Notes
![]() ![]() Notes - notes.io |
Ang Lipunan ay isang pook na binubuo ng mga pangkat ng tao na may iba’t iba o magkakaugnay na kaugalian, tradisyon o pananaw. Ayon kay Emil Durkheim, ang lipunan ay walang tigil at nagbabago. Ibigsabihin, sa paglipas ng panahon ang lipunan ay patuloy na nahuhubog at nagbabago. Ayon rin sa kaniya, nagkakaroon lamang ng lipunan kung ang mga tao ay sama-samang naninirahan sa iisang pook. Ang bawat tao sa lipunan ay may kaniya kaniyang gampanin.
Ang Kultura ang nagsisilbing pagkakakilanlan sa isang lugar. Ang kultura ay isang kolektibong katangian ng mga tradisyon, paniniwala, pag-uugali, sining, batas na nakagisnan, kaalaman at nakasanayang gawin ng bawat isa na taglay ng isang pamayanan.. Sinasabi na ang kultura ay itinuturing na kaluluwa ng isang bansa sapagkat ito ang nagiging batayan ng bawat kilos ng mamamayan. Nabubuo ang isang kultura upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal sa isang particular na lugar. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito
Ang Wika ay ang sentro ng Lipunan. . Ang wika ay balangkas na pinagmulan ng isang tao sa lipunan, taong may wikang kinalakihan at nakasanayan, taong nagmula sa isang lipunan na may wikang nadatnan at may kultura at tradisyon na nakagisnan. Ito ang ginagamit ng tao sa loob ng lipunan upang makipag ugnayan (Sapir, 1949). Wika ang siyang ginagamit ng mga tao upang makipag kalakalan at magkaroon ng esensya sa pakikipag kapwa. Naiimpluwensyahan ng wika ang mga lipunang pinagmumulan ng mga tao sapagkat ang wika ay nabuo para sa lipunan at ang lipunan ay nabuo mula sa wika. Ang wika ay importante sa isang lipunan dahil ito ang nagpapanatili ng kaayusan dahil kung wala ang wika, magdudulot ito ng kaguluhan sa lipunan. Ito rin ang ginagamit upang makilala ang panlipunang identidad at pagtukoy sa antas ng lipunan. Ang bawat salita sa isang komunidad ay nasasalamin ang iba’t ibang uri ng kultura at lipunang kinabibilangan at ginagalawan ng isang indibidwal. Sa isang lipunan nabubuo ang kultura at ito ay sa pamamagitan ng wika. Ang wika at kultura ay hindi maaaring mapaghiwalay dahil ito ay mahalaga upang magkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ang bawat tao sa lipunan. Bakit hindi maaaring mapaghiwalay ang wika at kultura? Sapagkat ang wika ang nag uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ayon kay Salazar 1996, ang wika ay ang batis-ipunan ng isang wika at salukan ng kaisipan. Ito rin ang daluyan ng kultura at pagsasakultura.
![]() |
Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...
With notes.io;
- * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
- * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
- * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
- * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
- * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.
Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.
Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!
Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )
Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.
You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;
Email: [email protected]
Twitter: http://twitter.com/notesio
Instagram: http://instagram.com/notes.io
Facebook: http://facebook.com/notesio
Regards;
Notes.io Team