NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

ESP
pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).

dating lesson. KAHALAGAHAN ng
--kapwa, kaibigan, pamliya = sila ang tutulong saatin sa mga panahon na hindi natin kaya, sila ay nakakaimpluwensya


@ papel na ginagampanan ng tao sa lipunan.
- "walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang" na nangangahulugan na kailangan natin ang bawat isa upang mabuhay. katulad lamang sa utos ng panginoon mula sa bibliya na paglingkoran ang bawat isa gaya nang paglilingkod naitn sakanya, sinabi din sa ibang pahina nito na mahalin ang bawat isa.
- "no man is an island"
MAKIBAHAGI AT MAMUHAY SA LIPUNAN / ANG BUHAY NG TAO AY PANLIPUNAN = ang bawat desisyon, gawa, o kilos ng mga tao sa lipunan ay magkakaugnay sa bawat mamamayan nito.

TANDAAN
1. bawat tao sa lipunan ay may iisang layunin
2. pamilya ang pundasyon ng lipunan (at alam natin sa paggawa ng mga bagay bAgay o konstruksyon, pag maganda ang pundasyon, maganda ang kabuoan)
3. common good ay ang kabutihan pang lahat
-- epekto ng kabutihang panlahat: a. paggalang sa indibidwal na tao, b. tawag ng katarungan, c. kapayapaan o peace
-- hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat: a. nakikinabang sa benepisyo, b. indibidwalismo, c. nalalamangan ang pakiramdam
----kundisyon upang makamit ang kabutihang panlahat: makakilos nang malaya, karapatang pantao, mapaunlad ang sarili.


@ dahilan sa pamamahagi sa komunidad
1. walang perpekto
2. likas tayo sa pamamahagi ng kaalaman at pagmamahal
3. kakulangan mula sa materyal na kalikasan.


Sektor ng Lipunan
1. Paaralan
- Nagbibigay ng edukasyon sa mga mamamayan na nasasakupan
nito.
2. Pamilya
- Pinakamaliit na yunit ng lipunan. Ito ang pinakamaliit na yunit ng
lipunan dahil dito tayo unang nahuhubog at sila ang unang grupo
ng tao na una nating nakakasama.
3. Simbahan
- Tumutulong ito upang lumalim ang pananampalataya ng
mamamayan dito.
4. Pamahalaan
- Tumutulong sa mga tao sa loob ng lipunan na masiguro ang
kaligtasan at maibigay ang tulong sa bawat isa.
5. Negosyo
- Kumakatawan sa kaunlaran ng isang pamayanan at tumutulong
sa pangangailangan ng bawat isa.


Lipunan
- Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugan na lipon
na nangangahulugang pangkat.

- Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay patungo sa
iisang layunin o tungunihin.

- Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi
naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging
katangi-tangi ng mga kasapi.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ESP 9

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan o pangkat
3. Ang kapayapaan (peace)

Ang Pamayanan: Isang Malaking Barkada
-Pinagsama-sama sila ng kanilang kinatatayuang lugar

<><><><><><><><><><><><><><><>

-Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan
-Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at paunlarin ang kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura

Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan
》Tradisyon
》Pamamaraan ng pagpapasya
》Mga hangaring pinagbabahaginan sa paglipas ng panahon
》Nakasanayan

"Habang lumalaki ang pangkat, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat."

-Bagamat tayo ay may pagkapare-pareho tayo sa ating mga kaibigan, mayroon din tayong pagkakaiba-iba at maaari itong maging sanhi ng mga 'di pagkakaintindihan.


Pampolitika
-Paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat.
-ito ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat, ito ang pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
"katulad ng isang pack ng wolves, madaming ambisyon, madaming gustong kainin, ngutnit kung mapapansin, parabang coordinated sila. dahil yan tinatawag na leader. sa isang pack of wolves merong tinatawag na leader na siyang nagbibigay ng command sa mga kasam niya upang maayos at iisa ang galaw nila." "parang sa school natin o sa section, merong president, vice president, secretary, na ang trabaho ay pamunuan tayo sa kabila ng pagkakaiba iba natin, maging isa tayo sa kabila ng pagkakaibaiba natin.
<><><><><><><><><><><><><><><>

"Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala."

