NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Ano-ano ang katarungang Panlipunan ang iyong
natatamasa at isinasabuhay?
Katarungang Panlipunan, Ipaglaban Natin
Katarungang Panlipunan o Social Justice
● Polisiya ng ating bansa.
● Kinapapalooban ng mga makataong batas para sa manggagawa, mahihirap, may
kapansanan, mangmang o maliliit.
● Pagkakapantay-pantay ng mga manggagawa at kapitalista ang layunin nito.
● Pagkakaroon ng mabuting lipunan at pagtrato sa mga tao at komunidad ayon sa
paniniwala na bawat isa sa atin ay nagtataglay ng likas na dignidad bilang tao.
● pagpapaunlad ng paggalang sa lahat ng nilalang, prinsipyo ng pangangalaga,
partisipasyon, kabutihan ng lahat, solidarity, subsidiarity, ang pagkiling sa mga
mahihirap, at ang mga may kapansanan.
Katarungang Panlipunan, Ipaglaban Natin
Iba't ibang Kilos na humahadlang sa Diskriminasyon
● Pag-iwas sa korapsyon
● Pagpapakalat ng kapayapaan sa halip na karahasan
● Paniniguro na ang mga lalaki at babae ay umuunlad ang mga kakayahan
● Ang pagpapababa sa masamang epekto ng climate change sa lahat ng komunidad
● Paniniguro na ang mga makapangyarihan ay hindi umaabuso sa kanilang
kapangyarihan
● Paniniguro na ang mga manggagawa ay binibigyang-halaga at nakatatanggap ng
magandang pagtrato
● Paghamon sa hindi makatuwirang mga polisiya ng pamahalaang nagdaragdag sa
impresyon ng ilang tao sa lipunan
Katarungang Panlipunan, Ipaglaban Natin
Ang Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao sa Paggawa
Seksiyon 1 - 3 ng Artikulo XIII, ng Salitang Batas ng Pilipinas (1987)
SEKSIYON 1.
Dapat pag-ukulan ng kongreso ng pinakamataas na priyoridad ang pagsasabatas ng mga
hakbangin na mangangalaga at mag-papatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan
at dignidad na pantao, magbabawas sa mga hindi pagkakapantay-pantay na panlipunan,
pangkabuhayan, at pampolitika, at papawi sa hindi pagkakapantay-pantay na pagkalinangan
sa pamamagitan ng pantay na pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampolitika
para sa kabutihan ng lahat.
Tungo sa mithiing ito, dapat regulahin ng estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit,
at paglilipat ng ari-arian at ng mga bunga nito.
Katarungang Panlipunan, Ipaglaban Natin
SEKSIYON 2
Dapat kalakip sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan ang tapat na paglikha ng mga
pagkakataong ekonomiko na nasasalig sa pagtitiwala sa sariling kakayahan.
SEKSIYON 3
Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksiyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat,
organisado at hindi organisado, at dapat itaguyod ng puspusang pagbibigay ng trabaho at
pantay na mga pagkakataon sa trabaho.
Katarungang Panlipunan, Ipaglaban Natin
Mga tungkuling dapat gampanan ng Artikulo XIII
● Garantiyahan ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa na matatag ng sariling
organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo o negosasyon, mapayapa at
magkakaugnay na pagkilos
● Ang mga manggagawa ay may karapatan sa katatagan ng trabaho, makaranas ng
makataong mga kalagayan sa trabaho, at sapat na sahod
● Makabilang sa mga proseso ng pagbabalangkas ng mga patakaran at pasiya na may
kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo na itinadhana ng batas
● Itaguyod ang maayos na hatian ng pananagutan sa pagitan ng mga manggagawa at mga
employer
● Maisulong ang katiwasayan ng industriya na kinabibilangan sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng anumang hidwaan
Katarungang Panlipunan, Ipaglaban Natin
Prinsipyo ng International Labor Organization (ILO) ukol sa
pinakamahahalagang karapatan ng mga manggagawa:
1. Karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa panghihimasok ng pamahalaan at
tagapangasiwa
2. Makipagsundo bilang bahagi ng isang pangkat sa halip na mag-isa
3. Ang sapilitang trabaho ay ipinagbabawal, lalo na ang mapang-aliping trabaho at
trabahong pangkulungan.
