NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang
magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang
araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame
bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang
itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa
trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya
ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire,
ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na
agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang
kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood ang kaniyang
inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo,
dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodona bumalik sa Notre Dame na kasama siya.

Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni
La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa
kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang
sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan
ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya’t
nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad
ng hari sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.
Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat
ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa
pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa
siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang
buhay ni Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng
palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng
bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng
kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollona kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit
na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa
kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila
bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay lapastanganin at
pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya.
Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda.
Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating
mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon
na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat
ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni
Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si
Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig
ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala.
Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng
matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La
Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang
itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga
at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan
niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap
ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit
mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa
pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay
nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at
ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at
magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni
La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi
siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa
maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo
ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas
sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at
tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si
Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang
tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang
katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na
hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong
sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda
sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling
ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para
kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging
magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw –
sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La
Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng
mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.
Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo,
sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang
pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda
ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang
dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid
nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas
na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago
mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang
tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo
ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya
sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon
pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan
si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot
na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya.
Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang
minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga,
sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal.” Mula noon, hindi na
muling nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng
puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang
katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.