Lipunang Pampolitika

》Pamahalaan
》Lipunan
》Mamamayan
》Tungkulin

Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity

Prinsipyo ng Subsidiarity
-Ito ay tumutukoy sa pagtitiwala sa kakayahan at malayang pagkilos ng maliliit na elemento ng lipunan na gampanan ang kanilang tungkulin
-pagtulong ng pamahalaan sa mamamayan nito
-pagbabahagi ng yaman
-pagaayos ng sistema ng edukasyon
-at iba pang sektor na kinakailangan ng mamayan

Prinsipyo ng Solidarity
Ayon dito, ang bawat tao ay may tungkulin at pananagutan sa bawat isa. Ang pagkakabuklod ng mga tao ay maipapakita sa pamamagitan ng pag-alala sa kapakanan ng ibang tao at paggalang sa kanilang mga karapatan.
magkakaiba iba ang mga tao, kung kaya isa ito sa mga kinakaharap ng lipunan upang magign produktibo tayo sa kabila ng pagkakaiba iba natin


kabutihang panlahat ang boss ng lahat, isipin mo bawat desisyon mo, makabubuti bato, kung oo kanino, para sa lahat ba? kung oo ituloy mo, kung hindi, ulitin mo ulitin mo, ulitin mo, humanap ka ng paraan na kung saan yang desisyon mo, makabubuti para sa lahat.



sa pagkakapareho ay nakukuha natin ang
pagkakaiba - isa/sanhi ng kaguluhan
pagkakapareho - pamayanan


isang pamayanan na iba iba ang pinaggalingan, katayuan sa pamayanan, ngunit nakapagtutulugnan parin sila sa kabila nito, makikita natin ang subsidarity
tinuturo na ang paggawa ng kabutihan ay parang domino effect, na kung saan magsisimula sa isang tao at mapapasa to sa ibat ibang tao. kaya tinuturo sa mga bata na gumawa lagi ng kabutihan kahit bata palamang kasi minsan, bata pa yung nagiging dahilan sa pagusbong ng kabutihan.
at ang pagtulong ay wala sa katayuaan ng isang tao


#pamayananbilangmalakingbarkadahan
#dominoeffect
#unityindiversity
#ang pamahalaan ay may tungkulin sa mamamayan

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

economics - greek o oikonomia = (oikos(bahay) at nomos(pamamahala))
- pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay natutustusan ang basic needs. PINANGUNGUNAHAN NG estado sa pangangasiwa sa patas na pagbabahagi ng yaman sa bayan. {ngunit para saakin, hindi natin maituturing ito na panlahatan, para saakin lang naman, dahil nga sa mga nababalitaan natin noon, katulad po ng pork barrel scam, nakung saan imbis na pondo ng bayan, napupunta sa mga corrupt. nangangahulugan na hindi patas ang pagbabahagi ng yaman sa bansa.}

sinabi dati na lahat ng tao ay pantay pantay pero bakit ngayon sinasabi na may mga nakababa - in spritual level sir yes, lahat ng tao pantay pantay sa paningin ni god, pero in reality, may mga tao talagang nakakanagat, mga politiko, milyonaryo, bilyonaryo, trilyonaryo, mga mayayaman, meron din nakababa, mga nasa poverty line. and that is based on their socdio economic status.

"ang paglago ng ekonomiya ay makikita sa pag taas ng antas ng kakayahan ng isang lipunan na makapagbigay ng ibat ibang produckto at serbisyo."