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabaho para sa kabataan
5. Bawal ang lahat ng anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na sahod.
6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga
manggagawa. Kabilang dito ang kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang
panganib at ligtas.
7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong
pamumuhay.
PANUTO: Tukuyin kung ang isinasaad ng pangungusap ay paglabag sa karapatang
panlipunan Piliin ang Paglabag kung nagpapakita ng paglabag, at Hindi naman kung di
nagpapakita ng paglabag.
1. Taon-taong nakatatanggap ng mid-year bonus ang mga guro sa pampublikong paraalan.
2. Pinagalitan sa publiko ng isang traffic violator ang isang traffic enforcer dahil
nagasgasan ang kotse nito habang hinihila ang sasakyan nito.
3. Nagtitinda si Binibining Miranda ng papel sa kaniyang klase nang doble sa presyo nito.
4. Ang mga manggagawang ng factory ng tela ay hindi binibigyan ng pagkakataong maging
regular sa trabaho.
5. Pinaalis sa gilid ng kalsada ang mga street vendor ng mga traffic enforcer.

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
-Dr. Jose Rizal
Responsableng Kasapi Tayo ng Pamayanan
1. Anong ang iyong interprestasyon sa kasabihan?
2. Batay sa iyong obserbasyon, maituturing bang pag-asa ng bayan ang mga
kabataan?
3. Ano-ano ang indikasyon na ang isang kabataang tulad mo ay isang
responsableng kasapi ng pamayanan?
Responsableng Kasapi Tayo ng Pamayanan
Ang nasyonalismo ay matinding pagmamahal sa bayan. Ang katangiang
ito ay sumasailalim sa mga bayaning Pilipino na nanindigan at
nakipaglaban upang mapanatili ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino at
mapanili ang ating kalayaan.
Responsableng Kasapi Tayo ng Pamayanan
Mga Indikasyon ng Pagmamahal sa Bansa at Pagkamakabayan
● Pagkanta nang maayos ng Lupang
Hinirang
● Pagpunta at pagmamalaki sa
magaganda at makasaysayang pook ng
Pilipinas
● Pagsunod sa batas ng pamahalaan
● Maging magalang sa opinyon ng ibang
tao
Responsableng Kasapi Tayo ng Pamayanan
Mga Indikasyon ng Pagmamahal sa Bansa at Pagkamakabayan
● Paggalang sa iba't ibang relihiyon
● Pagmamahal sa sariling wika
● Pagtangkilik at pagbili ng produktong
gawa sa ating bansa
● Pagsunod sa kulturang kinagisnan ng
ating mga magulang

Mga Palatandaan na ang isang Gawain o produkto ay may kalidad
Kagalingan
Ayon sa mga sikolohista, ang hangarin ng isang tao na maging magaling ay nagmumula sa
kaniyang kalooban. Minsan, nagmumula rin ito sa kapaligiran, tulad ng isang mag-aaral na
naghahangad na maging magaling upang bigyan ng kaligayahan ang kaniyang magulang o
guro.
Ang pinakamalaking ambag sa tagumpay ng programang nagtataas ng kalidad ng
kompanya ay ang mga personal na katangian ng mga manggagawang gumagawa ng produkto
at paglilingkod. (Ayon kina Peters at Austin, 1985)
Paggawa at Paglilingkod, Paghusayan Natin
Ano ang kaibahan ng kagalingansa pagiging
malikhain?
Paggawa at Paglilingkod, Paghusayan Natin
KAGALINGAN
MALIKHAIN
● Isang gawi o katangiang bahagi na ng
ating mga kakayahan (Aristotle).
● Produkto ng pagsisikap, pagtitiyaga,
pagtitiis at hindi natitinag na hangaring
isagawa ang binabalak gawin, na kapag
nakita ito ay maaaring igalang, hangaan,
at gawing inspirasyon (Bakare Moses).
● kakayahang makabuo o makakilala ng
mga ideya, alternatibo, o posibilidad na
maaaring magamit sa paghahanap ng
sagot sa mga suliranin, pakikipag-
ugnayan sa iba, pag-aaliw sa sarili at iba
pa (Franken: 1993).
