NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Ang Susunod na Sampung Taon: Paglingon sa Nakaraan, Pagtanaw sa Hinaharap

Noong bata pa ako, walang kasiguraduhan ang aking hinaharap ngunit ako ay nakapagdesisyon sa aking pangarap dahil sa isang sugat. Sugat na noon ay nag-iwan sa akin ng marka. Markang nagpapaalala sa isang sitwasyon kung saan ako namangha at nakakuha ng inspirasyon magpatuloy sa aking tinatahak na daan ngayon. Isang daan patungo sa isang propesyon na hindi ko gannon binibigyang atensyon noon. At yun ay ang pag-dodoctor at pagkuha sa kursong medisina. Paano nga ba nagsimula ang pagkakaroon ko ng interes sa propesyong ito.

Bata pa lang ako nakita ko na ang pagtratrabaho ng mga tao sa loob ng ospital. Nurse kasi ang mama at dating doctor naman ang mga lolo at lola. Noong una, ayaw ko sa loob ng ospital dahil sa amoy nito at dahil sa bawal doon ang mga bata. Kaya naman madalas din kaming pagbawalan sa pagpunta doon. Ngunit, isang araw habang nanonood kami ng TV, nagutom ako at napagpasyahang kumuha ng meryenda. Ngunit sa pagkuha ko ng inumin(coke), nadulas ito sa aking kamay at bumagsak sa aking mga paa. Marami akong dugong nakita, na noong una akala ko ay coke lang din, pero nang makita ng ako ng lolo, dali- dali niya akong pinabuhat sa kanyang kakilala at sinakay sa sasakyan. Nakakatawa kasi matanda na ang lolo ko pero napagmaneho niya ako patungo sa ospital. Nang madala ako roon, madali akong naihiga ng mga nurses sa kama at tinawag ang doctor. Doon ako natakot dahil nakita ko yung mga gamit nila. Pinahiga ulit ng makitang nilang nakaupo ako. Hinarangan nila ng tela ang kalahati ng katawan ko nang sa gayon hindi ko makita ang gagawin nila. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtratrabaho nila, Nakita kong may tapal na ang aking sugat at natahi na nila ito. Nakakapagtaka na natapos nila iyon ng wala akong naramdaman na sakit habang ginagamot nila ito. Namangha ako pero bago ko pa sila makausap, nakaalis na sila at papaalis na kami. Makalipas ng ilang araw, nalaman kong dating mga doctor ang lolo at lola ko. At ang bahay naming sa Pinamalayan ay minsan na ring naging ospital. Marami silang naging kwento tungkol sa bawat kwarto sa bahay at dahil na rin sa pagtatanong, nalaman ko ang sarili ko na nagkakaroon ng interes sa science at sa iba pang bagay na nakakapagpalawak sa aking kaalamanan dito. Natutuwa rin ako sa panunuod ng mga medical dramas at pagkakaroon ng kaalamanan sa mga bagay na patungkol sa medisina. Gusto kong makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng paggagamot at gusto kong magtrabaho ng kalmado sa harap ng pasyente katulad ng doctor na gumamot sa akin noon. Kaya naman pinag-iigihan ko na makapasa at mas may matutunan sa paaralan nang sa gayon makamit ko ang aking pangarap. Sampung taon mula sa araw na ito, nakikita ko ang aking sarili na nakapagtapos na bilang isang doctor ngunit nag-aaral pa rin para makamit ang inaasam na espesyalisasyon sa pagdo-doktor. Nagtratrabaho na ako sa isang ospital at sumasailalim sa pagsasanay para sa pagsasakatuparan ng espesyalisasyon na kukunin. At sa aking pagtratrabaho, sa pagseserbisyo sa iba, binibigyan ko rin ng suporta ang aking pamilya. Nagsisimula na akong mag-ipon para mabigyan ang mama ko ng Bahay at patuloy na bigyang suporta ang aking kapatid. Sampung taon mula ngayon nakikita ko ang sarili ko na patuloy na natututo habang tumutulong sa ibang tao at sa pamilya ko.

Ang medisina ay hindi madali, pero magtatagumpay ang isang tao sa pagkamit nito kung siya ay hindi susuko at mas lalong palalakasin ang loob at magkaroon ng buong determinasyon. Mahalaga ang mga pinagdaanan at pagdadaanan, at kailangan lang natin maging handa para sa mga ito. Sa aking opinyon, magtatagumpay ang isang tao sa pagkamit ng kanyang panagarap kung pahahalagahan niya ang kanyang patuloy na paglalakbay at hindi iniiwasan ang pagtuto at muling pagtuto ng mga bagay na minsan o kadalasan nating makasalamuha.
     
 
what is notes.io
 

Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.