NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

AP GROUP 4 SCRIPT

INTRO: MAGANDANG UMAGA SA LAHAT! KAMI ANG PAGKAT 4 SA AP REPORTING
next slide
ITO ANG AMING MGA PAKSA
next slide
MAG SIMULA TAYO SA MONOPOLYO NG TABAKO
Si Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang namuno sa pag tatag ng Monopolyo ng Tabako
Itinatag ito noong Marso 1, 1782 upang mapataas ang kita ng pamahalaang kolonyal.
BAGO TAYO MAGPATULOY ALAMIN MUNA NATIN ANO ANG TABAKO AT MONOPOLYO
Ang tabako ay halaman na tinatanim, at kung pwede na ito anihin, pinatutuyo o binibilad (dry) pagkatapos, ito ay dumadaan sa ibat ibang proceso katulad ng pagbabalot, pagdudurog para gawing sigarilyo (cigarette)
Ang monopolyo namann ay sistemang pagkontrol o pag angkin ng isang partido. Halimbawa sa produkto katulad ng tabako at noon, ang pagtatanim, pag-aani at pagkakalakal sa tabako ay kontrolado lamang ng Pamahalaan o Government
next slide
Ang plano ay alamin ng pamahalaan ang mga lugar sa bansa kung saan ang mga magsasaka ay hindi magtatanim ng ibang pananim maliban sa tabako.
Sila ay humanap ng lugar sa bansa kung saan tabako lang ang pwede itanim dito at Ang pamahalaang Espanya lamang ang eksklusibong bibili ng produkto
Napili nila ang lambak ng Cagayan, ang probinsiya ng Ilocos, Nueva Ecija, at Marinduque para sa adhikaing ito sa kadahilanang ang lupa sa mga lugar na nabanggit ay mainam para sa pagtatanim ng tabako. Ang quality ng lupa sa mga lugar na ito ay maganda para magtanim ng tabako
Hindi nagtagal ay pinalaki ng monopolyo ng tabako ang kaban ng pamahalaan.
Mula sa netong kita na nagkakahalaga ng $500,000 noong 1808, tumaas ang kita ng monopolyo bawat taon at umabot hanggang $3,000,000 noong 1881.
Dahil sa monopolyo ng tabako, ang Pilipinas ang naging pinakamalaking tagagawa ng tabako sa Asya.
Sa mga pagtatanghal sa iba't ibang bansa, kinilala ang tabako mula sa Pilipinas bilang pinakamahusay sa mundo.
Sa kasamaang-palad, itinuro rin ng monopolyo sa mga magsasakang Pilipino ang mamuslit.
Binibili ng Espanya ang kanilang produkto sa napakababang halaga.
At para mas kumita palihim o pa sekreto na ipinagbibili o binebenta ng mga Pilipinong magsasaka ang kanilang tabako sa mga Tsino sa mas mataas na halaga.
-Ipinagkait din ng monopolyo ang pagkakataon sa mga magsasaka na makapagtanim ng mga pananim kung saan kikita sila. Dahil tabako lang ang pwede nilang itanim.
next slide
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Ang Pilipinas ay naging kolonya ng United States sa loob nang halos kalahating siglo o half a century or 50 years
Sa panahong ito, nagpatupad ang pamahalaan ng America ng mga reporma, reform o plano na bumago sa lipunan o society ng Pilipinas.
Ito ay ilan sa mga ipinakilala o itinatag ng mga Amerikano sa mga Pilipino.
Demokrasya: Ipinakilala ng mga Amerikano ang demokrasya sa mga Pilipino Ang demokrasya ay isang sistema ng pamahalaan na kung saan ang mga mamamayan ng estado ay may awtoridad na pumili ng mga tao na mamumuno sa bansa.
Pampublikong sistema ng edukasyon: Nagtatag sila ng pampublikong sistema ng edukasyon o public education system at unti-unti ay sinanay ang mga Pilipino para sa sariling pamamahala nito.
Market economy o ekonomiya: Sa ilalim ng mga Amerikano, nagsimulang umiral ang market economy sa bansa. Mas dumami ang oportunidad na pang ekonomiya. Tumaas din ang bilang ng mga Pilipino na kalahok sa pakikipagkalakalan nang tingi o retail kagaya ng grocery, department stores o iba pa at dumami rin ang iba pang negosyo.
