NotesWhat is notes.io?

Notes brand slogan

Notes - notes.io

Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya, mapayapa at masayang namumuhay ang mga mamamayan nito na di nakakakilala ng ligalig. Ito ay utang ng lahat sa mabuting pamamalakad ng mabait na Haring Fernando at ng kanyang butihing maybahay na si Reyna Veleriana.

Tatlong makikisig na binata ang kanilang mga anak na kapwa lugod ang mga kanilang puso. Isa sa kanila ang nakatadhanang magmana ng setro at korona ng kaharian ng Berbanya.

Si Don Pedro ang panganay sa tatlo, at siya ay naniniguro na siya ang magiging tagapagmana ng korona. Malakas siya, matikas at kinagugulatan ng lahat sa paghawak ng espada. Sumunod sa panganay ay si Don Diego, ang binatang taring kung turingan, malilikot ang mga mata at tunay na mabilis sa mga dalaga. Siya’y mahusay din sa espada. At ang bunso ay si Don Juan na bagama’y mahiyain at may katangiang mababang-loob ay tunay na kaakit-akit at itinitibok ng puso ng mga kadalagahan sa buong sakop ng kaharian.

Sino sa tatlo ang karapat-dapat na magmana ng trono? Iyan ang kaisipang bumabagabag sa kalooban ng matandang Haring Fernando. Sa labis na pag-iisip na iyon at dahil na din sa katandaan marahil ay naratay ang hari sa isang di maipaliwanag na pagkakasakit.

Ipinatawag ang mga magagaling na manggagamot. Subalit hindi matuklasan ng mga dalubhasa ng reyno kung ano ang sanhi ng kanyang karamdaman. Nagdulot ito ng labis na pag-aalala sa reyna. Ang pagkakasakit ng hari ay ikinabahala ng labis ng buong kaharian. Ito’y labis ding dinamdam ng bunsong anak na si Don Juan subalit hindi nina Don Pedro at Don Diego na waring ang pagkakasakit ng ama ay isang bagay na dapat agahan kundi man malaon nang kainipan.

Nang gabing iyon, habang tinatangay ng nakahihibang na lagnat ang balisang hari sa kanyang himlayan ay isang waring panaginip ang kaniyang gunita. Isang pagkaganda-gandang diwata na mistulang sugo ng langit ang nanaog upang ihatid sa kanya ang balita sa magsisilbing lunas sa kaniyang karamdaman.

Dahil hanggang ngayo’y hindi pa napagpasiyahan ng hari kung sino ang magiging tagapagmana ng kaharian. Ang kaniyang karamdaman ay ibinigay sa hari upang matulungan siyang magpasiya. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng kaharian ng Berbanya. Kung sinuman sa mga anak ng hari ang makakapagpagaling ay siyang karapat-dapat na maging tagapagmana ng setro at korona.

Sa Bundok ng Enkantadong Tabor ay namumugad ang Ibong Adarna, kung sino sa anak ng hari ang makakahuli at magdadala nito sa hari ay siya ang kaniyang pipiliin. Sa sandaling madala na ang ibon at marinig itong umawit, ang hari ay gagaling. Isinalaysay ng hari kay Reyna Valeriana ang panaginip na dumalaw sa kanya. Ito ay nagbigay ng ibayong pag-asa sa kanyang nanlulumong kalooban dahil sa karamdaman.

At hindi nga nagtagal ay gumayak na si Don Pedro upang patunayan sa lahat na siya ang tunay na tagapagmana ng setro at korona. Ipinagbunyi ng buong lugod ng mga mamamayan ang paglisan ni Don Pedro upang hanapin ang Ibong Adarna. Ang lahat ay umaasang magtatagumpay ang prinsipe sa pagkuha ng lunas na magpapagaling sa minamahal nilang hari.

Kung ilang araw na binagtas ni Don Pedro ang kasukalan ng gubat. Nagpapahinga lamang siya upang kumain at matulog sa paghahangad na makarating agad sa patutunguhan. Nang sapitin niya ang rumaragasang ilog ay lalo siyang nagsikap na iyon ay matawid. Sa kabilang pampang naroon ang Bundok Tabor na kanyang hinahanap. Inakyat niya ang matarik na daanan ng Bundok Tabor. Abot-abot ang kanyang hingal nang sapitin niya ang tuktok ng bundok. Kasalukuyang pinapawi niya ang matindi niyang gutom nang may dumating na isang matanda at humihingi sa kanya ng pagkain. Hindi niya ito binigyan ng pagkain.

