NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Elevated Bus:pagpapakilala at pagtatayo ng Elevated Bus at station nito bilang tugon sa lumalalang traffic sa pinas


A) Introduksyon:
ayon sa waze noong october 1, 2015 ay ang pilipinas ay ang nangunguna sa may pinakamalalang traffic sa buong mundo kasama ng sao paolo sa brazil, at Jakarta naman sa indonesia. ipinakaita din sa isinagawang Global Driver Satisfactory Index na ginawa ng waze ay nahihirapan ang mga nagmamaneho ng kanilang sasakyan sa kalsada ay sa kadahilanang laging mabigat ang daloy ng trapiko, hindi kagandahang daanan, at iba pang mga kadahilanan. nalaman nila ito dahil sa ginagawa nilang assessment na sila ay gumawa ng isang grading system kung saan nagtatanong sila sa 50 milliong gumagamit ng kanilang app kung ang nangyaring biyahe ba ay naging kasiya siya o dinaman nakaka lungkot at dito lumabas na ang pilipinas ang may pinakamababa na nakakuha lamang ng 0.4 na marka.

ayon naman kay presidente duterte noong SONA 2017 siya ay gagawa ng isang malaking proyekto kung saan tinatawag nya itong 'build, build, build' infrastracture program na nag kakahalaga ng P9 Trillion pesos, at dahil sa isang mapaghangad na programa ay sinabi nya na sa mga susunod na taon ay magiging 'Golden Age Of Infrastructure' ang pilipinas na makakapaf dulot ng maganda at mabilis na pagbiyahe sa mga probinsya, ngunit dahil sa sobrang laki ng at sa kakulangan sa pondo ay malayong makamit ng ating bansa ang sinasabing proyekto ng ating pangulo.

ang traffic congestion ay nagpapabagal sa takbo ng ating personal na buhay. Pinahihirapan at naapektuhan nito ang ating mahalagang gawain mula sa paghahanap ng magandang trabaho, pagbibigay ng mahabang oras at panahon sa ating pamilya, maski na ang paghanap ng tamang pag-ibig at pagpapanatili nang mahusay na ugnayan sa ating kapwa. Dahil sa tindi ng trapiko araw-araw, ang isang manggagawa ay maaring ma-late o makapag-absent sa trabaho, ang isang magulang ay mawalan ng oras sa kaniyang pamilya, maubusan ng lakas at panahon para sa kaniyang mga mahal sa buhay, at ang isang drayber o pasahero ay uminit ang ulo at mapasabak sa away sa kanyang kapwa drayber o pasahero o ang sinasabi nating “road rage.”(BALAKER at STALEY (2008)).

Batay sa pag-aaral ng National Center for Transportation Studies noong 2011, ang matinding traffic sa Metro Manila ay katumbas ng pagkawala ng 137.5 bilyong piso noong 2011. Ang katumbas ng nawalang pera ay halos doble ng dalawang buwan ng OFW remittances at katumbas ng 25 porsiyento ng kabuuan ng ekonomiya ng Pilipinas.(Visconty (2013)). halos 10 milyong residente na ang apektado ng masikip na daloy ng trapiko sa Maynila lalong lalo na sa EDSA na kung saan ang takbo ng mga sasakyan ay hindi na lumalagpas sa 15 kilometro kada oras sa ordinaryong araw. Kaya’t hindi na maipagwawalang bahala at sadyang lubos na mahalaga na maibsan ang hirap na dulot ng traffic congestion sa Metro Manila sa lalong madaling panahon. (world Bank (2013)).

kung kaya't dahil dito ay mahihirapan at matatagalan pa ang inaasam ng mga pilipinong naninirahan sa pilipinas ang mabilis na daloy ng trapiko. dahil kung ikaw ay nakatira sa metro manila ay mananawa ka sa sobrang haba at bagal na daloy ng trapiko sa pilipina, kung kaya't ang nilalaman ng aking pag aaral ay nakatuon sa pagpapakilala ng isang imbensyon na nagmula sa ibang bansa na kung saan isa ito sa maaaring maging tugon sa mabilis na pag biyahe ng isang pasahero.ang elevated bus ay maaari mong maihalintulad sa LRT, MRT, At mga tren dahil ito ay may potential na maging isa sa pangunahing transportasyon sa pilipinas. dahil ang elevated bus ay pampublikong transportasyon na tumatayo o nasa itaas ng traffic. At dahil sa napili kong pag-aaral ay maaaring matugunan ang kakulangan sa pampublikong sasakyan at gayun na din ang tugon o sagot sa mabagal na daloy ng trapiko, dahil itong proyekto na ito ay hindi makakaapekto at makakaharang sa daloy ng maliliit na sasakyanm hindi din ito makakaapekto sa ibang daloy ng transportasyon mapa tren o bus man.