May mga umusbong na bagong industriya gaya ng komersiyal na pagbabarko, transportasyon, telekomunikasyon, kalakal at komersiyo, pagtotroso, pagmimina at pagbabangko at pananalapi
Ang pamamahala sa mahahalagang industriya gaya ng palingkurang-bayan ay nanatili sa kamay ng mga Amerikano. Bilang pinuno ng kolonya, sila pa rin ang namamahala sa pambansang ekonomiya
next slide
Ang sumusunod ay ilan sa mga batas na ipinasa ng Kongreso ng United States na nagpabago sa anyo ng ekonomiya ng Pilipinas noong Panahon ng Amerikano
next slide
KASUNDUAN SA PARIS (1898)
next slide
Digmaang Pilipino-Amerikano: Pinagtibay ng Senado ng Kongreso ng United States ang Kasunduan sa Paris matapos maganap ang digmaang Pilipino-Amerikano.
Malayang kalakalan: Sa pamamagitan ng kasunduan, patuloy na nakalahok ang Espanya sa malayang kalakalan o trade sa Pilipinas hanggang 1908.
Yaman ng bansa: Bukod dito, binigyan din nito ng pantay na karapatan ang mga Espanyol at Amerikano na gamitin ang likas na yaman ng bansa.
-Naghintay pa ang United States ng sampung taon bago ito nakapagpasa ng batas sa kalakalan na eksklusibong papabor sa pang-ekonomiyang interes ng America
next slide
BATAS PAYNE-ALDRICH (Payne-Aldrich Tariff Act of 1909)
Ang Batas Payne-Aldrich Tariff Act of 1909 ang unang batas sa kalakalan na ipinasa ng Kongreso ng United States.
-itinakda nito ang relasyong pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United States.
-Binigyang karapatan nito ang mga Amerikano na malayang makipagkalakalan sa Pilipinas ngunit ipinagkait ang karapatang ito sa mga Pilipino.
Habang ang mga produktong mula sa America na iniluluwas sa Pilipinas ay hindi pinatawan ng taripa at quota, limitado naman ang bilang ng mga produkto mula sa Pilipinas gaya ng asukal at tabako ang maaaring ipasok sa United States.
Ano ba ang taripa o quota?
Ang taripa ay Isang uri ng buwis na ipinapataw para sa mga produktong inaangkat. Ito ay tax na pinapatupad para sa mga produktong ini import mula sa ibang bansa
Ang quota ay ang pagbibigay ng limitadong bilang ng produkto ng isang bansa na maaaring ipasok sa ibang bansa. Ini limit ang mga produkto ng isang bansa na pwedeng i import o ipasok sa ibang bansa.
-Sa batas na ito may kalayaan ang mga Amerikano na pwedeng makipagkalaklan o makipagtrade sa Pilipinas. Ngunit sa Pilipinas naman wala silang kalayaan na pwedeng makipagkalaklan sa Amerika
-Ang mga produktong galing sa Amerika na ini export sa Pilipinas ay hindi pinatawan ng taripa o quota.
-Habang ang mga produktong mula sa America na iniluluwas sa Pilipinas ay hindi pinatawan ng taripa at quota, limitado naman ang bilang ng mga produkto mula sa Pilipinas gaya ng asukal at tabako ang maaaring ipasok sa United States.
-Limitado o parang binigyan ng quota ang mga produkto mula sa Pilipinas na ini import sa United States gaya ng asukal at tabako
next slide
-Ang mga produkto ng isang bansa na ipinagbibili sa isa pang bansa ay tinatawag na EXPORT
-Ibig sabihin, halimbawa kapag ang produkto ng China binibili ng isa pang bansa na ang Pilipinas. Ang mga produkto sa China ay ini EXPORT sa Pilipinas
-Samantalang ang mga produktong inaangkat o binibili ng isang bansa mula sa isa pang bansa ay tinatawag na IMPORT
-Ang mga produktong binibili ng isang bansa halimbawa ang bansang PILIPINAS ang mga produktong binibili ng PILIPINAS mula sa isa pang bansa halimbawa ay AMERIKA kagaya ng mga tsokolate o mga damit galing sa AMERIKA na binili ng PILIPINAS ito ay tinatawag na import o imported. Ang mga tsokolate at damit ay imported dahil ito ay galing sa Amerika
-Samakatwid, ang export ng isang bansa ay import naman ng isa pang bansa.
