayari ay mas lalo pang sumigla si Ramos at Enrile na patuloy pang nananawagan sa mga sundalo na tumiwalag kay Marcos at sumapi sa kilusang oposisyon.

Dumating kay June Keithley ang balita na papalabas na ng Malakanyang si Marcos at binalita naman niya ito sa mga tao sa EDSA.Nagdiwang ang mga tao, maging si Ramos at Enrile ay lumabas para magpakita sa mga tao.
Subalit naging sandali lang ang saya noong lumabas si Marcos sa Channel 4 na kontrolado ng gobyerno, at sinabing hindi siya bababa sa puwesto.

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo.May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.

Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills.Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko.

Samantala, nanumpa naman si Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malakanyang, at nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!",brinoadkast nya ito sa nalalabing estasyon ng gobyerno at ng channel 7.Pagkatapos ng panunumpa ay umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyo.
Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales bandang ikasiyam ng gabi, bago tuluyang lumipad ng Hawaii.

Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang "Freedom Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang batas.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.