NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Ma. Adriana Mae F. Bautista
11-TRUSTWORTHY

PAGBASA AT PAGSUSURI
GAWAIN 4

1. Pamagat
-Mabangis na Lungsod

2. Sumulat/ May akda
- Efren Reyes Abueg ang kanyang tunay na pangalan siya ang sumulat ng Mabangis ni Lungsod noong March 5, 2013. Si Efren ay ipinanganak sa Tanza, Cavite noong March 3, 1937, si Efren ay iginagalang na nobelista, kuwentista,mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Ang aklat na Bugso ang kanyang kauna unahang koleksiyon ng mga kwento. Narito ang ilang mga akda ni Efren Abueg ang mga Mga Piling Akda ng KADIPAN(1964), Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973).

3. Tauhan at kanilang ginampanan
1. Adong - ang pulubi sa may quiapo
2. Aling Ebeng - ang matandang pilay at ang katabi ni Adong sa quiapo
3. Bruno - isang siya sa mga sapilitang kumukuha ng ma perang naipon ng mga namamalimos sa quiapo

4. Tagpuan
- Mula kay Efren Reyes Abueg na sa quiapo ang tagpuan ng kwentong ito.

5. Tema o Paksa
- Mula sa kwentong aking binasa ang temang ito ay pawang makatotohanan. Dahil lahat ay may kani-kaniyang ambag sa mundong ating ginagalawan, mababa man ang estado ng iyong buhay o mataas. Ngunit sa mata ng Mahal na Panginoon tayo ay pantay pantay at ang bawat pagsubok na kanyang ibinigay ay ating malalagpasan.

6. Uri ng Panitikan
- Ang akdang ito ay isang maikling kwento, ito ay ang anyo ng panitikan ng pagsasalysay ng mga pangyayari sa buhay ng mga pangunahing tauhan. Ang bawat sangkap na meron nito ay kadalasang naiiwan ng magandang aral sa mga mambabasa.

7. Layunin ng Kwento
- Ang akdang ito ay naglalayong paalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pare pareho sa mundong ito, ang mga taong mababa ang estado ng buhay ay hindi umaangat ay ang mga taong matataas ang estado ng kanilang pamumuhay sila ang patuloy na umaangat sa buhay. Dahil dito maraming tao ang napipilitang gumawa ng hindi maganda.

8. Uri ng antas ng wika na ginamit
- Ang antas ng wika na ginamit sa kwentong ito ay isang uri ng pambansa.

9. Buod
- Ang akdang ito ay pumapatungkol sa batang si Adong. Si adong ay batang ulila at namumuhay na mag isa, upang siya ay makaraos sa kanyang pang araw araw na pamumuhay si Adong ay namamalimos sa harap ng Simbahan sa may Quiapo. Mula sa araw na iyon hanggang gabi ang kanyang pamamalimos at paghihingi ng tulong sa mga taong nagsisilabasan at nagsisipasukan sa simbahan. Pero may nakaambang bagis sa kanyang paligid dahil sa isang binatang siga na namumuno, ito ay si Bruno, siya ay palaging nangunguha ng sapilitan ng mga napalimos ng bawat pulubi sa Quiapo . Gusto ni Bruno na siya lamang ang makinabang ng lahat ng pinaghirapan ni Adong at ng mga kasamahan nitong namamalimos. Si Adong ay walang magawa sa ginagawa sakanya ni Bruno tuwing kinukuha nito ang bawat barya na kanyang napalimos. Katulad ng mga nakaraang araw nabatid niya nakukunin muli ni Bruno ang kanyang pinaghirapan at pambili ng kanyang pagkain. Kaya napagisipan ni Adong na itago ito mula kay Bruno upang walang makuha pera si Bruno mula sakanya. Ngunit sa di kalayuan ay natatanaw na ni Aling Ebeng, katabi ni Adong sa pwesto sa tapat ng simbahan, ang sigang si Bruno ay narito na at itinuloy ni Adong na itago ang pera kay Bruno ngunit pilit na hinabol ni Bruno si Adong hanggang sa mahuli niya ito. Dahil sa inis ni Bruno kay Adong dahil sa pagtago nito sa pera, sapilitang kinuha ni Bruno ang perang pinaghirapan ni Adong, pinagbubugbog ni Bruno si Adong hanggang sa ito ay manghina dahil sa mga ginawa ni Bruno.

10. Gintong Aral
- Dahil sa kwentong ito aking nalaman na hindi maganda ang umaasa sa ibang tao upang ikaw ay mabuhay ikaw din dapat ang gumagawa ng paraan upang mabuhay sa pang araw araw, ang ginawa ni Bruno kay Adong ay hindi maganda sapagkat kapag ito ay makita ng ibang namamalimos ito narin ay kanilang gagawin sa ibang namamalimos. Ikaw dapat ay marunong tumayo sa sarili mong paa sapagkat ikaw ang gumagawa ng iyong kapalaran ang panginoon ay kanya ka lamang ginagabayan sa bawat kilos na iyong ginagawa dahil ang karma ay mabilis lamang kayat hanggang may panahon upang sa mga taong iyong natapakan ito ay pwede mo pang maibigay ang mga bagay na iyong kinuha mula sa kanilang paghihirap at sabayan ng paghingi ng tawad mula sa iyong puso, ang pagpapatawad ay madali lamang gawin kung ang iyong paghingi at pagako ng iyong kamalian ito rin ay kanyang ibibigay ng taos sa puso.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ito sa sagutang papel.
1. Oo mahalagang pag aralan ang bawat katangian at kalikasan ang ibat ibang teksto sapagkat malaki ang ambag nito sa pagpapahayag ng ating mga ideya na nais nating maibahagi sa ibang tao.

2. Makakatulong ito saakin dahil dito madali kong maipapahayag at maayos ang bawat ideya na aking naisip at nais ko itong maibahagi sa ibang tao upang sila rin ay magkaroon ng ideya ukol dito.

3. Oo, sapagkat dahil sa aking natutunan sa mga tungkol sa teksto, at bilang mag aaral isang malaking tulong ito para saakin at sa aking kapwa mag aaral dahil malaki ang tulong nito sa aming pagtuklas at paggamit ng ibat ibang uri ng teskto.
     
 
what is notes.io
 

Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.