Notes![what is notes.io? What is notes.io?](/theme/images/whatisnotesio.png)
![]() ![]() Notes - notes.io |
Lesson 2: Ang Pilipinas Bilang Isang Ganap na Estado
diplomat – kinatawang pampolitikang ipinadadala sa ibang bansa upang magtaguyod ng kagalingan ng kanyang bansa at mga kababayan
embahada – tanggapan sa loob at labas ng bansang nangangalaga at nagbibigay proteksiyon sa kapakanan ng bansa at mamamayang nasa ibang bansa
konsul – mga kinatawang nangangalaga sa interes at kapakanan ng kanilang mga kababayan sa lungsod o bansang kanilang kinaroroonan
mauunlad na bansa – sa ingles ito ay tinatawag na developed countries o mga bansang mayayaman at makapangyarihan
papaunlad na bansa – tinatawag din itong Third World Country o mga bansang hindi pa gaanong mayaman o makapangyarihan
pribilehiyo – mga natatanging karapatang hindi tinatamasa ng lahat
KAHALAGAHAN NG SOBERANYA
Ang soberanya ay ang sukdulan o pinakamataas na kapangyarihan ng estado o bansang mag-utos at pasunurin ang mga tao. sumasaklaw ang pagkilos nito sa lahat ng nangyayari sa bansa. napakahalagang magkaroon nito ang isang bansa upang maisakatuparan ang pagtataguyod ng kabutihan at kapakinabangan ng mga mamamayang kanyang nasasakupan at upang masabing ito ay isang ganap na malaya.
May ilang katangian ang soberanya :
Palagian o permanente – ito ay pangmatagalan at magpatuloy hanggang hindi nawawala ang estado.
Malawak – sumasaklaw ito sa lahat ng mga tao at ari-arian sa estado
Di nasasalin – ang kapangyarihan ng estado ay pansarili lamang at hindi maaaring ilipat sa ibang bansa
Lubos – ang kapangyarihan ng estado ay ganap at walang sinumang bansa o tao ang may kapangyarihan dito.
Ang soberanya ay may iba’t ibang uri. Ito ay maaaring legal at batay sa saligang batas; political kung idinadaan sa pagboto o pagpili ng lider; popular kung nakasalalay sa kamay ng maraming mamamayan ang kapangyarihan; de facto kung nasa kamay lamang ng iilang tao ang soberanya; at de jure o soberanyang papalit-palit.
PANLOOB AT PANLABAS NA SOBERANYA - ito ang dalawang aspekto ng soberanya
Panloob (internal sovereignty) – tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong mapasunod sa lahat ng taong naninirahan sa teritoryong nasasakupan nito. Ditto nakasalalay ang kaayusan at kaunlaran ng isang bansa
Panlabas (external sovereignty) – ito ay ang kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng gawain at naisin ng bansa tungkol sa ekonomiya, edukasyon, buwis, hanapbuhay, at iba pang mga bagay na nagbibigay ng sulranin o tinatayang ambag sa kagalingan ng bansang hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
KARAPATAN NG ISANG BANSANG MALAYA
Karapatan sa Kalayaan – karapatan ng bawat estadong pangasiwaan o pamahalaan ang sarili, ito man ay pang ekonomiya , panlipunan, o pampolitika. Walang ibang bansa ang maaaring makialam, manghimasok, at pumigil sa mga desisyon nito para sa bansa.
Karapatan sa Pantay na Pribilehiyo – sa batas pandaigdig ang bawat estado ay may pantay na karapatan, tungkulin, at pribilehiyo anuman ang laki, yaman at kulturang mayroon. Ang malakas na bansa o nangungunang bansa kabilang ang mauunlad ay walang karapatang makialam sa mga papaunlad na bansa. maaari lamang makialam ang isang bansa sa isang bansa kapag ito ay humingi ng tulong.
Karapatan sa Saklaw na Kapangyarihan – ito ang karapatan ng estado na gumawa at ipatupad ang mga batas at kautusan sa kanyang nasasakupan. Walang ibang magagawa ang mga bansa sa mga patakaran at batas na nais ipatupad nito. Kasama rin ditto ang pagtatanggol sa mga mamamayanng naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa.