B) pag sagot sa problemang tinalakay sa artikulong pananaliksik o mga tugon sa katanungan sa ilalim ng pag-aaral
1.) mga benepisyo na maaaring maging dulot ng elevated bus?
2.) paano nito mapapalago ang turismo sa bansa?
3.) ano ang maaaring maging parte nito sa pag unlad ng ating bansa?

madaming maaa-ring maging benepisyo ang elevated bus, una palang ay mas kumportableng biyahe sa mga pasahero sa kadahilanang mas magiging madami ang maaaring sakyan ng mga pasahero ay mas magiging maluwag, at mas magiging kumportable ang masasakyan nila mapa jeep, bus, at tren. mas mabilis na pag "cocommute" dahil nga ang elevated bus ay nasa ibabaw ng mga sasakyan ay ito ay makakaiwas sa mga traffic kung kaya't mas magiging mabilis makakarating sa paroroonan o mas konting oras ang igugugol sa pagsakay. at ang pang huli ay maaari itong makatulong sa kalusugan ng mga tao bakit? dahil ang elevated bus ay pinapatakbo ng kuryente kung kaya't ito'y hindi naglalabas ng mga itim na usok na nakakasama sa kalusugan ng tao pati na din ng ating kalikasan.

isa ang transportasyon sa pangunahin sangay ng tourismo kung kaya't ang elevated bus ay maaaring makatulong sa pag papaunlad neto. kung iyong makikita ay ang pangunahing transportasyon ng pilipinas sa pag punta sa kanya kanyang probinsya ay ang bus kung kaya't mas mapapabilis ng elevated bus ang biyahe dahil ito ay makakaiwas sa kumpulan ng mga sasakyan, at hindi pa ito makakasagabal sa mga taong gumagamit ng pribadong sasakyan dahil ito ay maaaring dumirediretso lamang ng walang nasasagasaan o nadidisgrasyang ibang tao. at dahil dito ay isa itong ginawa kong pag aaral upang mas maging kasiya siya ang pag libot sa buong pilipinas, dahil ito ay magiging mabilis, kumportable, at hindi nakakasagabal sa iba.

nuong February ayon sa CNN philippines(2017) ay nawawalan ang pilipinas ng mahigit P3.5 billion araw-araw dahil ang traffic sa metro manila lamang, dahil pag sinama pa ang pinagsama samang ₱2.3 billion kada araw sa probinsya ng Bulacan, Laguna, Cavite and Rizal. sinasabi din dito na mayroong 12.8 milliong nag bibiyahe papuntang o palabas ng maynila kung kaya't sa dami ng sasakyan ay nag dudulot ito ng malawakang pagkakaroon ng traffic congestion. dahil nga sa dito ay patuloy na nababawasan o nawawala ang pera na maaaring magamit sa pag dadagdag pa sa pondo na magagamit sa paggawa ng imprastraktura, kaya maaaring maging solusyon ang elevated bus dahil madaming mga manggagawa ang maaga ng makakarating sa kanilang mga trabaho ng hindi umaalis ng ganon kaaga sa kanilang mga tirahan na makakapag dulot sakanila ng gana sa pag tratrabaho o di naman kaya'y pag dating sa kanilang trabaho ay hindi pa sila ganon kapagod dahil sa biyahe. makakatulong din ang elevated bus dahil kahit papaano ay makakatulong ito sa mga pera na nawawala sa ating bansa dahil sa malawakang traffic congestion.

C) Konklusyon:
bilang konklusyon ang elevated bus ay magiging malaking tulong sa ating bansa hindi lamang sa pagsisilbi nitong makapag hatid ng pasahero ng mabilisan kundi makakatulong din ito upang mapalago ang ating bansa. kaya naman ay maganda itong ilagay dahil maaari itong makapagdulot ng iba't ibang klase ng benepisyo sa mga tao, dahil makakabawas ito sa polusyon hindi lamang sa hangin kundi na din ang polusyon sa ingay.

di lamang nakakatulong ang elevated bus sa mga tao kundi nakakatulong din ito sa mga ibang daloy ng mga sasakyan, bakit? dahil di gaya ng LRT,at MRT na may malalaking imprastraktura na nakakasagabal sa mga sasakyan dahil ang pag tatayo ng TEB o Transit Elevated Bus ay pwede ding ilagay sa lugar na nadadaanan na mismo ng mga sasakyan ng hindi nasasagabal ang iba pa. dahil dito nais kong pag tuonan ng pansin ang magandang maging kinalabasan ng konsepto ng elevated bus sa bansang pilipinas

D) Sanggunian:
(https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/539108/traffic-sa-metro-manila-pinakamalala-sa-buong-mundo-waze/story/)

(https://verafiles.org/articles/sona-promise-tracker-infrastructure)

(https://pinasglobal.com/2019/01/traffic/)

(https://cnnphilippines.com/transportation/2018/02/23/JICA-P3.5-billion-traffic.html)
     
 
what is notes.io
 

Notes is a web-based application for online taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000+ notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 14 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.