NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Mga Layunin
1. Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng mga kababihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.
2. Natutukoy ang mga ambag ng kababaihang Asyano sa buhay politika,panlipunan at kultural.
Pangunahing mga Konsepto
Ang Asya ang ang kontinenteng may pinakamalaking bilang sa mundo at ang mga babaeng populasyon ay isa sa may ambag dito. Ibat-iba ang naging papel ng mga kababaihan bilang mga Asyano noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Isang mahalagang salik sa pag-unlad at pagyaman ng kabihasnan ang mga naging tungkulin ng kababaihan sa lipunan Hindi maikakaila na ang mga kababaihan ay isa sa pinakayamang maituturing sa isang bansa sapagkat sila ay ang naging butihing katuwang ng mga kalalakihan sa pagbuo ng mga desisyon na maglalagay sa isang sitwasyon sa tamang kaparaanan. Subalit, sa pagdaan ng mga panahon hindi naging madali ang naging buhay ng mga kababaihan na kinailangan pa nilang tahakin ang isang masalimuot na proseso upang higit na mapataas ang kanilang antas sa lipunan.
Hindi maikakaila na ang mga kababaihan ay may taglay na husay at galling sa ibang bagay, higit lalo sa mga pagkakataong sila ay nakapagdudulot ng magandang hangarin para sa isang bagay o sitwasyon. Sa araling ito, bibigyang pagkilala natin ang ilan sa mga kababaihang may malaking naging bahagi at gampanin sa pagpapahalaga ng mga kaisipang Asyano .
ANG BABAE SA MGA RELIHIYON AT PILOSOPIYA NG ASYA
Mula sa mga ideolohiya na inyong mababasa, matutunghayan dito ang mababang naging katayuan noon ng mga babae sa lipunan