Paggawa at Paglilingkod, Paghusayan Natin
Tatlong dahilan upang maging masigasig sa pagiging
malikhain ayon kay Franken.
1. pangangailangan sa bago, kakaiba, at masalimuot na
pampagising
2. pangangailangan upang ipahayag ang mga ideya at
pagpapahalaga
3. pangangailangan sa pagbibigay ng solusyon sa problema
Paggawa at Paglilingkod, Paghusayan Natin
PANUTO: Pagnilayan ang mga salitang ito ni Dr. Josette T. Biyo tungkol sa
pagkakaroon ng kagalingan sa paglilingkod o sa paggawa.
“Ang pagiging world class ay hindi nangangahulugan ng pagpunta sa ibang bansa at ipakita
ang ating kagalingan doon. Ang pagiging world class ay ang matinding hangarin at pag-aalay
ng sarili sa ating propesyon. Ang pagiging world class ay ang pagbibigay ng ating kagalingan
sa pagtuturo. Ang pagiging world class ay nagsisimula sa ating silid-aralan.”

Sagutin ang sumusunod:
1. Magbigay ng isang sitwasyon na nagpapakita ng kasipagan, pagpupunyagi, o wastong
pamamahala ng naimpok na nagbunga ng kabutihan.
2. Naisasabuhay mo ba ang mga katangiang ipinakita sa bawat larawan. Ipaliwanag ang
sagot.
3. Ano-ano ang indikasyon na ang tao ay nagpapakita ng mga pagpapahalaga upang
magtagumpay sa kaniyang mga gawain?
Mabubuti Nating Katangian, Para sa Magandang Kinabukasan
Ang Kasipagan, Pagtitiyaga, at Pagpupunyagi
Ang kasipagan ay ang natural na kilos ng sipag. Samakatuwid, ang taong masipag ay hindi
batugan.
Ang pagpupunyagi ay nangangahulugang maalab o walang humpay sa pagsusumikap o
determinasyon. Ito ay may layuning nagmumula sa kalooban ng isang tao na gumagabay sa
kaniya upang maging masigasig sa anumang pagsubok na dumating.
Mabubuti Nating Katangian, Para sa Magandang Kinabukasan
Bakit madalas na napagpapalit ang kahulugan ng salitang
pagtitiyaga at pagpupunyagi?
Mabubuti Nating Katangian, Para sa Magandang Kinabukasan
Tunghayan ang pagpapakahulugan ni Talha Tasfeen Qayumm sa
pagtitiyaga at pagpupunyagi.
Ang pagtitiyaga ay pagpapatuloy ng anumang gawaing pinagplanuhan at dapat matapos sa
gitna ng mga pagsubok. Bunga ng pagtitiyaga, ang tao ay nagkakaroon ng inspirasyong
magpatuloy at dagdagan ang alab ng anumang gawaing balak niyang tapusin.
Ang pagpupunyagi ay mayroong ningas o pangmatagalang pagsusumikap, tulad ng hangaring
maabot ang pangarap.
Mabubuti Nating Katangian, Para sa Magandang Kinabukasan
9
MGA MUNGKAHI UPANG
MAPANATILING
MATIYAGA AT
MAPAGPUNYAGI
Tanungin ang sarili: "Ano
ang kapakinabangan nito
sa akin?"
Gumawa ng mga
alternatibong bagay
Tanggapin na hindi mo
kontrolado ang lahat ng
bagay
Isipin na ang mga
nakaharap mong mga
pagsubok ay hindi
permanente
Pangalagaan ang sariling
kalusugan
Mabubuti Nating Katangian, Para sa Magandang Kinabukasan
Mga Dahilan ng Pagtitipid at Pag-iimpok
● Tugon para sa hindi inaasahang pangangailangan
● Pagreretiro
● Ang Hindi Permanenteng Social Security
● Edukasyon
Mga Tip sa Pagtitipid:
● Itago ang anumang perang dumating nang hindi inaasahan
● Mag-ipon ng mga barya at deposito sa bangko
● Itigil ang nakagawian
● Itago ang perang laan sa baon sa pagkain
● Magkaroon ng "linggong walang binibili"
● Ikumpara ang presyo ng mga malaking bagay bago bumili
● Gumamit ng mga kupon
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.