-Kagaya ng sinabi ko kanina kapag ang Amerika ay mag e EXPORT ng produkto sa Pilipinas ito na ay tatawaging IMPORT/IMPORTED sa Pilipinas
next slide
BATAS UNDERWOOD SIMMONS (Underwood-Simmons Act 1913)
Apat na taon pagkatapos maipasa ang Batas Payne-Aldrich, isinabatas naman ng Kongreso ng United States ang Batas Underwood-Simmons ng 1913.
-Binago ng batas na ito ang polisiya ng United States sa pakikipagkalakalan sa Pilipinas
Binago nito ang polisiya ng United States sa pakikipagkalakalan sa Pilipinas.
Tinanggal nito ang quota at taripa na ipinapataw sa mga produktong ipapasok sa United States mula Pilipinas basta hindi ito naglalaman ng mga inangkat na sangkap o materyales na ang halaga ay hindi hihigit sa 20% ng kabuoang halaga ng produkto.
Gayunman, pinagtibay nito ang kalayaan ng United States na magpasok ng produkto sa Pilipinas.
Hindi pinayagan ng Batas Underwood-Simmons ang Pilipinas na magkaroon ng karapatan sa malayang pakikipagkalakalan.
Nilimitahan pa rin nito ang pagpasok ng produkto ng bansa sa United States kahit ano pa man ang materyal na ginamit sa produksiyon.
-Gayunman, mas liberal o mas mainam na ito kaysa sa Batas Payne-Aldrich. Hindi na nito pinatawan pa ng quota ang mga iniluluwas na asukal at tabako ng Pilipinas.
next slide
BATAS TYDINGS-McDuffie
Tiniyak ng Batas Tydings-McDuffie ng 1934 ang kalayaan ng Pilipinas pagkatapos magkaroon ng sampung taong transisyon kung saan may bubuoing pamahalaang commonwealth sa Pilipinas.
-Binago ulit ng Batas Tydings McDuffie ang relasyong komersiyal at kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United States
Muli silang nag patupad ng quota sa mga iniluluwas na produkto ng Pilipinas.
Hindi maaaring humigit sa 800,000 tonelada ang hilaw na asukal samantalang 200,000 tonelada naman ang pinong asukal
Ang langis ng niyog ay dapat na 200,000 na tonelada lamang. Samantalang ang kurdon naman ng abaca ay hindi dapat lumagpas sa 3,000,000 libra.
Isinasaad din ng batas na sa ikaanim na taon ng sampung taon na panahon ng transisyon, ay unti-unti na ring papatawan ng buwis ang mga produktong mula sa Pilipinas. Ang buong taripa ay ipapataw matapos ang panahon ng transisyon
next slide
PANAHON NG MGA HAPONES
Ikinwento ng mga nakaligtas na Pilipino sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang kanilang kuwento o mga karanasan noong Panahon ng mga Hapones
-Ang Pilipinas ay kolonya ng bansang Hapon simula 1941 hanggang 1945.
-Sinakop ng bansang Hapon ang kapuluan sapagkat ito ay mahalagang bahagi ng imperyong nais ni Emperador Hirohito na itaguyod sa rehiyon.
-Ang plano ay tinawag na Greater East Asia Co-Prosperity Sphere at balakid o suliranin sa layuning ito ang pamamalagi o pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas.
-Pinamunuan ng Hukbo ng Imperyo ng bansang Hapon ang Pilipinas sa pamamagitan ng pananakot.
Lubos nilang sinamantala ang ekonomiya ng Pilipinas. Pinuwersa nila ang mga Pilipino sa pagtatrabaho subalit kinamkam ng mga ito ang kanilang mga ani at produkto, ninakawan nila ang mga ito ng kanilang kabuhayan. Karamihan ng mga agrikultural na produkto ng bansa ay napunta sa bansang Hapon at kaunti lamang ang natira para sa lokal na pagkonsumo. Walang pag-duda na ang umiral na sistema ng ekonomiya noon ay command.
-Ang sistemang command- ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
Ang pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas ay mabilis at tiyak, dahil dito, malaki ang pinsalang idinulot nito sa ekonomiya.
Noong panahon ng digmaan, kinailangang gumawa ng paraan ng mga Pilipino para mamuhay sa lahat ng posibleng paraan-legal man o ilegal.
