NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

nung bata ako, at siguradong pati kayo, hilig kong maglaro sa ilalim ng ulan
tatakbo sa labas kasama ang aking mga kaibigan
paunahang makahanap ng malalim na baha,
mga damit naming nagsisimula nang mabasa
at ang nanay kong hinahabol ako, sigaw nang sigaw
at ako na sigaw nang sigaw na ako si Zeus at hawak ko ang mundo
ako ang may kontrol ng bawat kidlat, ulap, at patak ng ulan
lahat yon, napapaikot sa aking kapangyarihan.
ganyan ang tingin ko noon sa sarili ko kapag nasa ilalim ako ng ulan
ako ang pinakamalakas, lahat kaya kong labanan.

pero ngayon,ayoko na sa ulan
hindi lang dahil nawawalan na ko ng kaibigan
bukod din sa tumatanda na ako
at nawawalan ng gana sa mundo
ang totoo, ang ulan
ay masyadong maraming dalang katanungan
na kung katulad ba ako ng ulap
na punong puno na at di na kayang magsumikap
kaya't susuko at luluha na naman
hanggang bukas? siguro hanggang wala nang maramdaman
maiipon,mapupuno hanggang sa mapunit
walang nagbabago, walang nangyayare, paulit ulit.

o katulad ba ko ng mga dahon at halaman
di alam kung hanggang kelan kakapit sa pinang galingan
kung kaya ko na bang sumulat ng sarili kong kwento
o hindi pa,kaya't aasa muna sa sustento
kaya ko na bang talakayin ang mundo sa sarili kong mga paa
bumuo ng sarili kong mga pakpak,gaya ng laging tinatanong ng aking ama
magagaya ba ko kay Icarus at mahuhulog sa sarili kong patibong
at mapipilitang tanggapin sa sarili na hindi ko na kayang higitan yon

ayoko na sa ulan,pinapaalala saken ang paglipas ng panahon
na ilang taon mula ngayon,ako na ang bahalang magdesisyon
na ang buhay ay hindi na pabilisan maghanap ng malalim na baha
siguro kailangan ko na rin tanggapin sa sarili ko
na hindi ako si Zeus, at hindi ko kaya lahat ng ito
pano kung mabigo ako?
pano kung matalo?
pano kung matulad ako sa ulap at di na kayaning tumahan?
pano kung isa pala akong dahon na di na makakaalis sa pinang galingan?

ang dilim, napakadilim, at ang lakas ng ulan
rumaragasang hangin, nagpupumilit pumasok sa aking pinagtataguan
pero napaisip ako,
pano kung ang buhay nga pala talaga ay pabilisan humanap ng malalim na baha?
dahil sa bawat baha, doon tayo natututong bumangon sa bawat pagkadapa?
na normal lang ang dahan dahan o biglaang pagkabasa ng ating kapaligiran
dahil kung palaging mainit,di tayo matututong umuwi at bumalik sa pinang galingan
at oo,maaaring hindi ako si Zeus at di ko kayang pasanin ang mundo
pero kaya kong kontrolin ang bawat kidlat, ulap, at patak ng ulan sa aking sariling mundo.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.