Pinasok ni Don Pedro ang kakahuyan ng Bundok Tabor. Unti-unti nang lumatag ang kadiliman nang matanawan ni Don Pedro ang isang kakaibang puno. Lumalalim ang gabi at nabagot sa paghihintay ang prinsipe hanggang sa siya ay dalawin ng matinding antok. Nang sumapit ang hatinggabi ay nakatulog na si Don Pedro at hindi niya naulinigan ang pagaspas ng mga pakpak ng Ibong Adarna na patungo sa punong pinagkakanlungan niya. Dumapo ito sa sanga ng puno sa ibabaw ng tinutulugang lugar ni Don Pedro. Nang matiyak ng Ibong Adarna na natutulog si Don Pedro ay nagsimula itong umawit ng buong lambing. Makapitong ulit umawit ang Ibong Adarna at sa lambing ng mga awit ay humanda ang Ibong Adarna upang matulog subalit ito ay dumumi muna. At sa ilalim ng puno ay napatakan ng dumi ng ibon ang nahihimbing na prinsipe. Noon din ay naging bato si Don Pedro at buong tiwasay na natulog ang Ibong Adarna na parang walang nangyari.

Lumipas ang marami pang mga araw, at sa palasyo ay ipinatawag naman ni Haring Fernando si Don Diego. Dinatnan ni Don Diego ang kanyang inang reyna at amang hari na naghihintay. Sinabi ni Haring Fernando na ilang araw nang wala si Don Pedro kaya siya ay nangangamba na baka hindi ito nagtagumpay kaya naman kay Don Diego na ngayon nakasalalay ang kanyang kaligtasan. Buong-puso naman na sumunod ang prinsipe sa hari. Naglakbay noon din si Don Diego. Sa kasamaang palad ay sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro at naging bato din. Nabigo na naman ang hari na magamot ang kanyang karamdaman.

Si Don Juan ay labis na nag-aalala sa kanyang mga kapatid. Ipinasya niyang dumulog sa kanyang amang hari at nagpaalam na siya naman ang maglalakbay. Aalamin niya kung ano ang nanyari sa kanyang mga kapatid at para mahuli at maiuwi na din sa palasyo ang Ibong Adarna.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Don Juan. Noon din, matulin niyang binagtas ang madilim na kagubatan. Mula sa malagim na kagubatan ay walang gulat naman niyang tinawid ang rumaragasang ilog at sinapit niya ang kabilang pampang na walang anumang sakunang naganap. Kakain na lamang sana si Don Juan nang mapalingon siya sa may kakahuyan sa pagkarinig sa panaghoy ng isang nilalang na dumaraing. Likas na may busilak na kalooban si Don Juan kaya binigyan niya ito ng pagkain. Tinanong ng matanda kung ano ang sadya ni Don Juan. Sinabi niya ang dahilan ng kanyang paglalakbay, na hinahanap niya ang kanyang dalawang kapatid at ang Ibong Adarna, na siyang tanging lunas sa kanyang amang may karamdaman. Nang malaman ng matanda ang kanyang pakay, mahigpit na itong nagbilin: "Bago mo pangahasan ang paghuli sa Ibong Adarna ay makipagkita ka muna sa ermitanyo na naninirahan sa isang kuweba sa Bundok ng Tabor."

Ang pag-akyat sa Bundok Tabor ay agad sinimulan ni Don Juan. Nang sapitin niya ang tuktok ng bundok ay buong panggigilalas niyang nakita ang malaparaisong pangitain doon at ang punong may mga dahong pilak na kanyang sadya. Tunay siyang humanga sa kagandahang ibinihis ng kalikasan at sa luntiang kapaligirang kanyang pinagmamasdan. Kapagdaka’y hinanap niya ang kuweba ng ermitanyo na mahigpit na ibinilin ng matandang pulubi. Pinuntahan niya at magiliw siyang tinanggap ng matandang ermitanyo. Ipinaghain pa siya ng nito ng makakain. Namangha si Don Juan nang makita na ang inihain sa kanya ay siya ding tinapay na inilimos niya sa matandang pulubi. Paanong ang tinapay na ipinagkaloob niya sa ketongin ay naputa sa ermitanyo? Si Don Juan na din ang sumagot sa kanyang sarling katanungan.

Sinabi sa kanya ng ermitanyo, "Sapagkat naipamalas mo ang kabutihan ng kalooban ng mga sandaling sapitin mo ang pook na ito ay nakatalaga ako ngayon na tulungan kang mahuli ang Ibong Adarna."

Ang Ibong Adarna ay isang engkantadong ibon na hindi mahuhuli ng gayun-gayon lamang. Mahiwaga ang kanyang awit at ang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.