BUDISMO










CONFUCIANISMO








ANG BABAE BILANG BAHAGI NG PAMILYA AT LIPUNAN
Hilagang Asya
Naniniwala ang mga sinaunang Asyano sa mga Diyos at sa kapangyarihan ng mga espiritu. Sumasamba sila sa mga diyosang teriomorphic o may anyong hayop. Pinatunayan ito ng mga petroglyph na kinatampukan ng mga hayop at mga babaeng shaman na may mga sungay. Udagan ang tawag sa kanilang shaman.
Mesopotamia (Kanlurang Asya)
Sa lupain ng sinaunang kabihasnang Mespoptamia, Ikinakasal ang babae hindi lang sa kanyang asawa o kabiyak kundi maging sa pamilya nito. Ang babae ang mag-aabot ng dote o dowry sa pamilya ng lalaki at ang lalaki naman ay mag-aabot ng tinatawag na Bride bribe sa pamilya ng babae kapalit ng kanyang buong karapatan sa kanyang asawang babae.
India (Timog Asya)
Sa lipunang Vedic sa India , tanging ang mga kababaihan mula sa antas ng ksatriyas ang maaring mamili ng kanyang asawa mapapangasawa. Dinarangal sa kanila ang pagiging asawang babae tinatawag siyang Jaya o kahati sa pag-ibig ng asawang lalaki at Jani naman ang tawag ng mga anak sa kanilang ina. Samantalang ang asawang lalaki naman ay tinatawag na patni ng kanyang asawang babae bilang kanyang katuwang sa pagtalima o pagsasakatuparan ng mga sakripisyong panrelihiyon.
Timog-Silangang Asya
Sa rehiyong ito sa Asya pinaniniwalaan ang kakayahan ng mga kababaihan na makipag ugnayan sa mga espiritu na nasa kalikasan. Makalipas ang ilang panahon ang kalalakihan ay nagbabayad ng Bride bride sa pamilya ng babaeng kanyang napupusuan at kinakailangan niyang magsilbi ng 2 hanggang 3 taon sa pamilya ng babae, ang gawaing ito ay nagpapakita lamang kung gaano nga ba kahalaga ang kababaihan sa kaniyang komunidad at pamilya.Bukod pa rito, isa sa tradisyong sinusunod sa rehiyong ito ay ang pagtira ng bagong kasal na lalaki sa pamilya ng kanyang asawang babae na tinatawag na Matrilocal.
China (Silangang Asya)
Sa bansang ito naman ipinapakita ang kabaligtaran ng pagpapahalaga sa mga kababaihan ng Timog-Silangang Asya. Isa sa pilosopiyang sinusunod dito ay ang Confucianismo kung saan ipinagtitibay ang pagiging Patriarchal ng pamilyang Tsino. Ang lalaki ang sentro ng pamilya, at maari siyang mag-asawa ng isa o higit pa depende sa kanyang kakayahan at ari-arian. Ang mga anak na babae sa pamilyang Tsino ay hindi ipinag-aaral at hindi kailanman maaring magmana ng kahit anong ari-arian sa pamilya maliban na lamang kung sila ay maging byuda.
ANG TRADISYUNAL NA PAPEL NG KABABAIHAN
Sa pagdaan ng mahabang panahon, itinuturing na iisa lamang ang maaring tungihin ng babae sa sinaunang Asya at ito ay ang maging asawa o kabiyak ng lalaki at maging ina sa kanyang mga anak na isisilang.
INDIA
Bilang patunay sa pagmamahal sa asawang lalaki, ang asawang babae ay inaasahang tumalon sa apoy kung saan sinusunog ang labi ng kanyang asawang lalaki ang paniniwalang ito ng mga Hindu ay tinatawag na “Suttee o Sati”.
Bukod pa rito, asawang babae ay pinahihintulutang kumain lamang pagkatapos ng asawang lalaki bilang senyales ng paggalang niya rito. Maliban dito, ang babae sa India ay maaring maging asawa ng magkapatid na lalaki (polyandry). Karaniwan naman sa mga kalalakihan ang makapag-aasawa ng maraming babae na siyang tinatawag na Harem sa India at maging ito rin ay ayon sa kultura ng mga Muslim na lalaki.
FEMALE INFANTICIDE (INDIA)
Bukod sa paniniwalang Suttee o Sati, isa pa sa mga nakilalang tradisyon sa India ay ang pagsasagawa ng tinatawag na Female Infanticide kung saan ang mga batang babaeng sanggol ay legal na pinapatay upang hindi na maging suliranin at pabigat sa mga magulang pagdating ng panahong ito ay mag-aasawa.
MUSLIM (KANLURANG ASYA)
Sa kulturang Muslim, ang babae ay nakasuot ng belo at pinag-iingatan ang dangal ng pamilya. Bilang isang paraan ng pagtago sa mga kababaihan sa publiko, sila ay nagsusuot ng mga damit na pantakip sa katawan ,mukha at buhok ng babae na tinatawag na purdah.
CHINA
Ang pinakamahalagang papel ng babaeng Tsino ay ang magluwal o magsilang ng sanggol. Ang pagiging baog o walang kakayahan ng babae na magluwal ng sanggol ay maaring maging dahilan upang siya ay diborsyo ng kanyang asawa. Sinasalamin ang mababang antas ng babae sa kaugaliang footbinding. Ito ay ang sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki ng normal. Ang pagkakaroon ng Lotus Feet (Lily Feet) ay isinasagawa habang bata pa ang babae . Ang pagsunod sa tradisyong ito ng pagkakaroon ng maliit na paa ay nagsilbing pamantayan ng kagandahan para sa mga sinaunang babaeng Tsino sa loob ng mahabang panahon naging patunay din ito na ang babae ay dapat nasa loob lamang ng kanilang tahanan upang alagaan at suportahan ang pangangailangan ng kanyang asawang lalaki.
CONCUBINAGE (CHINA)
Isa sa kaugaliang nagpababa sa antas ng kababaihan sa China kung saan dito ay may karapatan ang mga lalaki na maghanap at kumuha ng iba pang babae liban sa kanyang asawa. Ang babaeng ay itinitira ng asawang lalaki sa kanilang bahay.