Karapatan sa Pagmamay-ari – karapatan ng bawat estado ang pagmamay –ari o pag-aangkin ng lahat ng ari-arian at bagay-bagay na nasa kanyang teritoryo.
Karapatan sa Pakikipag-ugnayan – isa sa karapatan ng bawat estado ang malayang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. kabilang ditto ang magpadala at tumanggap ng mga pambansang kinatawan sa ibang bansa gaya ng diplomat at konsul. Layunin nito ang makipagkasundo hinggil sa mga usapimg pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultura.
PAGTATANGGOL SA ATING TERITORYO
Ang pagtatanggol sa ating teritoryo o bansa ay napakahalagang tungkulin ng pamahalaan at ng sambayanan. May dalawang uri ng panganib na dapat ipagtanggol ang bansa.
Panloob na panganib – ito ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng krimen, rebelyon, at iba pang uri ng paghihimagsik na nangyayari sa loob ng teritoryo
Panlabas na panganib – ito ay tumutukoy sa pagsakop at pagsalakay ng ibang bansa sa ating bansa.
Iba’t ibang Sangay Sangay ng mga Sandatahan ng Pilipinas
Hukbong Katihan (Philippine Army) – tagapagtanggol ng bansa sa digmaan o anumang rebelyon o paghihimagsik na may layuning pabagsakin ang pamahalaan.
Hukbong Dagat (Philippine Navy) – sandatahang lakas na nangangalaga sa katubigan, tinatawag din silang bantay-dagat.
Hukbong Himpapawid (Philippine Airforce) – ito naman ang mga tanod o bantay panghimpapawid. Pinangangalagaan nito ang katahimikan sa ating papawirin.
Iba pang ahensiya na nangangalaga sa ating seguridad :
DILG – Department of the Interior and Local Government nasa ilalim ng kagawarang ito ang
PNP – Philippine National Police- ito naman ang nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.
BFP – Bureau of Fire Protection
BJMP – Bureau of Jail Management and Penology
Philippine Public Safety College
DFA – Department of Foreign Affairs
DENR – Department of Environment and Natural Resources
Apat na elemnto na nagpapakita na tayo ay isang bansa:
- Pamahalaan
- teritoryo
- mamamayan
- soberanya o kalayaan
Soberanya - pinakamataas na kapangyarihan, napapasunod nito ang mga tao at mamamayan. Kung walang soberanya ay hindi natin maitatawag na hindi tayo nagsasarile.
Ang kapangyarihan ay nagmumula sa mga mamamayan. Niluluklok natin sa pwesto upang pamunuon ang ating pamahalaan.
panloob na soberanya - mapasunod ang lahat ng taong naninirahan sa teritoryong ito.
panlabas na soberanya - itaguyod ang lahat ng gawain at naisin ng bansa.
Simbolo ng Soberanya:
- pera
-watawat
- rebublika ng pilipinas
Karapatan ng isang bansang malaya:
- karapatan pangasiwain o pamahalaan ang sarili ito man ay ekonomiya o pambulitika
- walang bansang pwedeng mahimasok o makailam at pumigil sa mga desisyon nito para sa bansa.
Karapatan ng pantay na prebilehiyo:
- dapat may pantay na karapatan, tungkulin, at pribilehiyo.
- walang karapatan ang malalakas na bansa na makialam sa mga papaunlad na bansa
Karapatan ng saklaw na kapangyarihan:
- gumawa at ipatupad ang mga batas at kautusan sa kanyang nasasakupan
- karapatan ng estado na ipagtanggol ang mga mamamayan nitong nagtratrabaho sa ibang bansa
Karapatan sa pagmamayari:
- karapatan ng estado ang pagmamay-ari o pang-aakin ng lahat ng ari
Karapatan sa Pakikipag-ugnayan:
- pagkakaroon ng malayng paguugnayan sa ibang bansa
- karapatan makipag-dala at tumanggap ng mga pambansang kinatawan sa ibang bansa.
![]() |
Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...
With notes.io;
- * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
- * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
- * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
- * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
- * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.
Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.
Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!
Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )
Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.
You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;
Email: [email protected]
Twitter: http://twitter.com/notesio
Instagram: http://instagram.com/notes.io
Facebook: http://facebook.com/notesio
Regards;
Notes.io Team