Bago pa man tuluyang masakop ang Pilipinas ng mga Hapones ay laganap na ang pagnanakaw at pagtatago ng mga produkto. Ang mga tao, mula sa iba't ibang antas ng lipunan ay napilitang gawin iyon para patuloy na mabuhay. Nang tuluyang masakop ng mga Hapon ang kapuluan, nagtatag ito ng pansamantalang pamahalaan, ngunit wala itong nagawa at hindi nito napabuti ang sitwasyon. May mga Pilipinong patuloy na naghanapbuhay ngunit patuloy ring nanaig ang takot at pag-aalinlangan sa kanila. May iba namang nawalan ng kabuhayan matapos masira ang kanilang mga pag aari o ari-arian Naging kapaki-pakinabang na gawaing pangkalakalan ang pagbili at pagbenta ng mga huwad at nakaw na produkto.
-Naka tulong ang pagbili at pagbenta ng mga peke o huwad at nakaw na produkto
Sanhi ito ng pagnanais ng mga tao na makaligtas at patuloy na mabuhay anuman ang maging kapalit.
-Resulta ito ng pagnanais ng mga taas na makaligtas at patuloy na mabuhay anuman ang kapalit
Inirasyon ng pamahalaan ang mga pangunahing pangangailangan sa bawat sambahayan upang masiguro na may kakainin ang mga ito.
Nahinto ang pambansang ekonomiya.
Natigil ang gawain sa mga sakahan, pati ang paraan ng transportasyon ay nasamsam din, nagsara o di kaya naman ay nasira ang mga pagawaan; at maraming tao ang nawalan ng trabaho.
Ang ilan ay may hanapbuhay pa rin ngunit sapat lamang ito para sa kanilang mga pangangailangan.
Sa unang pagkakataon, naging mas mainam ang buhay ng mahihirap na magsasaka sa mga baryo.
Ang mayayamang tao mula sa mga lalawigan at siyudad ay nagpuntahan sa malalayong lugar upang ipagpalit ang kanilang mga ari-arian para sa pagkain.
next slide
TAKIPSILIM NG COMMONWEALTH
Nagtapos ang digmaan sa Pilipinas noong Pebrero 2, 1945.
Subalit ipinahayag lamang ni MacArthur ang kalayaan ng kapuluan noong Hulyo 4, 1945. Sa gitna ng kagalakan ng mga Pilipino sa pagkatalo ng mga Hapon ay ang malagim na katotohanan ukol sa magulong kalagayan ng pambansang ekonomiya.
Ang sumusunod ay mga tayang bilang ng pagkasira: pinsala sa mga industriya 582, 500; pagkawala ng mga lokal na ari-arian-798, 767, 595;
-Ang natitirang populasyon ng mga alagang hayop-35%;
-Ang pagkawala ng kapangyarihan ng industriya ng agrikultura-40% (History of the Filipino People, Agoncillo, 1960).
Alam ng huling dalawang pangulo ng Commonwealth na sina Sergio Osmeña at Manuel Roxas na hindi kayang lutasin ng Pilipinas nang mag isa ang mga suliranin ng bansa. Matindi ang pangangailangan na humingi ng tulong mula sa United States.
-Kailangan na talaga nilang humingi ng tulong mula sa United States
Ipinasa ng Kongreso ng United States ang Bell Trade Act noong Oktubre 1945.
Ipinagpatuloy ng batas ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United States.
-Sa batas na ito patuloy ang malayang pagkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United States.
Pagkaraan ng anim na buwan, nilagdaan ng Presidente ng United States na si Harry Truman ang Tydings Rehabilitation Act at pinalawig(binigay) ang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng $620,000,000. -Ngunit may hinihingi ang parehong batas. Ito ay pagbibigay ng Pilipinas sa mga Amerikano ng Parity Rights
Ang karapatang ito ay nagbigay sa mga Amerikano ng parehong pagkakataon ng katulad sa mga Pilipino sa paghahanap, pagpapaunlad, at paggamit ng mga likas na yaman ng bansa.
-Ang Parity Rights ay nagpapahintulot sa mga mamamayan ng Estados Unidos ng pantay na karapatan katulad sa mga Pilipino sa paghahanap, pagpapaunlad, at paggamit ng mga likas na yaman ng bansa.
Upang mapabilis ang tulong sa mga tao, nilikha ng United States ang Philippine Civil Affairs Unit (PCAU).
Ang PCAU ang nagsaayos ng mga lunsuran kung saan ipinapamahagi ang mga pagkain at ang pagrarasyon ng pagkain batay sa dami ng kasapi ng bawat pamilya.
Ang pamahalaang Commonwealth din ang nagtakda ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

OUTRO: YAN ANG MGA PAKSA NG PANGKAT 4, MARAMING SALAMAT!



     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.