JAPAN

Sa bansang hapon naman, naging mababa din ang pagtingin sa mga babae sa kanilang lipunan. Negatibo ang pagtingin sa mga kababaihan sa bansang ito dahil ang babaeng hapon ay pinaniniwalaang may limang (5) kahinaan. Ito ay ang (1) hindi pagiging masunurin, (2) madaling magalit ang mga babae kumpara sa lalaki ,(3) masama ang tabas ng bibig , (4) madaling magselos at ang ikalima naman ay ang pagkakaroon ng mahinang ulo.
PILIPINAS
Bago sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, mayroon kalayaan ang mga kalalakihang magkaroon ng maraming asawa. Kung sakaling mahuli ng lalaki ang kanyang asawang babae na may ibang karelasyon maari niya itong paslangin. Sa aspeto naman ng paghihiwalay o pagwawakas ng pagkakatali sa kasal , kung ang lalaki ang nais makipaghiwalay sa babae maari niyang mabawi ang kanyang mga ari-ariang pag-aari bago pa man sila magsama subalit kabaligtaran naman ito sa parte ng babae kung siya ay nagpaplanong makipaghiwalay sa kanyang asawang lalaki ay wala siyang makukuha na kahit anumang pag-aari. Ang ganitong paniniwala ay naayon sa nilalaman ng Boxer Code noong sinaunang panahon sa Asya.
MGA NATATANGING KABABAIHANG PILIPINO NA MAY MALAKING GINAMPANAN SA LIPUNAN
1. Gabriela Silang Kinilala siya bilang Joan of Arc ng Ilokos dahil sa kanyang katapangan at isa sa nanguna sa pagpapatuloy ng pakikipaglaban sa mga Kastila. Siya ang asawa ni Diego Silang
2. Teresa Magbanaua Ang Joan of Arc ng Visayas.Siya ay isang guro at lider ng military na nagsagawa ng matagumpay na pakikidigma laban sa mga Kastila.
3.Melchora Aquino
“Tandang Sora” Kinilala bilang “Ina ng” Rebolusyonaryong Pilipino” at “Ina ng Katipunan at Ina ng Balintawak” dahil sa serbisyong ipnagkaloob niya sa mga rebolusyonaryong Pilipino noon.
4. Gregoria De Jesus Isa siya sa miyembro ng mga kababaihan sa Katipunan tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”
5. Marcela Agoncillo Pangunahing mananahi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas
LARANGAN NG SINING
6.Francisca Aquino Kauna-unahang Pilipino na ginawaran ng parangal bilang “Pambansang Alagad ng Sining” sa sayaw ng Pilipinas.
7. Lea Salonga Nakilala sa tagumpay sa musical na “Miss Saigon” noong 1989.
8. Helen Benitez Kauna-unahang babae na naging oangulo ng United Nations Commission on the Status of Women
LARANGAN NG POLITIKA
9. Corazon Aquino Kinilala bilang kauna-unahang babae na naging pangulo ng isang bansa sa Asya.Tinaguriang “Ina ng Demokrasya”sa Pilipinas.
10. Miriam Defensor-Santiago Kauna-unahang babaeng Pilipino na naging hukom ng International Court of Justice ng United Nations.


Gawain 1
Panuto: Unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Isa sa tradisyong sinusunod ng mga Hindu kung saan legal nilang pinapatay ang mga babaeng sanggol sa paniniwalang ito ay magiging pabigat lamang sa pamilya pagdating ng panahon na ito ay mag-asawa na.

A. Reinkarnasyon
B. Female Infanticide
C. Harem
D. Suttee

2. Ang pilosopiyang ito ay Asya ay nagsasaad na ang mga kababaihan mongha ay dapat mapasailalim at hindi papantay sa katayuan ng mga lalaking monghe.

A. Budismo
B. Judaismo
C. Sikhismo
D. Jainismo

3. Ang pilosopiyang ito ay Asya ay nagsasaad na ang kapalaran ng babae ay nakabatay sa kung ano ang magiging kasarian ng kanyang magiging anak at kinakailangang siya ay magsisilang ng anak na lalaki kundi siya ay ididiborsyo ng kanyang asawang lalaki.

A. Budismo
B. Judaismo
C. Sikhismo
D. Confucianismo

4. Ang tawag sa kayamanan o ari-ariang ibinibigay ng lalaki sa pamilya ng kanyang mapapangasawang babae sa Timog Silangang Asya ay tinatawag na ____.

A. dowry
B. bride bribe
C. harem
D. regalo

5. Ang tawag sa kayamanan o ari-ariang ibinibigay ng babae sa pamilya ng kanyang mapapangasawang lalaki sa Timog Silangang Asya ay tinatawag na ____.

A. dowry
B. bride bribe
C. harem
D. regalo

6. Ang tawag sa isang tradisyon sa bansang Tsina na kung saan ang asawang lalaki ay maari pang mag-asawa at magtira ng iba pang babae sa kanilang tahanan ay ____.

A. polyandry
B. Polytheism
C. concubinage
D. matrilocal

7. Isang tradisyon ng mga Hindu na kung saan ang asawang babae ay tatalon at sasama sa apoy habang sinusunog ang katawan ng kanyang asawang lalaki ay ___.