1. mas maraming magkakarron ng trabaho
2. maiaangat ang mga pamilya na nasa poverty line, mas makakayanan nila na matugnuan yung needs nila and wants.
3. magiginhawaan sa buhay

"ang ekonomiya ay may direktang epekto saiyo"
- halimbawa ngayon, bumagsak ang ekonomiya kasi bumaba ang mga taong nag tratabaho, mapapansin natin ito kasi tignan natin yung hapag kainan natin, hindi mawawala ang isang linggo kunng walang sardinas, walang delata, walang itlog. o kung hindi mo naman ito nararanasan, ibig sabihin nakakapag trabaho ang iyong magulang o sa madaling salita maswerte ka.



#ang ekonomiya ay may direktang epekto saiyo

dahil sa pandemya, bumaba ang ekonomiya ng pilipinas, na nangangahulugan na madaming nawalan ng trabaho, madaming bumaba ang antas ng pamumuhay, madami ang walang makain sa pang araw araw, madaming hindi makabili ng pangangailangan at kagustuhan, bakit? kasi nawalan si la ng kabuhayan. pero makikita natin na unti unti ng nagbabago ang mga kaganapan, nakita natin ang pagkilos sa mga pananagutan ng pamahalaan sa kanyang mamamayan, ang pagbibigay ayuda at vaccination, nakakakita tayo ng mga ways na ligtas at kikita pa tayo katulad nalamang ng online selling.


ang mga videoclips ay mga balita tungkol sa kalagayan ng bansa natin sa panahon ng paghaharap nito sa pandemya.

pareho silang nag papakita ng mga hamon na kinakaharap ng ating ekonomiya

ang unang video clip ay nagpapakita ng recession o pagbaba ng kalagayan ng ating bansa sa loob ng pandemya, ipinapakita nito na karamhian ay bumababa ang antas ng pamumuhay, ang iba ay hindi makakain, nagkakasakit, at dahil ito sa walang makuhanang income ng pera para sa sarili at pamilya. ang pangalawang video clip ay nagpapakita ng pagbangon ng mga tao sa kabila ng kanilang pagkahulog o pagkabagsag sa paghaharap sa pandemya.


lipunang pang ekonomiya

be thankful, for everything, maliit man na bagay or malaki, gusto mo man yung nagyari or hindi, lalong lalo na ngayon, in this time of pandemic napaka blessed na nakakapag aral tayo, learning is really important for our future, that fact that we are able to learn despite the pandemic so online, its really nice, but the thing is there are students children na hindi nakakapag-aral, they cannot afford to buy gadgets and minsan tayo gusto pa natin palit ng palit ng gadget habang yung iba wala. so i think we should be thankful and maging content sa anong situation meron tayo, because remember may nahihirapan saatin.

huwang tayong magdadalawang isip na tulungan ang kapwa, sapagkat sabi ni lord, ano man ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin kay jesus.



lipunang sibil - tumutukoy sa mga indibbidwal na kusang loob na tumutulong sa mga tao ng walang kapalit. matugunan ang pangangailangan ng kapwa pilipino.

halimbawa ng lipunang sibil
- simbahan - tumutugon sa pangangailangan ng moral at spiritwal na buhay
- party list groups - kumakatawan bilang representatibo sa mga tao na tumutulogn sa pangangailangan ng mgamamamayan na may kinaukulang sektor
- media - pangunahing inaasahan ng mga tao na makakapagbigay ng ibat ibang impormasyon, entertainment, kaligayahan, at iba pa.
- samahang sibil - grupo ng mga mamamayan na may pare parehong adhikain, nagaambag ng sariling pero upang makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan. ginagawa nila ito sa ngalang ng pagagapay sa kanilang kapwa


palatandaan ng isang lipunan na maayos at sibil
social justice - walang discriminasyon sa mga tao at kinikilala ang bawat batas sa bawat mamamayan
economic valiability - umuunlad ang ekonomiya at nararamdaman ito ng bawat mamamayan
social cooperation - nakikita ang aktibong pagsali ng mga mamamayan sa proyekto ng pamahalaan
environmental care - kaayusan sa paligiran
kapayapaan - kapanatagan ng isip at kalooban ng mga mamamayan
pagkakapantaypantay sa tungkulin at karapatan - pantay na pagtingin sa bawat mamamayan
     
 
what is notes.io
 

Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.