"Siya ay humahapon sa punong may mga pilak na dahon kung sumasapit na ang hatinggabi. At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang makatulog sa pitong ulit na pag-awit sa ginagawa niya. Sa bawat awit niya ay nag-iiba ang anyo ng kanyang mga plumahe." wika ng ermitanyo.


Binigyan siya ng ermitanyo ng pitong dayap. At mahigpit na ibinilin na: "Sa bawat awitin ng Ibong Adarna ay susugatan mo ang iyong bisig at pipigaan ng dayap ang sugat upang sa kirot na mararamdaman ay hindi makatulog sa kabila ng malambing niyang awit."

"Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog. Iwasan mong mapatakan ka noon kundi ay magiging bato ka. Ang taling gintong ito ang tanging mabisa upang siya ay talian."

"At isang bagay pa, sa sandaling mahuli mo na ang Ibong Adrana ay sumalok ka ng tubig sa bukal na malapit sa puno at ibuhos mo sa dalawang batong nasa ilalim ng puno upang bumalik ulit sa dating anyo ang dalawa mong kapatid", sabi ng ermitanyo bago umalis si Don Juan.

Si Don Juan ay nagtungo sa kinatitirikan ng puno sa Bundok ng Tabor. Inabot siya doon ng hatinggabi sa paghihintay at di kawasa’y naulinigan niya ang pagaspas ng mga pakpak na hudyat na ang Ibong Adarna ay dumarating na upang humapon sa puno. Pagdapo sa sanga ay pitong ulit na umawit ang Ibong Adarna ng buong tamis at lambing at pitong ulit na nag-iba ng anyo ang kanyang plumahe. Pitong ulit din na sinugatan ni Don Juan ang kanyang bisig at pinigaan iyon ng dayap upang hindi makatulog sa lambing ng mga awiting iyon.

Matapos dumumi ang Ibong Adarna ay natulog ito at agad namang inakyat ni Don Juan. Pagkatapos niyang mahuli ang Ibong Adarna, pumunta agad siya sa ilog upang kumuha ng tubig para ibuhos sa kanyang mga kapatid. Noon din ay nagbalik sa kanilang dating mga anyo sina Don Pedro at Don Diego.

Gayon na lamang ang tuwa ni Don Juan nang muling makita ang kanyang mga kapatid. Ipinaliwanag ni Don Juan ang buong pangyayari sa dalawang kapatid at noon din ay pinagharian ang kanilang mga puso ng matinding inggit. Nang magbukang liwayway, tinungo nila Don Juan ang kuweba ng ermitanyo upang magpasalamat at magpaalam. Sila ay pinakain nito at ginamot din ang mga sugat ni Don Juan. Pagkapahinga, ay pinauwi na sila ng ermitanyo at pinayuhang walang manloloko o magtataksil isa man sa kanila.

Hindi sumunod sa ermitanyo ang dalawang prinsipe na si Don Pedro at si Don Diego. Si Don Juan ay walang awang pinagtulungang bugbugin ng magkapatid na pinaghaharian ng inggit at pag-iimbot.

     
 
what is notes.io
 

Notes.io is a web-based application for taking notes. You can take your notes and share with others people. If you like taking long notes, notes.io is designed for you. To date, over 8,000,000,000 notes created and continuing...

With notes.io;

  • * You can take a note from anywhere and any device with internet connection.
  • * You can share the notes in social platforms (YouTube, Facebook, Twitter, instagram etc.).
  • * You can quickly share your contents without website, blog and e-mail.
  • * You don't need to create any Account to share a note. As you wish you can use quick, easy and best shortened notes with sms, websites, e-mail, or messaging services (WhatsApp, iMessage, Telegram, Signal).
  • * Notes.io has fabulous infrastructure design for a short link and allows you to share the note as an easy and understandable link.

Fast: Notes.io is built for speed and performance. You can take a notes quickly and browse your archive.

Easy: Notes.io doesn’t require installation. Just write and share note!

Short: Notes.io’s url just 8 character. You’ll get shorten link of your note when you want to share. (Ex: notes.io/q )

Free: Notes.io works for 12 years and has been free since the day it was started.


You immediately create your first note and start sharing with the ones you wish. If you want to contact us, you can use the following communication channels;


Email: [email protected]

Twitter: http://twitter.com/notesio

Instagram: http://instagram.com/notes.io

Facebook: http://facebook.com/notesio



Regards;
Notes.io Team

     
 
Shortened Note Link
 
 
Looding Image
 
     
 
Long File
 
 

For written notes was greater than 18KB Unable to shorten.

To be smaller than 18KB, please organize your notes, or sign in.