A. polyandry
B. Suttee
C. concubinage
D. matrilocal

8. Isang tradisyunal na gawain ng mga babaeng Tsino ay ang pagpapaliit ng kanilang mga paa bilang simbolo ng kagandahan at kanilang pang-akit para sa mga kalalakihan.

A. Lotus feet
B. Foot binder
C. concubinage
D. Foot binding

9. Sa relihiyong ito, pinahihintulutan ang mga kababaihan na magsuot ng pantakip sa kanilang katawan , mukha at buhok patunay na sa kanila’y may nag mamay-ari na at hindi na maari pang naisin ng ibang kalalakihan.

A. Islam
B. Kristiyanismo
C. Relihiyon
D. Hinduismo

10. Isang tradisyon sa India kung saan ang babaeng Hindu ay maaring maging asawa ang dalawang magkapatid na lalaki dahil sa kakulangan sa pagkain at kayamanan.

A. Femalae Infanticide
B. polyandry
C. concubinage
D. Foot binding

Gawain 2
Panuto: Unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel. (3 puntos bawat aytem)

PAALALA:

Isulat ang letrang A kung ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawa ay mali.
Isulat ang letrang B kung ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama.
Isulat ang letrang C kung ang una at ikalawang pangungusap ay parehong tama.
Isulat ang letrang D kung ang una at ikalawang pangungusap ay parehong mali.

11. Ang mga anak na babae sa pamilyang Tsino ay maaring makapag-aral .
Samantalang ang mga anak na lalaki naman ay hindi maaring magmana ng ari-arian ng pamilya.
12. Sa Timog-Silangang Asya kinakailangan munang maglingkod ng lalaki sa pamilya ng babaeng kanyang nais
pakasalan.
Matapos ang kasal, ang lalaki ay maninirahan muna sa tahanan ng pamilya ng asawang babae.
13. Legal ang pagpatay sa mga sanggol sa India mapababae man ito o lalaking
sanggol. Tinatawag itong Female Infanticide.

14. Si Corazon Aquino ay tinaguriang ina ng demokrasya sa Pilipinas.
Siya rin ang naging kauna-unahang pangulong babae sa kasaysayan ng Asya.

15. Naging tanyag sa Tsina ang pagkakaroon ng malilit na paa sa mga kababaihan.
Ang prosesong ito ay tinatawag na lotus feet.

Gawain 3
Panuto: Punan at kumpletuhin ang venn diagram sa ibaba ayon sa naging papel at gampanin ng mga kababaihan sa Asya ayon sa mga pilosopiyang ito.


GAWAIN 3
Panuto: Unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng iyong kasagutan sa mga pagpipilian sa loob ng kahon.

A. Ksatriyas (babae) E. Suttee I. Patriarchal
B. Jaya F. Boxer Code J. Female infanticide
C. matrilocal G. purdah K. concubinage
D. patni H. Buddha L. Sepoy

______________1. Ang panuntunan sa Tsina na ang lalaki ang nagsisilbing sentro at pinuno ng isang pamilya.
_____________2. Sa India ang antas na ito lamang ang may kakayahan at karapatang makapili ng kanyang nais na mapangasawa.
____________3. Sa lipunang Verdic ang asawang babae ay tinatawag na ______ o katuwanang ng lalaki sa pag-ibig.
____________4. Isang pamantayan sa tsina na kung saan ang lalaking tsino ay maaring mag-asawa ng maraming babae depende sa kanyang kakayahan at ari-arian.
____________5. Ang pagpatay sa mga babaeng sanggol ay isang legal na tradisyon ng mga Hindu tinatawag itong__________.
____________6. Ang mga kababaihang Muslim ay nagsusuot ng telang ito bilang kanilang pantakip sa kanilang buong katawan.
____________7. Kaugalian sa Timog-Silangang Asya na kung saan ang bagong kasal na lalaki ay pansamantala munang maninirahan sa puder ng asawang babae kasama ng pamilya nito.
____________8. Ang tawag ng babae sa kanyang asawang lalaki sa India.
____________9. Ang tinaguriang taong naliwanagan sa tsina at ang nagpalaganap ng budismo.
____________10. Ang babaeng Hindu ay boluntaryong sasama sa nasusunog na bangkay ng kanyang asawang lalaki bilang simbolo ng kanyang walang hanggang pagmamahal niya dito ay tradisyon sa India na tinatawag na ______________.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.