NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

ANG PANIBAGONG BUHAY NI KATOL

Nang nilikha ang mga hayop ay binigyan sila ng kanya-kanyang katangian. Ang iba ay binigyan ng kakaibang bilis at pang-amoy. Ang iba naman ay binigyan ng kakayahang lumipad o lumangoy. Ang mga pusa ay binigyan ng kakaunting kakayahan ngunit naging patas sa kanila ang diyos. Binigyan sila nito ng siyam na buhay. Sa paglipas ng panahon, naging mapang-abuso ang mga pusa. Ginamit nila ang kanilang siyam na buhay sa masama. Ginagamit nila ito upang makapagnakaw at makasakit sa ibang hayop. Hindi nila gaanong inaalintana ang kanilang kaligtasan dahil alam nilang marami silang buhay. Ito ang humihingkayat sa kanilang gumawa ng masama. Ngunit naiiba si Katol. Ginagamit niya ang siyam na buhay nya para makatulong sa kapwa hayop. Nung nakita nya ang manok na masasagasaan sa daan ay tumakbo sya palaoit dito upang maligtas ito. Dahil sa kanyang ginawa, sya ang napuruhan ng sasakyan. May pagkakataon ding nakakita sya ng asong nalulunod sa ilog kaya lumusong sya dito habang may dalang maliit na kahoy. Sapat lang ang kahoy para masakyan ng isang hayop kaya ibinigay na lamang nya ito sa aso. Nakaligtas ang aso ngunit nanatili si Katol sa ilog. Tuluyang tumaas ang tubig at sya'y nalunod. Nagpatuloy ang pagtulong ni Katol sa kapwa nya hayop hanggang isang buhay na lamang ang natitira sa kanya. Isang araw habang naglalakad-lakad si Katol ay nakakita sya ng pagkain. Dali-daki nya itong kinuha. Ilang araw na syang gutom na gutom dahil hindi pa sya kumakain. Ngunit nakakita sya ng mga kuting na umiiyak sa tabi ng daan. Iniwan sila ng kanilang ina na pusang gala at gutom na gutom narin sila. Kung hindi makakakain ngayon si Katol ay tuluyan na syang mamamatay. Iisang buhay na lamang ang mayroon sya. Ngunit sa huli, pinili nya paring ibigay ang pagkain sa mga kuting. Hanggang sa huling buhay nya ay inisip nya ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili nya. Tuluyang nanghina si Katol dahil sa gutom at kalauna'y namatay. Dahil dito, nakaharap nya si Baygon, ang diyos ng mga hayop. Dahil sa kabutihang loob at kadakilaan nya, ginantimpalaan sya ni Baygon. Binigyan sya nito ng panibagong buhay at sa pagkakataong ito ay mamumuhay na sya sa katawan ng tao. Nabuhay muli si Katol bilang tao. Pinangalagaan nyabang bagong katawan nya dahil alam nyang kapag may nangyaring masama sa kanya ay tuluyan itong mawawala sa kanya. Hindi katulad noong pusa pa sya na mayroong siyam na buhay. Ngunit hindi ito inalintana si Katol. Sobra-sobra na para sa kanya ang magkaroon ng panibagong buhay bilang tao. Nagpatuloy sya sa pagtulong sa iba at namuhay ng marangal.
     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.